Thursday, May 17, 2012

LIBRE?

     Libre ? Gusto mo nang libre? Ito ang Libre ang pahayagang LIBRE  at pag may gusto kayong ipalathala sa karampatang halaga at abot kaya makipag-ugnayan lamang po sa inyong abang lingkod. Ngayon ang pasimula ng "ASIAN FILM FESTIVAL FREE SCREENING." At dahil libre maraming tao ang nagsusumiksik makapasok lang. Sa aking paghihintay  ng halos isang oras aking napagtanto na ang mga tao ay madaling mahikayat pag sinabing libre, dahil walang bayad na salapi. Ngunit ang oras  na sana'y nailaan upang makalikha ng isang obra na magkakahalaga ng libong salapi. Heto at iginugugol sa paghihintay sa walang katiyakan. Lahat ng bagay ay may presyo. Di nga lang natin napapansin dahil ang alam natin ang libre ay 'yong walang sangkot na salapi. Ngunit higit pa sa salapi o ginto ang oras na inilalaan natin.
     At dahil nandito na magtiyaga kahit ang nasa harapan mo'y di alam ang salitang halimuyak. Magdusa ka dahil ginusto mo yan. Sa mga susunod na panahon, iyong iisipin na ngayon ay di maibabalik ang kahapon. Isa na namang karanasang di magmamaliw. Tinanong ako ni Manong Guard "Anong pahayagan ka" "Blogger po ako" huli na ng maalala ko na bahagi pala ako ng isang pahayagan. Subalit dahil nandito na. Heto at habang sinusulat ang epilogong ito  ako'y nakatayo, hawak ang isang lapis. Habang ang paligid ay nagkukuwentuhan, nagbubulungan, at nagsensenyasan. Ang mahalaga makapasok man o hindi, sinubukan hanggang sa huli. Salamat naman at  heto at papasok na rin sa wakas. Sa loob ng bulwagan ay ang pagbibigay ng plake sa mga kalahok mula sa iba't ibang bansa sa Asya.
     Suma total napakaganda ng pelikula simple ngunit ang kuwento'y hahaplos sa kaibuturan ng iyong puso. At sa huli ay ang bidang aktor at aktres sa penilakang tabing ay makikita at mahahawakan  ng malapitan at personal.Isang karangalan  ang mapanood ang pelikulang ito dahil tunay na ang lumikha at mga nagsipagganap ay tunay na mga Pilipino na namumukod tangi kahit ipadala sa ibang bansa.

Si Kulit At Ang Obra Ni Kapitan Tiago

     Dala ng kapaguran nakatulog ng mahimbing si Kulit. At kahit sa pagtulog dala pa rin ang kakulitan. Nanaginip siya na animo'y naglalakbay sya hanggang sa mapadpad sa isang lumang bahay na para bagang "haunted house". Takot ngunit pinilit pa ring makapasok at pagbungad pa lang iniisip niya na ito na ang pagkakataon upang makakita siya ng totoong multo. At bumulaga sa kanya ang isang obrang napakaganda. Puting pakpak na mayroong makinang na kulay bughaw . Sa wari niya'y isang pakpak  na nahulog sa kalangitan. naglakad pa siya at tila namangha dahil maraming obra syang nakita. Ngunit sa musmos na isipan kanyang nasasambit, "nasaan ako? " Ngunit umaalingawangaw lang 'yon sa apat na sulok ng malaking lumang bahay. Ngunit sa halip na matakot  pilit pa ring tinutuklas ang misteryong nakabalot sa mahiwagang bahay na yaon. Hanggang  sa iluwa ng pintuan ang isang makisig na ginoo na nakatingin sa kanya. Nakipagtitigan sya dito na animo'y walang takot. Naghihintay kung sino ang babasag ng katahimikan."Ako si Kapitan Tiago ang  may-ari  ng mga obrang kanina mo pa pinagmamasdan."  "Matapang kang bata at nakita ko ang iyong  pagkagiliw sa mga obra." "Obra po? " Ang alam ko po'y tunay na nilikha ang mga iyon at anumang oras ang mga pakpak ay lilipad at ang asong gubat ako'y sisilain." sagot ni Kulit. "Musmos ka pa nga ngunit ang puso mo'y nakaaarok ng malalim na kahulugan ng isang obra." Tahimik na nangingiti si Kapitan Tiago habang pinagmamasdan si Kulit na alumpihit kung ngingiti o iiyak. "Kapitan Tiago ang totoo nyan ako po'y naliligaw hanggang sa mapadpad sa silid na ito." "Huwag kang mag-alala at ika'y ligtas sa lugar na ito anumang oras mong ibiging manatili bukas ang pinto para sayo." Malayo ang agwat ng edad ni Kapitan Tyago kay Kulit ngunit ang puso nila'y nagtiyap. "Uuwi na po ako Kapitan Tiago." Paalam ni Kulit. "Binibini di mo pa sinasabi ang iyong pangalan." "Tinawag ninyo po akong binibini ngunit ako'y bata pa para sa ganun katawagan." Sagot ni Kulit "Tama ka sa iyong tinuran, ang iyong isip ay tulad nang sa bata ngunit ang puso mo'y tumitibok na tulad nang isang binibini." Napapahiyang yumuko si Kulit sa tinuran ni Kapitan Tiago. Walang kaabog-abog na tinalikuran at nilisan ang silid na iyon. At sa pagtahak palabas may nakita siyang liwanag, kumikislap. "Kulit gising na! " Bulahaw nang kanyang ina. "Panaginip lang pala sino si Kapitan Tiago.?" "Umiibig ako sa ginoo sa aking panaginip?" "Ayan kasi mahilig ka kasing magbasa ng mga kuwento ni Pilosopo Tasyo at nadala mo hanggang sa pagtulog." "Gising na ako hahanapin ko ang lugar na 'yon sa aking panaginip."


                                                                     -ABANGAN-