Friday, March 28, 2014

Pambansang Pagkain ng mga Pinoy Ating Tikman :)

Vigan Longanisa
pinakbet
Napapanahon na upang tangkilikin nating mga Pilipino ang sariling atin.
Nakakalungkot isipin na kung ano pa 'yon mga gawa sa Pilipinas ay di natin tinatangkilik.
At dahil na rin sa ating pagtingala sa gawang banyaga pati basura at lamok iniimport na natin :)
Isa man itong biro o katotohanan, nakakalimutan natin na kung tatangkilikin lang natin ang sariling atin ang bansang Pilipinas ay mangunguna sa eksportasyon ng iba't ibang produkto.
Halimbawa na lang ang isang kilalang brand ng sapatos ay gawa sa Pilipinas pero dahil di natin tinatangkilik pag sariling atin ito ay nakilala sa ibang bansa at dahil kilala na ang brand at "imported" patok na patok sa mga Pilipino pero ang totoo minarket lang sa ibang bansa pero gawang Pinas.
     Pangalawang punto pag may nagtanong na turista kung ano ang produktong ating inihahain mapapagkain o anuman, nahihiya tayong ibigay 'yon sa atin kaya naman pag tinanong anong especialty ng store ninyo?
"Franks hotdog imported from ...." at para bagang ipinagmamalaki pa natin na ito ay galing sa ibang bansa.
Ihain nyo ang sariling atin at di kayo mauubusan. Nandiyan ang Vigan Longanisa at Bagnet na talaga namang ubod ng linamnam. Isama pa ang pinakbet na masustansya na masarap pa at ang sariwang gulay ay tiyak na sariwa dahil ito'y galing lang sa likod bahay.
bagnet


Sa halip na Red wine from Europe :) Meron naman tayong tuba di ba "Filipinos are Mild Drinker's ? " :)
Tuba


At para matapos na ang litanyang ito tara't  bisitahin at tikman ang iba't ibang pagkain mula Luzon, Visayas at Mindanao  sa  5/F MegaTrade Hall Mega Mall Mandaluyong City hanggang Marso 30, 2014 na lang po ito kaya't ano pang hinihintay ninyo tara na at ayain ang buong barangay sa "National Food Fair" Sikat Pinoy ayan ito na ang panahon na maging bahagi upang muling makilala ang husay at galing ng mga Pinoy di lang sa talento, ganda at lakas kundi maging sa mga pagkain na luto at gawa sa sariling atin.

No comments:

Post a Comment

Thank you for your valuable comments.