Thursday, May 31, 2012

"2012 ARAW NG PASIG"

     Ang Pasig ang isa sa mga itinuturing kong pangalawang tahanan. Bagamat di ako isinilang sa Pasig, ako nama'y dito lumaki at namulat sa katotohan ng buhay. Nakakatawa man pero ako'y isinilang sa Pangasinan, napadpad sa Pasig ngunit nasa Pilipinas pa rin ako at ako ay Pilipino. Kung ikaw ay mapanuri makikita mo na ang lugar na aking kinamulatan at kinalakhan ay nagsisimula sa titik P. Wala akong kamag-anak dito ang tanging gabay ko ay ang awa ng Poong Maykapal. Kaya naman kahit malayo sa pamilya ang paglilingkod sa simbahan at komunidad ay nakakapagdulot ng ligaya.