Saturday, May 12, 2012

CARING GROUP




Do you have what it takes to be a passionate servant ?

Time run so fast, this coming Friday is the last day of our caring group (trimester). I want to thank all of you. Yes its a short span, but on that moment that we met, the relationship started. And like siblings that grow, we need to grow more. So in order to grow more, we need to expand. We have to extend our love to each and everyone that we met. Strangers, office-mate, family, friends and most of all to yourself. Because in order to love others you must know how to love yourself first. Use your passion to serve others and you will become a blessing and likewise you will be bless abundantly. When you'll say yes God will equipped you in all areas you need to grow.


HOW TO SERVE (Knowledge taken from random insights & experience)
1. Have listening ears- rather than advise everybody need someone who will listen with a heart.
2. Be a model of faith through your action.
3. Humble yourself before your God- pray without ceasing.
4. Love must be the main reason why you serve.
5. If you are tired rest and go on.
6. Be sensitive to the needs of others.
7. If possible disregard your personal agenda, if it persist you must know how to stand firm and face the consequences.
8. Be committed and responsible.
9. Let the fire of service ignite till the end.
10. Be cheerful, happy & joyful because not everyone given a heart to serve. Believe you are called and you are anointed son & daughter of God.

*****If you have additional comments, suggestions or even violent reaction feel free to voice it out for the improvement of our caring groups. ******


\
LOJE with blue, diana, cyzel, & diane miss you :) :) :)
LOJE moments with the pretty Kat, Ella, Cherry & Anna
first cg ever @ Nipa Hut with the awesome kids
let's play with the toys of lolo and lola smile
My first cg @ anawim pilgrimage


After 2 years Thea, already married and have a baby shower that gives birth to a wonderful boy.  And  the lovely  couple Joel and Blue blooms a sweet and wonderful relationship.



All in Black- the bon voyage 
 .
Walk out loud- Searching for the unknown but still smile that's the vibes. Attitude check  One , two , three, smile. Juice !!
  
Simply Chit Chat  with the  pretty princesses 
   
Star City- Shout Out Loud!!! Reminisce being a child with the down to earth friends 
     

SI INAY

     Dalawang dekada na ang lumipas ng kakulitan at katigasan ng ulo bilang isang musmos ngunit ang tyaga at pagmamahal ni inay ay di kumukupas.Naaalala ko noon anim na taong gulang pa lang ako, kung paanong tumalon sa bintana upang di madapuan ng palo ni Inay. Sa kabila ng galit nakuha pa ring kumaripas ng takbo na tila nakikipaglaro ng taguan. "Huwag ka ng babalik kung hindi naku..." , ang gigil na sabi ni inay. Sadyang may pagkapilya at masunurin si Kulit kaya't kahit gutom na'y pinipilit sundin ang nasabi ng Ina. Sa kabila ng kapilyahang 'yon haplos pa lang ni Inay nakapagpapagamot na ng sakit. Sya ang unang guro na nagtiyagang nagturo sa paham na kaisipan. Ang awit ng kundiman pag nais humimlay ay kusang maririnig at pinaghehele si Kulit.Bawat minuto hinahaplos kamay ni Inay, ngunit ngayon yayat na ang kanyang mga bisig. Pinipilit ikubli ang bawat himaymay ng hapdi at kirot. Ang puso ng Inay di magmamaliw. Marahil sadyang ang inakay ay naging ganap ng agila subalit sa kabila noon pag napilay at halos di makalipad pangalan pa rin ni Inay ang sinasambit na tila sisiw na muli'y nais maramdaman ang init ng kanyang mga pakpak. Marahil wala man syang makabagong teknolohiyang maalam gamitin, ngunit ang puso ng ina'y nakasisiyasat kung anong nasa puso't isipan ng kanyang minamahal na anak. Ang tanging dalangin nawa'y dinggin ng Poong Maykapal Kanyang mga Panalangin na inuusal gabi't araw. Payak na ina ng tahanan ngunit ang ilaw ay abot hanggang kalangitan. Kung ilang balde ng luha ang naipon buhat sa kanyang hapis na puso ay di mabilang. Ngunit ang alingawngaw ng kanyang halakhak ay nakatatak sa puso't isipan. Inaalala kung pano nasilayan ang kanyang ngiti dahil sa si Kulit ay aakyat sa entablado ng may karangalan. Kahit hirap pilit lumikom ng salapi upang mabilhan ng bagong damit yaring anak na sinisinta. Ngayon ang tanging hiling nawa'y mapagtipong-tipong muli mga inakay na nagkawatak-watak. Salamat Inay sayong pagtitiyaga. Sa 'yong masuyong haplos at natutong magmahal, sayong disiplina at natutong  magpakabait. Salamat sa iyong pagmamahal na di nagmamaliw. Lahat ng hirap mo'y di nasayang. Mahal na Ina patawad sa mga sandaling ika'y napaluha. Ngayon magalak ka at matuwa dahil ang iyong sakripisyo'y nagbunga ng kabutihan. Ang bawat kataga ay kulang upang sambitin kung gaano ka namin pinasasalamatan. Korny man pero Mahal ka namin Inay. At sa'yong kaarawan nawa'y makauwi sa ating tahanang iyong sininop sa mahabang panahon.