Saturday, April 12, 2014

AKO AY NAUUHAW

     "Masdan, nakatayo ako sa pintuan at kumakatok.." (Revelation 3:20)

     Totoo, nakatayo Ako sa pintuan ng iyong puso, araw at gabi. Bagama't di ka nakikinig, bagama't nag-aalinlangan kang maaring Ako nga. Ako ay naroroon. Hinihintay Ko kahit ang kaliit-liitang tanda ng iyong pagtugon. Kahit ang bahagyang pahiwatig ng paanyaya na Ako y iyong pinahihintulutanng pumasok.



     Nais Kong malaman mo na tuwing Ako ay iyong inaanyayahan, Ako ay palaging dumarating nang tahimik at di nakikita ngunit taglay ang walang katapusang kapangyarihan at pagmamahal. Dala Ko ang maraming biyaya ng Aking Ama. Ako ay dumarating taglay ang Aking awa, ang Aking layunin na patawarin at pagalingin ka at kalakip ang isang pagmamahal na di kayang abutin ng iyong pang-unawa-pagmamahal na kasing dakila ng pagmamahal na tinanggap Ko sa Aking Ama" (Kung paano Ako minahal ng AKing Ama, gayun din ang pagmamahal Ko sa iyo" (John15:10). Ako ay dumarating, nanabik na aliwin ka at bigyan ka ng lakas, pasiglahin ka at pagalingin ang iyong mga sugat. Dala Ko ang Aking liwanag upang iwaksi ang iyong kadiliman at ang lahat ng iyong alinlangan. Ako ay dumarating taglay ang Aking kapangyarihan na pasanin ka at ang lahat ng iyong dalahin. Ako ay dumarating tulad taglay ang Aking grasya na mahipo ang iyong puso at ibahin ang anyo ng iyong buhay. Ibinibigay Ko sa iyo ang Aking kapayapaan upang patahimikin ang iyong kaluluwa.
     Kilala kita sa kaibuturan ng iyong pagkatao. Nababatid ko ang lahat ng tungkol sa iyo. Bilang Ko ang bawat hibla ng iyong buhok. Ang buhay mo ay mahalaga para sa Akin. Sinundan kita sa paglakad ng panahon at patuloy na minamahal kahit sa iyong pagliliwaliw. Alam Ko ang lahat ng iyong problema, ang lahat ng iyong panganagilangan, ang iyong mga takot at mga ligalig.Tuwina'y pinakikinggan Ko ang mga tahimik na pagdarasal. Kahit na wari mo Ako'y nanahimik, Ako'y palaging nasa likod mo, kumikilos upang basbasan ka at pangalagan ka. Sinusunod Ko ang bawa't kibot ng iyong puso pati ang bawa't iniisip mo. Alam Ko lahat ang iyong kalungkutan, ang iyong pakikibaka at mga pagsubok, ang iyong kabiguan at dalamhati. Gayundin, alam Ko ang lahat ng iyong pagkakasala. Ngunit, muli Kong sinasabi sa iyo na mahal kita-hindi ang iyong mga ginagawa o hindi ginagawa-mahal kita bilang ikaw. Mahal kita dahil sa kagandahan at karangalang ipinagkaloob ng Aking Ama sa paglikha sa iyo na kalarawan Niya. Ito ay isang kadakilaan na malimit mong malimutan,, isang kagandahan na dinungisan mo ng iyong pagkamakasarili at kasalanan. Ngunit, mahal kita bilang ikaw nang walang pasubali at ibinuwis Ko ang Aking dugo upang ikaw ay muling mapasaakin. Kung ikaw lang ay hihiling nang may buong pananalig, hihipuin ng Aking grasya ang lahat ng dapat baguhin sa iyong buhay; bibigyan kita ng lakas upang mapalaya mo ang iyong sarili sa kasalanan at sa lahat ng mapanirang kapangyarihan na maglalayo sa Akin.
     Nababatid Ko ang nilalaman ng iyong puso. Nababatid Ko ang yiong pangungulila at hinanakit: ang pagwawalang-bahala, ang panghuhusga at ang paghamak sa iyo. Pinasan Ko lahat ng ito para sa iyo. Pinasan Ko ang lahat ng ito bago mo man maranasan upang makabahagi ka ng Aking lakas at tagumpay. At lalo Kong nababatid ang pangangailangan mong ikaw ay mahalin at kung gaano ka nauuhaw na matanggap, mapahalagahan, mahalin at maitangi. Ngunit, malimit kang nauuhaw nang walang kabuluhan, hinahanap ang pagmamahal na di Akin, Ako na Siyang pinagmumulan ng pagmamahal. Sinisikap mong mapunuan ang iyong kahungkagsan sa pamamagitan ng mga kasiyahang lumilipas at kadalasan mas higit pa sa iyong kahungkagan sa kasalanan. Nauuhaw ka ba sa pagmamahal? "(John 7:37) Tutugunan Ko ang hangaring mong mahalin ka na di abot ng iyong mga pangarap. Nanabik ka bang mapahalagahan at mahalin? Minamahal kita nang higit pa sa iyong akala, sukdulang iwanan Ko ang langit para sa iyo at mamatay sa krus para ikaw ay mapasaakin.
     Hawak Ko ang ang kasagutan sa lahat ng iyong mga pananabik. Ako ang iyong magiging katahimikan, iyong kaginhawahan at iyong katiwasayan. "Lumapit kayong mga nahihirapan at nagtitiis at bibigyan  Ko kayo ng kaginhawahan." (Matthew 11:28) Walang ibang nagmamahal sa iyo nang higit sa Akin, totoong walang iba. Ang mga pangarap Ko sa iyo ay higit pa sa iyong inaasam at hinding-hindi Ako titigil hanggang ito'y iyong makamit. At kahit na nakapagdudulot ng matinding kalungkutan ang iyong pagwawalang bahala, ang iyong paglihis ng landas at iyong mga kasalanan, ibig kong malaman mo na ang pagmamahal Ko sa iyo ay walang pag-aalinlangan; hinding-hindi magbabago. Mahal kita nang walang hanggan at walang katapusan. Walang katumbas na kabutihan ang magagawa mo upang mahalin kita nang higit pa sa sa pagmamahal Ko sa iyo sa sandaling ito. At walang kasamaan ang iyong magagawa na makabawas sa pagmamahal Ko sa iyo. Sa bawa't sandali ng buhay mo, minahal kita sa kaibuturan ng Aking pagmamahal at lagi pa kitang mamahalin.
     Kung batid mo lang kung gaano ka kahalaga sa Akin, ikamamatay mo ito sa tuwa. Sa dinami-dami ng maaari Kong likhain sa katayuan mo, ikaw ang pinili Ko. Ikaw ang inisip Ko at matagal Kong hinintay ang kapanganakan mo. S atuwing lumalapit ka sa Akin sa pamamagitan ng dasal o bumabalik sa Akin sa pamamagitan ng pagsisi, naaantig mo Ako sa kaibuturan ng Aking katauhan. Sumasaya ang puso Ko dahil sa iyo. "Higit ang kasiyahan sa kalangitan dahil sa isang makasalanang nagbalik-loob kaysa sa siyamnapu't siyam na matuwid" (Luke 15:7) at "Sa kasiyahan ng nobyo sa kanyang pakakasalan, gayundin ang kasiyahan sa iyo ng iyong Panginoon,"(Isaiah 62:5) Iyan ang tunay! Ikaw ang Aking kasiyahan, ikinalulugod kita. "Ikaw ang pinakamamahal Kong anak, na aking kinalulugdan."(Mark 1:11)
     Hinihintay Ko ang pag-ibig mo, araw at gabi. Walang sinuman sa Aking mga nilikha ang makapagmamahal sa Akin nang tulad ng iyong pag-ibig, ng iyong puso. Walang sinuman ang makapag-aaliw sa Akin nang tulad mo. Namumukod tangi ka sa puso Ko. Walang sinumanang maaaring pumalit sa iyo. Sapagkat walang hanggan ang pagmamahal Ko sa iyo, madali Kong nararamdaman ang bawat tibok ng puso mo. Maari mo Akong sugatan o aliwin nang higit sa iniisip mo. Huwag mong sabihing di mo alam kung paano Ako mamahalin o di mo kaya o dili kaya'y di ka karapat-dapat. magsimula ka. Simulan mo lamang. Ang pag-ibig ay matutunan lamang sa pagmamahal. Di mo kinakailangang maghintay na maging lalong mabuti upang mahalin Ako. Nanabik at nangungulila Ako sa iyo katulad mo na kaharap Ko ngayon. Walang ukol sa  iyo, walang pagkukulang o kasalanan ang makapagpapalayo ng pagmamahal at ng Aking pananabik sa iyo. Kaya, lumapit ka, simulan mong mahalin Ako kahit na minamahal na kita. Simulan mong manabik sa Akin, dahil nananabik Ako sa iyo.
     Tanging sa langit mo lamang ganap na malalaman ang kahalagahan ng pag-ibig mo sa akin, kung gaano ka kahalaga sa Aking puso, kung gaano Ako nananabik sa iyo. Nauuhaw Ako sa iyo. tunay, ganito Ko lamang mailalarawan ang pagmamahal Ko sa iyo. Nauuhaw Akong mahalin ka at nauuhaw Ako sa pagmamahal mo. Kung paanong ang nag-aapoy na init sa disyerto ay naghihintay ng tubig, hinihintay Ko rin ang pag-ibig mo. Kung gaano ang pagnanasa ng isang nauuhaw sa tubig, ganoon din ang pananabik Ko sa iyo. Kung paanong maghanap ng tubig ang nauuhaw, ganoon din ang paghahanap Ko sa iyo.Kung paano ang nauuhaw na tao'y tanging tubig lamang ang iniisip, ganoon din ang pagtutok Ko sa iyo sa bawat araw at gabi (Bilang Ko ang bawat hibla ng iyong buhok). At kung paanong ipagpapalit ng isang nauuhaw ang anumang bagay kapalit ng tubig, ganoon din, buong puso Kong ibibigay ang lahat na mayroon Ako at ang kabuuan Ko para sa iyo.
     Nauuhaw Ako sa iyo. Lumapit ka sa Akin at pupunuin Ko ang iyong puso at pagagalingin Ko ang iyong mga sugat. Sa gitna man ng iyong mga pagsubok, gagawin kitang nagong nilikha at pagkakalooban kita ng kapayapaan.
     Nauuhaw Ako sa iyo. Hindi mo dapat pag-alinlanganan ang Aking habag, ang Aking pagtanggap sa iyo, ang hangad kong magpatawad, ang pananabik Kong basbasan ka at mabuhay sa iyo.
     Nauuhaw Ako sa iyo. kung pakiramdam mo ay hindi ka  mahalaga sa mundong ito,hindi bale sapagkat para sa Akin, walang iabg mas mahalag sa buong mundo kundi ikaw.
     Nauuhaw Ako sa iyo. Maghayag ka sa Akin, lumapit ka sa Akin, mauhaw sa Akin, ibigay mo ang iyong buhay at patutunayan Ko sa iyo kung gaano ka kahalaga sa Aking puso. Nilikha kita para sa Akin, nabuhay ka para mahalin Ako at mahalin kita: ang puso mo ay hindi mapapahinga hangga't sa Akin ka mamahinga. Walang ibang magpapalugod o magbibigay ng kapayapaan sa iyo, walang sinuman ang magpupuno ng kahungkagan mo. Kung iaalay mo sa Akin ang iyong nawaglit na pagnanasa, kung mapansin mong nauuhaw ka na sa Akin gaya ng pagkauhaw Ko sa iyo, at kapag magtagpo ang ating pagkauhaw, mag-uumpisa kang makaranas ng mga himala, himala ng pagkabuhay at ng pagbabagong buhay.
     Nauunawaan mo bang simula ngayon ay may ganap nang plano ang Aking Ama upang baguhin ang iyong buhay. Magtiwala ka sa Akin. Hilingin mo sa Akin araw-araw na pumasok at pangalagaan ang iyong buhay, at ito'y Aking gagawin. Ipinapangako Ko sa iyo sa harapan ng Aking Ama sa langit na gagawa Ako ng maraming himala sa iyong buhay. At bakit ko ito gagawin? Sapagka't nauuhaw Ako sa iyo. Ipagkatiwala mo lamang ang iyong sarili sa Akin nang walang pasaubali at Ako na ang bahala sa lahat.
     Hanggang ngayon ay nakamasid Ako sa inihahandang tahanan ng Aking Ama para sa iyo sa Aking kaharian. Tandaan mo, ikaw ay naglalakbay sa buhay na ito tungo sa tahanan ng Aking Ama. Sinasabi Ko sa iyo, ang mga makamundong bagay ay hindi makapagbibigay ng kasiyahan at hindi rin ito makapagbibigay ng kapayapaang iyong hinahangad. Lhat ng ninanais mo liban sa Akin ay pawang nag-iwan lamang sa iyo ng kahungkagan. Kaya't huwag ka nang kumapit sa mga bagay ng mundong ito. Higit sa lahat "kung ika'y nagkasala, huwag kang lalayo sa Akin." Sa halip, lumapit ka sa Akin nang walang pag-aatubili. At kapag isinuko mo sa Akin ang iyong mga kasalanan, ang ibinibigay mo sa Akin  ay ang kaligayahang iyong Tagapagligtas. "Walang kasalanan ang di ko kayang patawarin at walang taong di ko kayang pagalingin. "Kaya't lumapit ka sa Akin at alisin mo ang dalahin ng iyong kaluluwa.
     Hindi mahalaga kung gaano ka kalayo nagliwaliw, kung ilang beses mo Akong kinalimutan, hindi mahalaga kung ilang krus ang dinala mo dito sa buhay, basta't isang bagay lamang ang hindi magbabago" Ako ay nauuhaw sa iyo bilang ikaw. Hindi mo kinakailangang magbago para sumampalataya sa Aking pagmamahal, dahil ang pananampalataya mo sa Aking pagmamahal ang makapagbabago sa iyo. Kinalimutan mo Ako, subalit hinahanap kita sa bawa't sandali at nakatayo Akong kumakatok sa pintuan ng iyong puso. Mahirap bang paniwalaan ito? kung gayon, masdan mo ang krus. Masdan mo ang Aking pusong tinusok nang dahil sa iyo. hindi mo ba nauunawaan ang Aking krus? Pakinggan mong muli ang mga salitang binigkasa Ko noong mga sandaling iyon sapagka't maliwanag itong nagsasaad kung bakit Ko tiniis ang lahat para saiyo. Ako ay Nauuhaw...(John 19:28). At katulad ng naisulat sa Salmo tungkol sa Akin: Humanap Ako ng pagmamahal ngunit wala Akong natagpuan...(Psalm 69:20). Sa buong buhay mo ay hinahanap Ko ang iyong pagmamahal. Hindi Ako tumigil sa hangaring mahalin ka at mahalin mo Ako. Nasubukan mo na ang iba't ibang bagay sa iyong paghahanap ng kaligayahan, bakit di mo subukang buksan ang puso mo ngayon sa Akin nang higit pa noon?
     Sa sandaling buksan mo ang pintuan ng iyong puso, sa sandaling lumapit ka, maririnig mong sasabihin Ko sa iyo nang pauli-ulit, hindi lamang mula sa salita ng tao kundi ng Espiritu Santo ang mga katagang ito: Hindi mahalaga sa Akin kung ano ang mga nagawa mo dahil mahal kita para sa iyong sariling kapakanan. Lumapit ka sa Akin dala ang iyong mga hirap, ang iyong mga kasalanan, ang iyong mga bagabag at kawalan pati na ang iyong pananabik na mahalin. Nakatayo Ako sa pintuan ng iyong puso at kumakatok... Buksan mo para sa Akin, sapagka't Ako ay Nauuhaw sa iyo.

                           ************************************************
                            "Si Hesus ay Diyos, sa gayon ang Kanyang pagmamahal, ang kanyang pagkauhaw ay walang hanggan. Siya na lumikha sa sandaigdigan, ay humihingi ng pagmamahal mula sa Kanyang mga nilalang. Nauuhaw Siya sa ating pagmamahal. Ang mga salitang: Ako ay Nauuhaw", ito ba'y umaalingawngaw sa ating mga kaluluwa?"
                                                                                                   -Mother Theresa

For more info & additional copies please contact:
I THIRST MOVEMENT
P.O. Box EA-52 Ermita Post Office
Malate, Manila Philippines