Tuesday, December 23, 2014

Precious Gifts



    Christmas is in the air, since it's Christmas I want to reminisce the gifts that I received.
These gifts are worthless because you couldn't buy them anywhere. One of the precious gift that I received  is a trumpet made of coconut leaves handmade by my Father. Second is a doll made of cloth handmade by my Mother. I asked them gifts like those of my playmates but what they gave is so precious that even in my adulthood I still remember so vividly; how my Father passionately made a trumpet and I saw the process with my own eyes and even  my mother how she gathered pieces of cloth and sewn it with her own hand. But most of all is the gift of friendship; I received this gift to the awesome people that I met on my journey. It is the gift that I treasure most, that when they're gone I couldn't help but miss them. I am a master  of my emotion, I know how to control and hide it. But then, I'm still human and anytime I miss my friends I burst into tears. Especially when they migrate to other place or gone eternally.




     As early as five I learned to detached myself  with the so called BFF when my closest playmate died at an early age. My family always transfer from one place to another. That's why I told to myself, there is no permanent only change, so don't be too attached with  the place things and person. But since I am a healthy human being with feelings I disobey the rules that I made. The latest friends that I  treasure most already migrated from other country. It is an honor that before they leave I have this unusual encounter with them. First is Ponky, second is Diana, third is Nette. They both migrated to other country for good. But every time I miss them I always remember the good times that we've been together especially the last one. I also remember Ate Donna,Cherry and Jennifer most of the time I lit a candle and pay tribute to them. Even in a short span that I met them I learned valuable lessons just listening to them.
     Friendship is the most vulnerable and most precious gift that I treasure, aside from our  family they are my brothers and sisters in Christ. If blood is thicker than water friends are incomparable.They are my extended family.
     One of the most valuable lesson that I learned through listening to them is the rule of family in molding a precious people and awesome friends. What we have in common is that we need family where we belong. As Christmas come pay tribute to your family, don't be a stranger to them. Because Christmas is a symbol of oneness of family relationship. May we be guided by the light that come from our Savior Jesus Christ. Blessed Christmas to All!
  

Wednesday, November 19, 2014

TINIG NI JOAQUIN

 


 Namimili ako ng magandang klase ng jeep bago sumakay. 'Yong mukhang bago,mabilis, makulay at maaliwalas sa mata. Subalit napukaw ang aking pansin sa tinig ng isang batang lalaki. Halos mamaos na sa kakasigaw. May kakaiba sa kaniyang tinig. Tinig na paos at nagmamakaawa. Di man bago at maaliwalas ang jeep na yaon sumakay ako dahil sa tinig ni Joaquin. Umupo ako malapit sa kaniyang kinaroroonan.Si Joaquin nakayapak walang tsinelas at habang nagtatawag ng pasahero, ang kanyang ama nama'y may inuusal na tila panghihinayang. Ang malinaw na aking naulinigan ay; "Nasira ang ating byahe sa araw na ito.." Di man ganon kadetalyado ang aking narinig, aking napagtanto kung bakit ganon ang tinig ni Joaquin. Nais nyang bumawi upang kahit man lang sa pag-uwi man lang nila ay mapuno ang kanilang jeep. Kaya ganoon sya kadeterminadong sumigaw at halos mag-makaawa sa mga pasahero na sila'y sumakay sa kanilang jeep. Subalit di sya nagtagumpay dahil kalahati lang ang laman ng kanilang lumang jeep. Marahil di ko na muling makikita si Joaquin. Subalit ang tinig niyang nagmamakaawa ang aking maaalala pag ako'y sasakay ng jeep.
     Kaya naman sa munting halaga may nakakakita man o wala magbayad nang tama. Dahil ang iyong munting katapatan at barya ay malaking tulong sa tulad ng pamilya ni Joaquin na ang tanging ikinabubuhay ay ang pagpapasada ng jeep.

#journey

Wednesday, September 24, 2014

Paano na ang mga Walang Tinig?

     Itinuturing na Bagong Bayani ang mga OFW na sya namang dapat dahil maliban sa dolyar na ipinapasok nila sa ating bansa, nakataya ang kanilang buhay sa labas ng ibang bansa.
    Subalit di lahat ng nais mangibang bansa ay pinapalad makaalis lalo na ang mga kapwa natin Pilipino na di sapat ang edukasyon,kakayahan at salapi. Isama pa ang mga illegal recruiter na nag-papaasa sa mga kapwa nila Pilipino na sila ay makakaalis upang magtrabaho sa ibang bansa.
    Kunwa'y tila maamong tupa na lalapit sa mga nangangarap mangibang bansa ang tagline nila,
"No Placement Fee!" sino ba namang Pilipinong kapos na nangangarap mangibang bansa ang di mahihikayat na mag-apply sa kanilang ahensya.  Hinihikayat lalo na ang mga Pilipinang nakatira sa malalayong probinsya. Bilang isang Pilipinang kimi, kahit anong sabihin ng mga "Illegal Recruiter" na ito ay tanggap lang ng tanggap ang Pobreng Probinsyana. Ang sistema papupuntahin sa Maynila ang pobre siempre libre naman eh! Gayunpaman ang pamasahe ay di biro lalo't malayong probinsya ang pinanggalingan, idagdag pa ang oras na nasasayang sa pabalik-balik na pagpaparoo't parito. Ilang ulit silang pababalikin sa Maynila at darating pa sa punto na sasabihing. "Aalis ka na sa Lunes kaya dalin mo na ang gamit mo!" Kamukat mukat ang mga pobreng probinsyana ay di pala makakaalis. Dahil ayon sa "Illegal Recruiter" na ang visa kono ay expired na! Kayo kayang "illegal recruiter" ang lumagay sa katayuan ng mga pobreng probinsyanang ito! Nagpaalam sa mga magulang at kamag-anak na aalis siempre bilang pamilya, tutustusan ang kanilang mga kaanak makaalis lang. Asan ang mga puso nyong mga "Illegal Recruiter"! Pera,pera na lang ba ang labanan sa bansang ito! At bilang paconsuelo de bobo sasabihin sa pobreng probinsyana ng "Illegal Recruiter" na ito "Bilang tulong sa iyo habang di ka pa nakakaalis at nahihiya kang umuwi sa probinsya mamasukan ka muna kay ganito, ganyang tao. Training ground mo 'yon dahil pagdating mo sa ibang bansa 'yon naman ang trabaho mo.!" Ang kapal ng mukha ng "Illegal Recruiter" na ito pobre na nga ang tao pinagmumukha pang kawawa ang mga pobreng probinsyana dahil wala ng choice si pobreng probinsyana, tatanggapin na lang ang "offer" na maging katulong sa sariling bansa ng walang anumang benepisyo kundi libreng tirahan at pagkain, kapalit kono ng training na makukuha nya; libre tirahan at pagkain pa!. Saan ka pa?  At ang "illegal recuiter" na ito tatanungin ang pobreng probinsyana kung nagsayang ba sya ng oras sa pabalik-balik na pagpunta sa kanilang ahensya. Natural anong isasagot nyan kundi iling,tango,oo,hindi.!Nakakahighblood ang mga "Illegal Recruiter" na ito nag-resigned ang pobreng probinsyana sa kanyang trabaho sa probinsya dahil sa pangako na sya ay makakalis na 'yon pala ang dahilan expired na kono ang visa. Sinong may kasalanan 'yon pobreng probinsyana?!!! Pero ang totoo pag tingin sa POEA wala palang Job Order! At paano makakaalis di pa nga napaprocess sa POEA.! Ang mga pobreng probinsyana walang magawa kundi umiyak na lang sa kasawiang dulot ng mga "Illegal Recruiter" na ito. Di maipagtanggol ang sarili at walang magawa kundi tanggapin ang masaklap na kapalaran! Ang kapal ng mukha talaga  ng tila maamong tupang "Illegal Recruiter" na ito sasabihin pa nyang magkababayan sila ng pobreng probinsyana. Eh bakit wala kang malasakit kung tunay nga na kababayan ka nya.?! Halos ituring na mababang uri ang mga pobreng probinsyana na ito. Ano yan aso na itetrraining nyo kunyari dahil napaamo nyo kahit ano puwede nyo nang iutos?
 At dahil ayaw na ngang tumuloy ng pobreng probinsyana, iipitin ang passport at pagbabayarin kono sa training na nagastos. Super kapal.!
    Anong turing nyo sa pobreng probinsyana alipin nyo na puede nyong ipagbili kung kanino nyo gusto.! Mga walang puso. Di ba kayo nakokonsensya ikinabubuhay nyo galing sa pobreng probinsyana na kapalit ay buhay?
     Para sa mga Pilipinang gustong magtrabaho bilang DH sa ibang bansa. Huwag nyo munang ibibigay basta-basta ang inyong mga orihinal na papeles lalo na ang passport nyo. Icheck nyo muna sa POEA kung may Job Order sa ganong bansa at posisyon na inyong inaaplayan.

Kung DH lang din at  mababa ang pasuweldo,kabayan kikitain mo yan dito sa Pilipinas.
Itanong mo sa sarili mo ano ba 'yong talento na meron ka at 'yon ang gamitin mo.
Problema ang puhunan 'yon ngang pagpunta mo sa ibang bansa nagawan mo ng paraan. Tiyak magagawan mo din yan ng paraan.Di lang pangingibang bansa ang solusyon ng pag-asenso.

Ang bagal talaga ng hustisya sa Pilipinas kaya naman ang daming mga "Illegal recruiter" na malalakas ang loob na manloko ng paulit-ulit lalo na dun sa mga walang kamuwang-muwang sa kanilang sistema.Kung pobre ang nagkasala derecho kulungan agad mabulok ka sa bilangguan!
Pag may kaya at maimpluwensya may proseso yan, Hanggang sa mabalewala ang kaso.
Kaya ba ang simbolo ng hustisya ay nakapiring? Nagbubulag-bulagan na lang? At ang timbangan para saan anong mas matimbang pera o pera?

 Kabayan tamang kaalaman ang kailangan.Kung di naintindihan magtanong.
Sa panahon ngayon na sandamakmak ang katiwalian mag-ingat.
Ang ating tanging gabay ay nagsabi din bilang babala,

"Narito, sinusugo ko kayong katulad ng mga tupa sa gitna ng mga lobo. Kaya nga, magpakatalino kayong katulad ng mga ahas at maging maamong katulad ng mga kalapati." ~Mateo1:16-28

Gayunpaman naniniwala pa rin ako na may pag-asa kung ang pangingibawin ay ang pagmamalasakit sa kapwa hindi pera at pera. Sa huli madadala mo ba ang nakamal mong salapi?

Naniniwala ka ba sa karma? Kung hindi man "Kung anong ayaw mong gawin sayo huwag mong gawin sa iba. Sa takdang panahon lahat ng nagawa mo ay iyong pagbabayaran mabuti man o masama!
      

Saturday, August 9, 2014

TIPS FOR JOBSEEKERS

Be at your best when you apply!

Start with your Resume.
Do not just bring a simple bio-data, make sure you have several printed copies of your resume with professional looking photo (do not just cut and paste your Facebook profile picture). Make sure that all the data on your Resume must be updated,check the spelling,contact details and highlight the important information that can help you win the job.

Your Look!
Check the clothes that you need to wear, it is better that you wear a smart casual attire when you face the interviewer/s of the companies that you are applying for. It's not just look but you have to be sure that you are comfortable with what you are wearing.
Remember FIRST Impression LAST.

The Big Day!
Expect the unexpected. During the interview, maintain eye contact, focus on the interviewers questions. When you answer, think first,gather your thoughts before you utter any words. Be straight to the point, don't go around the bushes. The usual question that they always ask is "Tell me something about yourself?" I know most of you, you already have this memorized, but please do not sound so scripted. As much as possible, just go with the flow of your thoughts besides you are talking about yourself, who knows you more than you, right?

Things to Bring:
  • Several copies of your updated Resume
  • Valid Government issued ID
  • 2-3 Ball pens
  • Paper or notebook
  • Handy envelope or bag
Other Documents needed:
  • Transcript of Records
  • SSS number or E1 Form
  • Tax Identification Number
  • Philhealth Number
  • Certificate of Employment 
  • Atleast 3 character reference








Monday, April 28, 2014

FREE FERRY :)

 Traffic jam ba ang lagi mong inerereklamo tuwing ika'y naglalakbay?
Di ka nag-iisa kaibigan. At para maibsan ang  buhol-buhol na trapiko
tara na at mag-lakbay sa kahabaan ng Ilog Pasig. 
Ano pang hinihintay ninyo tara na habang wala pang bayad :)
Bukod sa libreng pamasahe may libre pang  kape at BP.
Ang libreng pamasahe sa  ferry ay ngayong linggo na lamang kaya  tara na at maglakbay, 
kung babalikan ang ating kasaysayan ito'y nagsimula sa Balangay na pumalaot mula 
sa baybayin ng Borneo hanggang sa makarating sa Arkipelago ng Pilipinas,
At bilang makabagong balangay, ating balikan ang simula ng ating paglalakbay;
 Simula Pinagbuhatan Pasig, Guadalupe Makati, Sta. Mesa, Escolta at Plaza Mexico,Manila.
Tara Na, Sakay Na!

Thursday, April 17, 2014

"There is Life After Death :)"




 People oh people!

I gave you milk, not solid food, for you were not yet ready for it. Indeed, you are still not ready.~1 Corinthians 3:2 
If you want to  understand God's will & calling for your life you have to listen to the voice guided by the Holy Spirit.
It will not come like  a voice from heaven; but God uses an instrument. It could be your friend, a bible, a flower but the most important thing you have to listen and discern. That's why its not just listening through your physical ears. Yes its important to use your five senses but aside from those five senses, God created a heart for you to see and feel what the eyes cannot see and ears cannot hear. And besides you have to use your additional senses like common sense.That's why you have head put on  top of your body to think logically and your heart at the middle to balance what you think and feel. 
All things is possible with God beyond your human knowledge asked God for the Spirit of Wisdom. And you will see the things that other cannot see not only because you are special but also for the reason that you open your self to the blessings that is already within you. 

Be wise  and think first not all words that you hear are literal, there are things that have hidden meanings.
Like the title above "there is life after death"its a beautiful words to reflect but if you take it literally, the beauty and meaning of the message will vanish.


An acquaintance told me a story about someone who wants to see heaven so he commit suicide to see heaven as young as he is. Real story or not, what a pitiful human being. Psychologically if you are on your right mind you won't obey your left mind :)  Many people want to end their physical life due to suffering. But you cannot experience true happiness if you didn't experience loneliness. It's like how can you say there is bright sunny day if you didn't experience the dark, dim night .


Heaven is not a place but a state,that's why even we are physically alive we can experience heaven on earth. Like when you help someone without expecting in return you can experience an explainable joy and that state is heaven.

As of suffering it help us to be pure and holy and being part of Jesus Christ suffering for us to save from devil's trap.  As a critical human being we neglect and complain for this so called suffering on earth because what we want is a painless life on earth that's why people invented anesthesia to have painless surgery. It's good but sometimes we escape pain, majority of men drink alcohol to forget their problems. We used drugs, and other things to escape pain. But that is part of life as long as your alive you can feel the pain and also happiness in life because  they go together.

I want to share this lesson from dead nail on my feet. At first it is very painful the blood clot but weeks pass by and their is no pain anymore so I thought it was healed already but when I inspect it; I didn't feel the pain but totally my dead nail has no feeling for the simple reason that it is dead. So I removed that dead nail as I removed I saw new nail coming out. 

Learned to let go of your sinfulness and old life and you will see there is life after death. :)
God bless, let us always pray for each other.
God is good all the time and all the time God is good. :)

Saturday, April 12, 2014

AKO AY NAUUHAW

     "Masdan, nakatayo ako sa pintuan at kumakatok.." (Revelation 3:20)

     Totoo, nakatayo Ako sa pintuan ng iyong puso, araw at gabi. Bagama't di ka nakikinig, bagama't nag-aalinlangan kang maaring Ako nga. Ako ay naroroon. Hinihintay Ko kahit ang kaliit-liitang tanda ng iyong pagtugon. Kahit ang bahagyang pahiwatig ng paanyaya na Ako y iyong pinahihintulutanng pumasok.



     Nais Kong malaman mo na tuwing Ako ay iyong inaanyayahan, Ako ay palaging dumarating nang tahimik at di nakikita ngunit taglay ang walang katapusang kapangyarihan at pagmamahal. Dala Ko ang maraming biyaya ng Aking Ama. Ako ay dumarating taglay ang Aking awa, ang Aking layunin na patawarin at pagalingin ka at kalakip ang isang pagmamahal na di kayang abutin ng iyong pang-unawa-pagmamahal na kasing dakila ng pagmamahal na tinanggap Ko sa Aking Ama" (Kung paano Ako minahal ng AKing Ama, gayun din ang pagmamahal Ko sa iyo" (John15:10). Ako ay dumarating, nanabik na aliwin ka at bigyan ka ng lakas, pasiglahin ka at pagalingin ang iyong mga sugat. Dala Ko ang Aking liwanag upang iwaksi ang iyong kadiliman at ang lahat ng iyong alinlangan. Ako ay dumarating taglay ang Aking kapangyarihan na pasanin ka at ang lahat ng iyong dalahin. Ako ay dumarating tulad taglay ang Aking grasya na mahipo ang iyong puso at ibahin ang anyo ng iyong buhay. Ibinibigay Ko sa iyo ang Aking kapayapaan upang patahimikin ang iyong kaluluwa.
     Kilala kita sa kaibuturan ng iyong pagkatao. Nababatid ko ang lahat ng tungkol sa iyo. Bilang Ko ang bawat hibla ng iyong buhok. Ang buhay mo ay mahalaga para sa Akin. Sinundan kita sa paglakad ng panahon at patuloy na minamahal kahit sa iyong pagliliwaliw. Alam Ko ang lahat ng iyong problema, ang lahat ng iyong panganagilangan, ang iyong mga takot at mga ligalig.Tuwina'y pinakikinggan Ko ang mga tahimik na pagdarasal. Kahit na wari mo Ako'y nanahimik, Ako'y palaging nasa likod mo, kumikilos upang basbasan ka at pangalagan ka. Sinusunod Ko ang bawa't kibot ng iyong puso pati ang bawa't iniisip mo. Alam Ko lahat ang iyong kalungkutan, ang iyong pakikibaka at mga pagsubok, ang iyong kabiguan at dalamhati. Gayundin, alam Ko ang lahat ng iyong pagkakasala. Ngunit, muli Kong sinasabi sa iyo na mahal kita-hindi ang iyong mga ginagawa o hindi ginagawa-mahal kita bilang ikaw. Mahal kita dahil sa kagandahan at karangalang ipinagkaloob ng Aking Ama sa paglikha sa iyo na kalarawan Niya. Ito ay isang kadakilaan na malimit mong malimutan,, isang kagandahan na dinungisan mo ng iyong pagkamakasarili at kasalanan. Ngunit, mahal kita bilang ikaw nang walang pasubali at ibinuwis Ko ang Aking dugo upang ikaw ay muling mapasaakin. Kung ikaw lang ay hihiling nang may buong pananalig, hihipuin ng Aking grasya ang lahat ng dapat baguhin sa iyong buhay; bibigyan kita ng lakas upang mapalaya mo ang iyong sarili sa kasalanan at sa lahat ng mapanirang kapangyarihan na maglalayo sa Akin.
     Nababatid Ko ang nilalaman ng iyong puso. Nababatid Ko ang yiong pangungulila at hinanakit: ang pagwawalang-bahala, ang panghuhusga at ang paghamak sa iyo. Pinasan Ko lahat ng ito para sa iyo. Pinasan Ko ang lahat ng ito bago mo man maranasan upang makabahagi ka ng Aking lakas at tagumpay. At lalo Kong nababatid ang pangangailangan mong ikaw ay mahalin at kung gaano ka nauuhaw na matanggap, mapahalagahan, mahalin at maitangi. Ngunit, malimit kang nauuhaw nang walang kabuluhan, hinahanap ang pagmamahal na di Akin, Ako na Siyang pinagmumulan ng pagmamahal. Sinisikap mong mapunuan ang iyong kahungkagsan sa pamamagitan ng mga kasiyahang lumilipas at kadalasan mas higit pa sa iyong kahungkagan sa kasalanan. Nauuhaw ka ba sa pagmamahal? "(John 7:37) Tutugunan Ko ang hangaring mong mahalin ka na di abot ng iyong mga pangarap. Nanabik ka bang mapahalagahan at mahalin? Minamahal kita nang higit pa sa iyong akala, sukdulang iwanan Ko ang langit para sa iyo at mamatay sa krus para ikaw ay mapasaakin.
     Hawak Ko ang ang kasagutan sa lahat ng iyong mga pananabik. Ako ang iyong magiging katahimikan, iyong kaginhawahan at iyong katiwasayan. "Lumapit kayong mga nahihirapan at nagtitiis at bibigyan  Ko kayo ng kaginhawahan." (Matthew 11:28) Walang ibang nagmamahal sa iyo nang higit sa Akin, totoong walang iba. Ang mga pangarap Ko sa iyo ay higit pa sa iyong inaasam at hinding-hindi Ako titigil hanggang ito'y iyong makamit. At kahit na nakapagdudulot ng matinding kalungkutan ang iyong pagwawalang bahala, ang iyong paglihis ng landas at iyong mga kasalanan, ibig kong malaman mo na ang pagmamahal Ko sa iyo ay walang pag-aalinlangan; hinding-hindi magbabago. Mahal kita nang walang hanggan at walang katapusan. Walang katumbas na kabutihan ang magagawa mo upang mahalin kita nang higit pa sa sa pagmamahal Ko sa iyo sa sandaling ito. At walang kasamaan ang iyong magagawa na makabawas sa pagmamahal Ko sa iyo. Sa bawa't sandali ng buhay mo, minahal kita sa kaibuturan ng Aking pagmamahal at lagi pa kitang mamahalin.
     Kung batid mo lang kung gaano ka kahalaga sa Akin, ikamamatay mo ito sa tuwa. Sa dinami-dami ng maaari Kong likhain sa katayuan mo, ikaw ang pinili Ko. Ikaw ang inisip Ko at matagal Kong hinintay ang kapanganakan mo. S atuwing lumalapit ka sa Akin sa pamamagitan ng dasal o bumabalik sa Akin sa pamamagitan ng pagsisi, naaantig mo Ako sa kaibuturan ng Aking katauhan. Sumasaya ang puso Ko dahil sa iyo. "Higit ang kasiyahan sa kalangitan dahil sa isang makasalanang nagbalik-loob kaysa sa siyamnapu't siyam na matuwid" (Luke 15:7) at "Sa kasiyahan ng nobyo sa kanyang pakakasalan, gayundin ang kasiyahan sa iyo ng iyong Panginoon,"(Isaiah 62:5) Iyan ang tunay! Ikaw ang Aking kasiyahan, ikinalulugod kita. "Ikaw ang pinakamamahal Kong anak, na aking kinalulugdan."(Mark 1:11)
     Hinihintay Ko ang pag-ibig mo, araw at gabi. Walang sinuman sa Aking mga nilikha ang makapagmamahal sa Akin nang tulad ng iyong pag-ibig, ng iyong puso. Walang sinuman ang makapag-aaliw sa Akin nang tulad mo. Namumukod tangi ka sa puso Ko. Walang sinumanang maaaring pumalit sa iyo. Sapagkat walang hanggan ang pagmamahal Ko sa iyo, madali Kong nararamdaman ang bawat tibok ng puso mo. Maari mo Akong sugatan o aliwin nang higit sa iniisip mo. Huwag mong sabihing di mo alam kung paano Ako mamahalin o di mo kaya o dili kaya'y di ka karapat-dapat. magsimula ka. Simulan mo lamang. Ang pag-ibig ay matutunan lamang sa pagmamahal. Di mo kinakailangang maghintay na maging lalong mabuti upang mahalin Ako. Nanabik at nangungulila Ako sa iyo katulad mo na kaharap Ko ngayon. Walang ukol sa  iyo, walang pagkukulang o kasalanan ang makapagpapalayo ng pagmamahal at ng Aking pananabik sa iyo. Kaya, lumapit ka, simulan mong mahalin Ako kahit na minamahal na kita. Simulan mong manabik sa Akin, dahil nananabik Ako sa iyo.
     Tanging sa langit mo lamang ganap na malalaman ang kahalagahan ng pag-ibig mo sa akin, kung gaano ka kahalaga sa Aking puso, kung gaano Ako nananabik sa iyo. Nauuhaw Ako sa iyo. tunay, ganito Ko lamang mailalarawan ang pagmamahal Ko sa iyo. Nauuhaw Akong mahalin ka at nauuhaw Ako sa pagmamahal mo. Kung paanong ang nag-aapoy na init sa disyerto ay naghihintay ng tubig, hinihintay Ko rin ang pag-ibig mo. Kung gaano ang pagnanasa ng isang nauuhaw sa tubig, ganoon din ang pananabik Ko sa iyo. Kung paanong maghanap ng tubig ang nauuhaw, ganoon din ang paghahanap Ko sa iyo.Kung paano ang nauuhaw na tao'y tanging tubig lamang ang iniisip, ganoon din ang pagtutok Ko sa iyo sa bawat araw at gabi (Bilang Ko ang bawat hibla ng iyong buhok). At kung paanong ipagpapalit ng isang nauuhaw ang anumang bagay kapalit ng tubig, ganoon din, buong puso Kong ibibigay ang lahat na mayroon Ako at ang kabuuan Ko para sa iyo.
     Nauuhaw Ako sa iyo. Lumapit ka sa Akin at pupunuin Ko ang iyong puso at pagagalingin Ko ang iyong mga sugat. Sa gitna man ng iyong mga pagsubok, gagawin kitang nagong nilikha at pagkakalooban kita ng kapayapaan.
     Nauuhaw Ako sa iyo. Hindi mo dapat pag-alinlanganan ang Aking habag, ang Aking pagtanggap sa iyo, ang hangad kong magpatawad, ang pananabik Kong basbasan ka at mabuhay sa iyo.
     Nauuhaw Ako sa iyo. kung pakiramdam mo ay hindi ka  mahalaga sa mundong ito,hindi bale sapagkat para sa Akin, walang iabg mas mahalag sa buong mundo kundi ikaw.
     Nauuhaw Ako sa iyo. Maghayag ka sa Akin, lumapit ka sa Akin, mauhaw sa Akin, ibigay mo ang iyong buhay at patutunayan Ko sa iyo kung gaano ka kahalaga sa Aking puso. Nilikha kita para sa Akin, nabuhay ka para mahalin Ako at mahalin kita: ang puso mo ay hindi mapapahinga hangga't sa Akin ka mamahinga. Walang ibang magpapalugod o magbibigay ng kapayapaan sa iyo, walang sinuman ang magpupuno ng kahungkagan mo. Kung iaalay mo sa Akin ang iyong nawaglit na pagnanasa, kung mapansin mong nauuhaw ka na sa Akin gaya ng pagkauhaw Ko sa iyo, at kapag magtagpo ang ating pagkauhaw, mag-uumpisa kang makaranas ng mga himala, himala ng pagkabuhay at ng pagbabagong buhay.
     Nauunawaan mo bang simula ngayon ay may ganap nang plano ang Aking Ama upang baguhin ang iyong buhay. Magtiwala ka sa Akin. Hilingin mo sa Akin araw-araw na pumasok at pangalagaan ang iyong buhay, at ito'y Aking gagawin. Ipinapangako Ko sa iyo sa harapan ng Aking Ama sa langit na gagawa Ako ng maraming himala sa iyong buhay. At bakit ko ito gagawin? Sapagka't nauuhaw Ako sa iyo. Ipagkatiwala mo lamang ang iyong sarili sa Akin nang walang pasaubali at Ako na ang bahala sa lahat.
     Hanggang ngayon ay nakamasid Ako sa inihahandang tahanan ng Aking Ama para sa iyo sa Aking kaharian. Tandaan mo, ikaw ay naglalakbay sa buhay na ito tungo sa tahanan ng Aking Ama. Sinasabi Ko sa iyo, ang mga makamundong bagay ay hindi makapagbibigay ng kasiyahan at hindi rin ito makapagbibigay ng kapayapaang iyong hinahangad. Lhat ng ninanais mo liban sa Akin ay pawang nag-iwan lamang sa iyo ng kahungkagan. Kaya't huwag ka nang kumapit sa mga bagay ng mundong ito. Higit sa lahat "kung ika'y nagkasala, huwag kang lalayo sa Akin." Sa halip, lumapit ka sa Akin nang walang pag-aatubili. At kapag isinuko mo sa Akin ang iyong mga kasalanan, ang ibinibigay mo sa Akin  ay ang kaligayahang iyong Tagapagligtas. "Walang kasalanan ang di ko kayang patawarin at walang taong di ko kayang pagalingin. "Kaya't lumapit ka sa Akin at alisin mo ang dalahin ng iyong kaluluwa.
     Hindi mahalaga kung gaano ka kalayo nagliwaliw, kung ilang beses mo Akong kinalimutan, hindi mahalaga kung ilang krus ang dinala mo dito sa buhay, basta't isang bagay lamang ang hindi magbabago" Ako ay nauuhaw sa iyo bilang ikaw. Hindi mo kinakailangang magbago para sumampalataya sa Aking pagmamahal, dahil ang pananampalataya mo sa Aking pagmamahal ang makapagbabago sa iyo. Kinalimutan mo Ako, subalit hinahanap kita sa bawa't sandali at nakatayo Akong kumakatok sa pintuan ng iyong puso. Mahirap bang paniwalaan ito? kung gayon, masdan mo ang krus. Masdan mo ang Aking pusong tinusok nang dahil sa iyo. hindi mo ba nauunawaan ang Aking krus? Pakinggan mong muli ang mga salitang binigkasa Ko noong mga sandaling iyon sapagka't maliwanag itong nagsasaad kung bakit Ko tiniis ang lahat para saiyo. Ako ay Nauuhaw...(John 19:28). At katulad ng naisulat sa Salmo tungkol sa Akin: Humanap Ako ng pagmamahal ngunit wala Akong natagpuan...(Psalm 69:20). Sa buong buhay mo ay hinahanap Ko ang iyong pagmamahal. Hindi Ako tumigil sa hangaring mahalin ka at mahalin mo Ako. Nasubukan mo na ang iba't ibang bagay sa iyong paghahanap ng kaligayahan, bakit di mo subukang buksan ang puso mo ngayon sa Akin nang higit pa noon?
     Sa sandaling buksan mo ang pintuan ng iyong puso, sa sandaling lumapit ka, maririnig mong sasabihin Ko sa iyo nang pauli-ulit, hindi lamang mula sa salita ng tao kundi ng Espiritu Santo ang mga katagang ito: Hindi mahalaga sa Akin kung ano ang mga nagawa mo dahil mahal kita para sa iyong sariling kapakanan. Lumapit ka sa Akin dala ang iyong mga hirap, ang iyong mga kasalanan, ang iyong mga bagabag at kawalan pati na ang iyong pananabik na mahalin. Nakatayo Ako sa pintuan ng iyong puso at kumakatok... Buksan mo para sa Akin, sapagka't Ako ay Nauuhaw sa iyo.

                           ************************************************
                            "Si Hesus ay Diyos, sa gayon ang Kanyang pagmamahal, ang kanyang pagkauhaw ay walang hanggan. Siya na lumikha sa sandaigdigan, ay humihingi ng pagmamahal mula sa Kanyang mga nilalang. Nauuhaw Siya sa ating pagmamahal. Ang mga salitang: Ako ay Nauuhaw", ito ba'y umaalingawngaw sa ating mga kaluluwa?"
                                                                                                   -Mother Theresa

For more info & additional copies please contact:
I THIRST MOVEMENT
P.O. Box EA-52 Ermita Post Office
Malate, Manila Philippines

Tuesday, April 1, 2014

Confidence Makes You Beautiful :)



Naalala ko ang isa sa pinakamakulit na estudyante na aking nakasama sa byahe. May mga tanong sya na di masagot at karamihan ay mga “out of the box” na tanong. At pag sya’y sumagot talaga naman,  apo yata ni Pilosopo Tasyo. J  Tatlumpong minuto na lang at malapit na kami sa paaralan ng s’yay nagtanong sa kanilang Tagapayo. “Ms sa palagay ninyo sino ang pinakamaganda at pinakaguwapo sa ating klase.?”  Di agad nakasagot si Ms Bebot ngumiti lang sya at para lang mapagbigyan ang kanyang tanong. Sinabi nyang lahat ng lalaki ay guwapo si Joseph, si James at lahat ng babae ay maganda . Pero di sya nakuntento sa sagot ni Ms Bebot at humirit pa sya kalaunan tumahimik syang panandali. At dahil Labinlimang minuto na lang ay mararating na namin ang kanilang paaralan. Syempre farewell speech at thanksgiving, at bago ang lahat binalikan ko ang tanong ni Iya ang makulit na mag-aaral. “kanina may nagtatanong sa inyo kung sino ang pinakamaganda at pinakaguwapo.” Panimula ko kaagad naman syang tumugon at tumawa “ako ‘yon” sagot nya. “Oo ikaw nga ‘yon pabiro kong sagot sa kanya upang sya ay tumahimik. “Para sa akin ang pinakamaganda at pinakaguwapo sa lahat ay ‘yon taong may tiwala sa sarili nya. Dahil sino pa ang magmamahal at magtitiwala sa iyo, kung ikaw mismo na may katawan ay di pinapahalagahan, at nagtitiwala sa iyong sarili.”lagi mong sasabihin  sa sarili mo na anak ka ng Diyos at maganda ka. Humirit sya ulit “eh pano po ‘yon may mga kulang ng tiwala sa sarili meron naman pong sobra. “ “yon lang dapat tama lang. “Sa kabila ng lahat ng iyong tiwala sa sarili samahan natin ito ng kapakumbabaan. Dahil lahat ng sobra ay masama.” “yon simple pero rock.” Pabiro kong pagtatapos.
Ikaw kaibigan paano mo masasabing maganda o guwapo ang isang individual?


Friday, March 28, 2014

Pambansang Pagkain ng mga Pinoy Ating Tikman :)

Vigan Longanisa
pinakbet
Napapanahon na upang tangkilikin nating mga Pilipino ang sariling atin.
Nakakalungkot isipin na kung ano pa 'yon mga gawa sa Pilipinas ay di natin tinatangkilik.
At dahil na rin sa ating pagtingala sa gawang banyaga pati basura at lamok iniimport na natin :)
Isa man itong biro o katotohanan, nakakalimutan natin na kung tatangkilikin lang natin ang sariling atin ang bansang Pilipinas ay mangunguna sa eksportasyon ng iba't ibang produkto.
Halimbawa na lang ang isang kilalang brand ng sapatos ay gawa sa Pilipinas pero dahil di natin tinatangkilik pag sariling atin ito ay nakilala sa ibang bansa at dahil kilala na ang brand at "imported" patok na patok sa mga Pilipino pero ang totoo minarket lang sa ibang bansa pero gawang Pinas.
     Pangalawang punto pag may nagtanong na turista kung ano ang produktong ating inihahain mapapagkain o anuman, nahihiya tayong ibigay 'yon sa atin kaya naman pag tinanong anong especialty ng store ninyo?
"Franks hotdog imported from ...." at para bagang ipinagmamalaki pa natin na ito ay galing sa ibang bansa.
Ihain nyo ang sariling atin at di kayo mauubusan. Nandiyan ang Vigan Longanisa at Bagnet na talaga namang ubod ng linamnam. Isama pa ang pinakbet na masustansya na masarap pa at ang sariwang gulay ay tiyak na sariwa dahil ito'y galing lang sa likod bahay.
bagnet


Sa halip na Red wine from Europe :) Meron naman tayong tuba di ba "Filipinos are Mild Drinker's ? " :)
Tuba


At para matapos na ang litanyang ito tara't  bisitahin at tikman ang iba't ibang pagkain mula Luzon, Visayas at Mindanao  sa  5/F MegaTrade Hall Mega Mall Mandaluyong City hanggang Marso 30, 2014 na lang po ito kaya't ano pang hinihintay ninyo tara na at ayain ang buong barangay sa "National Food Fair" Sikat Pinoy ayan ito na ang panahon na maging bahagi upang muling makilala ang husay at galing ng mga Pinoy di lang sa talento, ganda at lakas kundi maging sa mga pagkain na luto at gawa sa sariling atin.

Monday, March 24, 2014

Do You Want to Save Earth?


Climate change is an issue that everyone, young or old, needs to be aware of. 
Let us remember that the more energy we use, the more the planet warms up.
The more the earth warms up, the more it affects the weather.
This unpredictable changes in weather affects us in our day to day activities.
 If it still continues,can you imagine what more can happen... the drastic results it may give?
Can we do something about it? Yes we can. We can start it of through saving energy.
We use energy every day at home, at school, at work,and even when we're not doing anything.                   
Why not use the energy wisely? Using it this way means that we are being energy efficient. 
Let's help out in saving the world's energy resources like the natural gas, oil and water. In this                       
way, you help in saving the earth, you also save money in your utility bills. Isn't great?
Are you planning to do it now? Why not start in your home.

Here are some of the Ways to Save Energy:
1. Turn Off Electrical Items. Turn off lights, computers, TV
and other electrical stuff when you aren't using it. 
2. Replace Light Bulbs with CFL. Replace regular light bulbs with energy saving Compact                           
Fluorescent Light Bulbs (CFL's). 
3. Close Refrigerator Doors. Don't leave the refrigerator door open.
Cold air escapes and this uses a lot of electricity. 
4. Taking a short shower instead of a long bath can help save energy. 
5. Be a smart shopper. Look for the recycled logo and
make an effort to choose recycled or recyclable products for all your shopping.
6. During the day, when it is brighter outside, open the curtains and
use the sunlight instead of turning on the lights.
7. When you have a sunny day, help hang the clothes outside instead of using the dryer.
8.Don't leave the water dripping in the faucet.
9.  Plant a tree. Trees create shade around your house and help keep it cool. 
10. Switch to Clean Energy.We can get electricity from renewable energy sources like wind and                               
solar power. This helps in avoiding the carbon dioxide emissions that further affects in the                             
climate change. Why not choose the green power? 
There are so many ways in which we can save energy.
Different energy ­saving tips is made available for us.
But  at the end of the day, the ACTION is still up to us. Decide now.
How you choose the use of  energy affects all life on Earth. 
So please think before you act... and turn off that light. Everything you do like that helps a little!

Do you want to save Earth? Start saving energy.

Thursday, March 20, 2014

GREEN PEACE




Bata pa ako'y naririnig ko na ang salitang kapayapaan.
Sa unang baitang natutunan ko mula sa ating Pambansang Watawat na ang kulay bughaw ay sumasagisag sa kapayapaan. Ngunit kanina habang naglalakad ako sa Shangrila papunta sa bangko, may humarang sa akin akala ko'y mag-bibigay lang ng "flyers" or promotional leaflet  na minsa'y di ko pinapansin dahil pangkaraniwan na lang itong tanawin. Subalit kanina may kung anong magneto ang nagpahinto sa akin.
Di nga ako nagkamali at inabutan ako ng isang "flyer" ok aalis na sana ako subalit tinanong nya sa akin kung narinig ko na ang "green peace" patay malisya ako at halatang di ako intresado sa kung anuman ang sasabihin ni Lyka bagamat naririnig ko na ang katagang "green peace" sinabi kong hindi pa. At sa kabila ng aking medyo paobvious na pagtanggi, pinagtyagaan nyang ipaliwanag sa akin ang "green peace" at kung ano ang layunin nito. At bilang isang Pilipino na may adhikaing mapabuti ang bansang Pilipinas at ang ating  Inang Kalikasan kahit nagmamadali ay binigyan ko ng oras na magpaliwanag si Lyka.
Tinanong ko sa kanya kung ito ba ay may kinalaman sa Meralco at "Nuclear Power Plant" sa Bataan. At dahil nauna naman sya, umiral na rin ang aking kakulitan. Tinanong ko ulit kung bakit di na lang kasi, buksan ang Bataan Nuclear Power Plant para bumababa naman ang presyo ng Kuryente.
Makatarungan naman ang sagot ni Lyka. Aniya marami naman tayong "Natural Resources" tulad ng tubig, araw, at hangin :) 
At siempre tinanong ko rin kung sino ang founder ng green peace sya daw ay isang Japanese at dahil short memory ako nakalimutan ko ang pangalang binanggit ni Lyka :)
Sabi ko sa kanya "Oh di ba sa Japan na isang maunlad ng bansa gumagamit ng Nuclear Plant bakit di tayo?
Marami pang ipinaliwanag si Lyka pero ang kabuuan nito ang kasalukuyang pinagkukunan natin ng ng enerhiya ay gawa sa "charcoal" or "fuel wood" saan ba nanggagaling ang wood siempre sa puno, saan nakatanim ang puno siempre sa lupa. 'Yon na tanong ko sagot ko. :)
Nagkahiwalay kami ni Lyka na may mga tanong pa rin sa aking isipan na di nasasagot. At dahil di na ko nakikinig ng balita para di madepressed isang kaibigan ang nagpost sa aming FB Group at ang tuktok daw ng Mt. Banahaw ay nasusunog. 
May kinalaman kaya ito sa paggamit ng charcoal energy? 
Iiwanan ko ang tanong na yan sa inyo mga mahal kung kababayan. 
Nakakapagod din kasi tanong ko sagot ko :)
Ang simple at payak na buhay ay mas maganda kung kapiling mo ay natural na kalikasan.
Kaysa sa marangyang buhay na komplikado na ang kapiling mo ay pawang huwad mapabagay o tao. :)

Tuesday, March 4, 2014

Ergonomic Chairs for Back Pain Relief



If you need to sit all day, it is a good choice to spend some money on a quality chair. Sitting back pain can be the result of a poor seated posture or an incorrectly designed work space. It is important to use a chair that combines the qualities of comfort and support to maximize the enjoyment of your sitting time.
It is also preferable to find a chair which is adjustable, just in case your needs or preferences change in the future.
A quality ergonomic chair might seem like an expensive investment for such a simple piece of furniture that is often taken for granted. However, it is still a cheap price to pay when compared to the cost and suffering involved in treating a chronic pain syndrome.

Remember, however, that you still need to follow the recommended guidelines for sitting, including taking regular breaks, stretching occasionally and setting up an efficient and ergonomic work environment.

For more info kindly contact yours truly @ 09168613585.

ENERGY SAVING PRACTICES

In the light of the surging, increase of monthly Energy Bill. Here are some helpful tips you could do, in the observance of energy saving practices.
This is applicable to those who own their home or just renting a space and paying their monthly dues.
1.      Always turn off the lights when leaving a room.
2.     Use LED bulbs. They use less electricity and last up to 10 times longer than incandescent bulbs.
3.     Make sure that bulbs, fixtures, lenses, lamps and reflective surfaces are cleaned regularly. By removing the grease, dust and other dirt, you can increase the output of your lights.
4.     Refrigerator accounts for 11 percent of a household's total energy consumption. Today's energy-efficient refrigerators use 50 percent less energy than old models.
5.     A room air conditioner filter should be cleaned once per quarter. A dirty air filter reduces airflow and may even damage the unit.
6.     Using a microwave oven instead of a conventional oven can save 50% percent of cooking energy costs. Microwave ovens cook food faster than conventional ovens.
7.      Iron clothes in bulk once a week.
8.     Unplug any battery chargers or power adapters when not in use.
9.     Activate? Sleep? Feature’s on computers, copiers and other machines that power down when the equipment is on but not in use for a while. Turn off equipment during long periods of non-use to cut energy costs.
10.                        Use lap top computers since they use up to 90 percent less energy than a standard computer

Saturday, February 22, 2014

Our Country Is Not a Dump Site !

Gusto kong kopyahin 'yon linya ni Ms Nora Aunor "My brother is not a Pig!" pero teka ngayon di lang sariling kapatid pero sariling Bansa natin ang nakasalalay. "Our Country is not a dump site! "Ang ating bansa ay di basurahan!." Mga Kababayan kung noon pilit tinatapon sa ibang bansa ang ating mga bayani ngayon kusang loob at karamihan halos Pilipino nais iwanan ang Pilipinas. Di mo man napapansin unti-unting pinapalayas ang mga Pilipino sa sarili nitong bayan. Kung may pagmamahal ka pang natitira sa ating bansang Pilipinas gagawa ka ng paraan ayon sa iyong kakayahan. Munti man at magaling makakatulong ka kaibigan. At sa mga taong sangkot sa pagkakanulo sa sarili nating bansa. Tao ka pa rin na isinilang at mamatay sa takdang panahon bakit mo nais kamtin ang yaman ng mundo at ipagpapalit di lang sarili mong dangal at kaluluwa kundi pati sarili mong bansa. Di mo man maintindihan ang aking lenguahe alam kung may puso ka pa rin bilang tao kaya nga't hangad ko at dalangin manauli ang iyong pusong mapagmahal.

Dahil pabaligtad magbasa ang Pinoy ano kaya baliktarin na lang natin sa halip na 
"Huwag magtapon dito!" Magtapon dito ? ok ba 'yon pero gawin natin itong positibo alisin natin 'yong salitang hwag, don't & no gawin natin itong positibong pangungusap tulad ng sa halip na "Huwag magtapon ng basura dito" "No littering" gawin nating itong "Panatilihin natin ang kalinisan at kaayusan sa lugar na ito." mas magandang pakinggan hindi isang utos kundi isang responsibilidad na nakatakdang gampanan ng lahat mapabata o matanda.

Wednesday, January 29, 2014

If there is one thing you can give to the Philippines what is that gift?

The moment I read this question, my mind was just blank, I just stared, thinking I can respond as fast as the falling star, but seconds, minutes and hours had passed but still I couldn’t think of an answer. What gift will it be? Is it because I was preoccupied with many what ifs? Or there are a lot of options and I’m thinking of the major concerns the Philippines needed?
                                In giving gifts, if you really love someone, you will not just give something, but you will give something that can be treasured. Then questions crossed my mind, does the Philippines need it? Is it possible? Can I afford it? Finally after fifteen days of contemplating, I have my answer. Aside from service, I have great idea, to give proper waste disposal. To solve this problem, I’m thinking of a digital trash bin designed like a basketball. Since Filipinos love games especially basketball it will serve not just a simple trash bin, but it will educate and teach our countrymen, how to have proper waste disposal. There is a biodegradable and non biodegradable section. If you shoot it to the right bin you get three points but if you shoot it to the wrong bin you get a sad face. There is penalty, since it has emergency signal.  People can hear the siren, so the guard on duty on that area where it’s placed can hear it.  It can be placed on any establishment, a barangay for example.   You will not be able to run since there will be   CCTV footage attached on that digital trash bin. The penalty is, you will segregate waste from biodegradable to non biodegradable the whole day on that area. If not  you will pay charges, since anti-littering is already a law.  In that case even children will learn how to throw the garbage correctly, because no one is above the law. Since it is a big project it can give jobs to our fellowmen by employing them as production staff in creating the digital basketball trash bin. I think this is the best gift I can give to the Philippines.
                         Last year, as I joined the world of outbound educators and I was able to travel, I saw the real beauty and weaknesses of the Philippine islands. I observed tourist, even local tourist was awestruck with that beauty and even climbed the tallest mountain and swam the deepest sea only to explore and appreciate that beauty but sad to say, they leave trash, just like that.  They throw candy wrappers.  You can say that it is just a small plastic but if all of you dump it to mountains, to the sea, rivers and on your way to your destination what will happen? Instead of beautiful mountain five years from now it will become mountain of garbage and a sea of garbage. If you love our country and our environment we will take care of it and preserve it.  In those places there are no janitors who will clean the waste that you made, because it is an isolated place. Even if there is someone who will clean it, wouldn't you feel guilty? You don’t know how to clean, but you are dumping waste everywhere?
                      Once, I had the chance to join the clean up drive, for the river at Bataan. We gather sacks of garbage, even though it is just a very little portion of garbage around the area. According to locals, that trash came from as far as Manila Bay and every flood came in, it brought them tidal waves of garbage.
                   Like the principle of ecology “Everything is connected to everything else. Everything must go somewhere. Nature knows best. Ours is a finite planet. All forms of life are important.” Let it not remained as ecology’s principle but make it our own principle. Let us aspire to have a clean environment and it will start within us. Like a basketball team let us work as a team. Together we can make it.

                    Now it's your turn if there is one thing you can give to the Philippines what is that gift?

Monday, January 27, 2014

Dream Unfold

     I have many dreams in life. But my greatest dreams wasn't reveal yet to everybody. But since you are my friend I will give you a hint.
     It started when I was 7 years old, because it is one of our project. It became a training ground to enhance  my passion and I get in love with it. Since then if  I have time I cultivate my skills and lay it out on the ground. I take care of it, then it bloom and fruits started to come out.
     I remember when I was twenty years old, I saw a post on the bulletin board that there is a free writing workshop for amateur writers. But when I asked the guard he said that post was already done. I felt sad during those time because it seems that my little dream won't come to reality. The guard was a keen observer and he knew that I feel devastated that time. As a consolation he told me if I want to enter at the studio then he added if  I was lucky enough I will win any games inside. So I joined the crowd falling in line to enter inside the studio. Wowowie is just on its pioneer that time, people from different areas went there hoping to win the jackpot. As a dreamer its not my cup of tea but since I was already there I joined them and experienced the literal "Wheel in a Fortune" which is part of the game. Out of thousands of people I was one of the few audience who entered the hottest noontime show during those time, for free.
     It was my first time so I was amazed with the energy inside the studio. Then the show started and the most anticipated part is when the Host of the party entered which everybody is waiting to come out but wait there's more. Before the said anticipation there is a drama. The music was so loud that you couldn't help but dance, but after that booming sound the music stop and the voice over announce  the name Mr. Wowowie no other than Mr. Willie Revillame and everybody shout out loud and the music turn to its most awesome tune. To make the story short I was chosen in the middle of the crowd. I remember it so vividly "that girl who wore black shirt" pointing to me and the rest is history. I didn't win the game but I received consolation prize  After that said events one of the talent coordinator saw me and asked if I can  join them as talent in "Game Ka na Ba" with the Queen Of Media no other than Ms Kris Aquino. I said yes, it is one of the most unexpected and unforgettable experience that I have. I became an instant talent on local television. Though I was not the main cast  I was so happy to see in person the actors that others only saw on TV. It didn't stop there after that three-taping the talent coordinator asked me again  to join the "MMK" taping; wow taping galore I couldn't imagine the only thing that I wanted during those time is to join a writing workshop. It was an honor and a great experience. I was able to saw in person "The King of Comedy" no other than Mr. Dolphy Quizon in their tv show "Quizon Ave." I also joined an audition to the pioneer talent search "Pinoy Big Brother" at ABS CBN during our audition I was beside Franzen Fajardo who wore his uniform at SM  which is plane white polo and black pants. He is very simple compare to other auditionee's. And since I was beside him we talked to each other and we discovered that we are third degree relatives only on that day. What a small world and a coincidence. We fall in line by ten's I was the only lady on that group. And the director asked  each one of us " tell me" about questions. I caught the  director's attention when I retaliate  my hobbies and one of them is gardening, and he asked me more about it.
     After a decade I forgot my greatest dream, but as I reminisce what happened on that ten years I make a garden not on a literal rocky soil. But it is planted on the heart and soul of every friends, that I met on the crossroad. :)