Wednesday, January 11, 2012

IBA’T IBANG KLASE NG NGITI :) :) :)

Paano nga ba ngumiti ng tama ? Ito ba ‘yon tipong kita pati ngala-ngala ?
Nakakatuwang isipin na ang pagngiti ay hindi lang pag ang tao ay masaya kundi maging sa iba’t ibang kadahilanan. Seryoso ? “Ngiti naman dyan.:) :) :)
Naalala ko tuloy ang isa sa aking "Chinese mentor" Sabi nya sa akin “Smile can kill.” Sa wari ko’y “killer smile" ang gusto niyang tukuyin. Ha ano kayang klaseng ngiti iyon ? May mga nagsabi na sobrang tipid ngumiti, o di kaya’y “ang mahal naman ng ngiti mo”. Nabibili ba ang ngiti ?
Isang araw may binati akong kaibigan marahil wala sa “mood”. Kaya masabi lang na ngumiti, simpleng buka ng labi , ang pangit palang tingnan ng pilit na ngiti. Ang pakla ng mukha parang nakakain ng ampalaya , ito rin yong tinatawag na ngiting aso. Sa ganitong uri ng ngiti marahil kung napipilitan hwag na lang ngumiti. Dahil dama ng kaharap mo na ito’y isa lamang pakunwari at sa isang banda kung ikaw ang gumawa ng ngiting ganito masasabing huwag na lang pakiusap.
Matamis na ngiti. Ito yon ngiti ng tagumpay, ngiti ng kaligayahan. Ito yong ngiti na magandang pagmasdan, maaliwalas nagbibigay pag-asa.
Ang ngiti na di ko makakalimutan ay ang malaanghel na ngiti ng mga sanggol, wagas at totoo.
Ang ngiting ito ay hindi lang “exclusive” para sa mga sanggol. Sa katunayan ito’y akin ding nasumpungan sa isang lola na ang ngiti’y tunay na kaaya-aya. Di man mangusap sapat na ang kanyang ngiti upang maipabatid ang mensahe ng Maykapal. Na mahal nya tayong kanyang nilikha. Pagkatapos kung masilayan ang ngiting iyon bigla akong napaluha, luha ng kaligayahan. At magbuhat noon ang dating matipid at mapaklang ngiti ay nahalinhan ng ngiti ng pag-asa at pag-ibig.
Napakaraming klase ng ngiti at kung iisa-isahin natin para na tayong nagsulat ng nobela.
Ang mahalaga ngumiti ka at ang mundo’y ngingiti para sayo. ‘Yon nga di kumpleto ngipin ang sarap ng ngiti ikaw pa kaya ? Ang pagngiti ay isang uri ng pasasalamat na sa dinami dami ng tao sa mundo heto at buhay ka pa kaya’t karapat-dapat lang na ngumiti ka ng napakatamis.
At kung ngingiti ka na rin lang ibigay mo na ang napakatamis mong ngiti. Tulad din yan sa paglalaba ng damit. Naglaba ka pa kung madumi din lang hwag na. :) :) :)



energy saving

No comments:

Post a Comment

Thank you for your valuable comments.