Sa modernong panahon ngayon nawawala ang natural na haplos ng kalikasan. Kung dati ang panggising sa umaga ay tinig ni Inay, o kaya nama'y tilaok ng manok, ngayon "alarm clock" ang siyang gigising sa iyo.Gabi pa lang inihanda ko na ang orasan ay ito'y inalarm alas kuwatro ng umaga.Dala ng kapaguran sa maghapong aktibidades nakatulog ako ng mahimbing at di narinig ang tunog ng orasan.Magaalasotso na, "Ah! mahuhuli na ko sa aking Malikhaing Pagsusulat, libre pa naman bihira na ngayon ang libre kaya kaylangan makarating ako sa oras." Patakbong bumaba at ibinuhos ang isang timbang tubig wala ng mga seremonyas ang mahalaga ay magising ang aking nahihimlay na diwa. Pagkabihis patakbong tinaluton ang daan papunta sa Museum. Salamat nakarating na rin ako at sa bukana ng Museum may Mamang naninigarilyo, sa isip isip ko'y isang tambay na walang magawa, sa kabilang banda "marahil ito ang aking Maestro?" "Ha!" nabigla sa naiwang katanungan. Ang mahalaga, importante nandito na ko, pagpasok ko may mga batang paslit, meron namang kasing edad ko at siempre cute mukhang artistahin at matalino Hay! hmp "Focus ka lang pumunta ka dito dahil sa kagustuhan mong matuto kaya huwag pansinin ang outside destruction" Ganyan ako kinakausap ang sarili pero siempre tahimik lang dahil kung hindi mapagkakamalang modernong Pilosopo Tasyo.
Bongga, kakaiba ito maitatala ko na naman sa aking panibagong karanasan,. Kakaibang pagaaral at talagang praktikal. Ayan na nagpakilala ang aking Maestro. "Siya nga akalala ko'y isang tambay nakasalamin mukhang bagong gising, wala na rin ang kanyang tabako. Marahil naninigarilyo siya upang makakuha ng lakas sa tabakong sabi niya'y mula sa usok nito'y makakalikha ka ng kuwento.Siya mismo ay buhay na kuwento. Sabagay maging si Albert Eistein ay di alam ang salitang "Fashion" at least kakaiba sya, may sariling pagkakakilanlan. Ang mahalaga dahil sa kaniyang katalinuhan nakalikha siya ng ilaw ng masa. Mabalik tayo kay Maestro, habang siya'y nagsasalita nararamdaman, sumisiksik at kumikintal sa aking kaisipan. Tunay nga na siya'y manunulat dahil salita pa lang niya'y tumititik na sa aking kaisipan. Simple naman siyang mangusap mga kumpas ng kamay wala naman. Kumpara sa nakagawian upang makakuha ng atensyon kaylangan Ehukutibo ang dating damit pa lang nangungusap na. Sa mundo ng "Fashion" 80% beauty and physical appearance ,kay Maestro isang porsyento lang. Pero huwag ka malaman ang bawat kataga na kanyang binibitawan. Tunay nga na di dapat husgahan ang panlabas na anyo ng isang aklat ang mahalaga ang nilalaman nito.Siya ay isang buhay na aklat. Salamat sa Maykapal at may mga taong nais ibalik ang natamong biyaya. Napakapayak ng aking natutunan praktikal at di lang isang teorya. Sa mga susunod na araw lalo ko pang makikilala si Maestro. Sabi niya nakuha niya ng walang bayad ang mga kaalamang iyon. Di man niya tapusin ang pangungusap niyang yon mababanaag ang kanyang pagmamahal sa kanyang propesyon, na bago mamaalam ay maipamana man lang niya ang kanyang angking talento upang di masayang at maisalin sa bawat susunod na salinlahi.
No comments:
Post a Comment
Thank you for your valuable comments.