Naalala ko
ang isa sa pinakamakulit na estudyante na aking nakasama sa byahe. May mga
tanong sya na di masagot at karamihan ay mga “out of the box” na tanong. At pag
sya’y sumagot talaga naman, apo yata ni Pilosopo Tasyo. J Tatlumpong minuto na lang at malapit na kami
sa paaralan ng s’yay nagtanong sa kanilang Tagapayo. “Ms sa palagay ninyo sino
ang pinakamaganda at pinakaguwapo sa ating klase.?” Di agad nakasagot si Ms Bebot ngumiti lang
sya at para lang mapagbigyan ang kanyang tanong. Sinabi nyang lahat ng lalaki
ay guwapo si Joseph, si James at lahat ng babae ay maganda . Pero di sya
nakuntento sa sagot ni Ms Bebot at humirit pa sya kalaunan tumahimik syang
panandali. At dahil Labinlimang minuto na lang ay mararating na namin ang
kanilang paaralan. Syempre farewell speech at thanksgiving, at bago ang lahat
binalikan ko ang tanong ni Iya ang makulit na mag-aaral. “kanina may nagtatanong
sa inyo kung sino ang pinakamaganda at pinakaguwapo.” Panimula ko kaagad naman
syang tumugon at tumawa “ako ‘yon” sagot nya. “Oo ikaw nga ‘yon pabiro kong
sagot sa kanya upang sya ay tumahimik. “Para sa akin ang pinakamaganda at
pinakaguwapo sa lahat ay ‘yon taong may tiwala sa sarili nya. Dahil sino pa ang
magmamahal at magtitiwala sa iyo, kung ikaw mismo na may katawan ay di
pinapahalagahan, at nagtitiwala sa iyong sarili.”lagi mong sasabihin sa sarili mo na anak ka ng Diyos at maganda
ka. Humirit sya ulit “eh pano po ‘yon may mga kulang ng tiwala sa sarili meron
naman pong sobra. “ “yon lang dapat tama lang. “Sa kabila ng lahat ng iyong
tiwala sa sarili samahan natin ito ng kapakumbabaan. Dahil lahat ng sobra ay
masama.” “yon simple pero rock.” Pabiro kong pagtatapos.
Ikaw
kaibigan paano mo masasabing maganda o guwapo ang isang individual?