Bata pa ako'y naririnig ko na ang salitang kapayapaan.
Sa unang baitang natutunan ko mula sa ating Pambansang Watawat na ang kulay bughaw ay sumasagisag sa kapayapaan. Ngunit kanina habang naglalakad ako sa Shangrila papunta sa bangko, may humarang sa akin akala ko'y mag-bibigay lang ng "flyers" or promotional leaflet na minsa'y di ko pinapansin dahil pangkaraniwan na lang itong tanawin. Subalit kanina may kung anong magneto ang nagpahinto sa akin.
Di nga ako nagkamali at inabutan ako ng isang "flyer" ok aalis na sana ako subalit tinanong nya sa akin kung narinig ko na ang "green peace" patay malisya ako at halatang di ako intresado sa kung anuman ang sasabihin ni Lyka bagamat naririnig ko na ang katagang "green peace" sinabi kong hindi pa. At sa kabila ng aking medyo paobvious na pagtanggi, pinagtyagaan nyang ipaliwanag sa akin ang "green peace" at kung ano ang layunin nito. At bilang isang Pilipino na may adhikaing mapabuti ang bansang Pilipinas at ang ating Inang Kalikasan kahit nagmamadali ay binigyan ko ng oras na magpaliwanag si Lyka.
Tinanong ko sa kanya kung ito ba ay may kinalaman sa Meralco at "Nuclear Power Plant" sa Bataan. At dahil nauna naman sya, umiral na rin ang aking kakulitan. Tinanong ko ulit kung bakit di na lang kasi, buksan ang Bataan Nuclear Power Plant para bumababa naman ang presyo ng Kuryente.
Makatarungan naman ang sagot ni Lyka. Aniya marami naman tayong "Natural Resources" tulad ng tubig, araw, at hangin :)
At siempre tinanong ko rin kung sino ang founder ng green peace sya daw ay isang Japanese at dahil short memory ako nakalimutan ko ang pangalang binanggit ni Lyka :)
Sabi ko sa kanya "Oh di ba sa Japan na isang maunlad ng bansa gumagamit ng Nuclear Plant bakit di tayo?
Marami pang ipinaliwanag si Lyka pero ang kabuuan nito ang kasalukuyang pinagkukunan natin ng ng enerhiya ay gawa sa "charcoal" or "fuel wood" saan ba nanggagaling ang wood siempre sa puno, saan nakatanim ang puno siempre sa lupa. 'Yon na tanong ko sagot ko. :)
Nagkahiwalay kami ni Lyka na may mga tanong pa rin sa aking isipan na di nasasagot. At dahil di na ko nakikinig ng balita para di madepressed isang kaibigan ang nagpost sa aming FB Group at ang tuktok daw ng Mt. Banahaw ay nasusunog.
Nagkahiwalay kami ni Lyka na may mga tanong pa rin sa aking isipan na di nasasagot. At dahil di na ko nakikinig ng balita para di madepressed isang kaibigan ang nagpost sa aming FB Group at ang tuktok daw ng Mt. Banahaw ay nasusunog.
May kinalaman kaya ito sa paggamit ng charcoal energy?
Iiwanan ko ang tanong na yan sa inyo mga mahal kung kababayan.
Nakakapagod din kasi tanong ko sagot ko :)
Ang simple at payak na buhay ay mas maganda kung kapiling mo ay natural na kalikasan.
Kaysa sa marangyang buhay na komplikado na ang kapiling mo ay pawang huwad mapabagay o tao. :)
No comments:
Post a Comment
Thank you for your valuable comments.