Umulan man o umaraw ang daloy ng trapiko ay pangkaraniwang ng buhol-buhol lalo pa pag umuulan.
Tulad ngayon, dumalaw si Mang Santi na may dalang malakas na ulan at hangin kaya't bilang pagsalubong. Nagmartsa ang mga sasakyan na puno ng mga tao, at sa dami ng mga panauhin naubos ng masasakyan. Kaya naman bilang pakikisama ako may nakiparada at naglakad mula Hilaga hanggang Timog. Nais kung mangatwiran, ano ang dapat gawin upang masikip na trapiko ay maiwasan?. Marahil maganda siguro kung ibalik na lang ang dating Kalesa sabay hila ng kabayo. Wala pang pulosyon, subalit kung sa lungsod gagawin 'yon san kukuha ng sariwang damong ipapakain sa mga kabayo? Makakatulong din marahil na 'yon may mga malalaking sasakyan ay magkawang-gawa at pasakayin 'yon mga walang sasakyan o di kaya idesenyo na lang na pang-isahan hanggang dalawa ang mga sasakyan. Bawas sa espasyo ng kalsada. Pangkaraniwan na kasi ang pang dalawampung tao ang sasakyan pero ang nakasakay isang tao lang! O di kaya'y bigyan lang ng mga lisensya 'yong mga may garahe. Isa din kasi sa suliranin ay ang mga sasakyang walang garahe at sa kalye nakaparada kaya di pa man umaandar sanhi na ng masikip na daloy ng trapiko. Maliban na nga lang kung may magandang loob na pilantropo at magpagawa ng overpass sa ibabaw ng overpass at underpass sa ilalim ng underpass. Iniisip ko pa lang naaantala na ang daloy. Ang bisikleta ay mainam ring panghalili sa mga makabagong sasakyan. At ang pinakasimple magising ng maaga at maglakad patungo sa paroroonan :)
Dala ng pag-lalakbay ng aking nahihimlay na diwa di ko namalayang nakarating na pala ko sa Monumento ni Bonifacio at ang Kataas-taasang, Kagalang-galangan, Katipunan mga Anak ng Bayan ay bumungad sa aking paningin. At sa aking patuloy na paglalakbay, nakilala ko si Mamang Sorbetero patuloy na nagtitinda ng sorbetes sa gitna ng ulan. Pinagmasdan ko ang malamlam nyang mga mata subalit kahit malamlam patuloy pa rin ang kanyang positibong pananaw na umulan man o umaraw mauubos ang kanyang panindang sorbetes.Ano kaya at bigyan ko sya ng pera para sya'y umuwi na? Pero hindi sya pulubi, isa syang magiting na Pilipino, anak-pawis man ngunit may prinsipyo. Ang kumita sa malinis na paraan. Nais kung magalit sa katagang "dirty icecream" san ba nakuha ang katagang 'yon? Samantalang pati apa ng sorbetes ay may "tissue paper". Nawa'y maubos ang paninda ni "Mamang Sorbetero. At kahit iniiwasan ko ang malamig dahil nangingilo ang aking ngipin may kung anong nagtulak sa akin na bumili ng sorbetes ni Mamang Sorbetero. Ano kayang lasa ng sorbetes tuwing umuulan? , tanong ko sa sarili at para malasahan ating tikman.Bumili ako ng sorbetes ni Mamang Sorbetero, masigla nya akong pinagbilhan at may add ons pang "chocolate dip" subalit ako'y tumanggi. Habang ninamnam ang sorbetes, masarap naman pala, kahit umuulan, subalit malapit ng malusaw ang sorbetes. Habang papalayo kay Mamang Sorbetero muli ko syang tinanaw at ang malamlam na mga mata'y balisa. Di ko man sya lubusang kilala iisa lang ang alam ko, napakatyaga ni Mamang Sorbetero. Bubunuin ang gitna ng ulan makapagtinda lang ng sorbetes. Marahil kailangan nyang makalikom ng sapat na salapi para sa kanyang mga mahal sa buhay. Dahil kung iba 'yon uuwi na lang at magpapahinga sa bahay sino pang bibili ng sorbetes eh umuulan?
Saludo ako sayo Mamang Sorbetero. Isa kang Magiting na Pilipino! Dalangin nawa'y makamit ang iyong mga tahimik na panalangin at pangarap para sa iyong buong pamilya. Mabuhay ka Mamang Sorbertero. Hanggang sa muli.