Sa paghahanap ng isang kanlungan ako'y napadpad sa isang dalampasigan. Ang mga tagni-tagning pangarap ay inalon ng tubig. Hay naku tama na muna ang kadramahan sa buhay total Pasko naman ngayon ating alamin ang iba't ibang magagandang tanawin. Siempre di pahuhuli ang Pasig City.At dahil bawal ang "plastic" sa literal na konteksto at maging sa matalinghagang salita. Sa maikling pananalita bawal talaga ang plastic sa Pasig. Inulit lang makulit lang po para matandaan, sabi nga ang paalala ay gamot sa taong nakakalimot.:)
Isang karangalan ang maging isang Pasigueño, bukod sa ito'y isang sibilisadong lungsod napapanatili pa rin nito ang makalumang tradisyon, makasaysayang lugar at ang malaluntiaang kalikasan. Saan ka pa, mapanegosyo, edukasyon, libangan, mga nagtatayugang gusali at establisyemento ay nandito na.
Noong nakaraang ika-29 ng Nobyembre ay nagkaroon ng patimpalak sa Eusebio Quadrangle para sa naggagandahang mga parol at "take note" napakaeleganteng pagmasdan, kung sa malayuang tingin ito'y mamahalin. Subalit kung iyong susuriing mabuti pawang gawa sa mga plastik at iba pang organiko at di organiko na mga bagay. Aking napagtanto na ang mga Pasigueño ay nagtataglay ng "Midas Touch". Dahil kahit ang basura na di pinapansin ng marami ay naging ginto sa mga kamay ng mga malikhaing Pasigueño. Sa araw ding ito binuksan sa madla ang " Animated Display" bukod sa maaaliw ka na at mababato-balani sa ganda at direksyon ng mga lumikha nito kapupulutan pa ng aral lalo na ng mga batang Pasigueño.
Sabay sa Kapistahan ng Patron ng Pasig Cathedral "Immaculada Concepcion" ngayong ika-8 ng Disyembre, binuksan din ang "Christmas Lights" sa Plaza Rizal kung saan para kang nasa isang "fantasy land" isa itong "Light at Sound Show at mamangha ka talaga. At masasabi mong "amazing, wonderful, beautiful at lahat na nang adjectives into its Superlative degree may ganun! Kumikinang at kumukutitap ang bawat paligid sa Plaza Rizal sa araw na ito at bukas sa Ika-9 ng Disyembre magaganap ang taunang "Paskotitap" kung saan iba't ibang "creative float" ang kalahok mula sa iba't ibang barangay. Kaya ano pang hinihintay mo Tara na sa Pasig! Its More Fun in Pasig Philippines.
Ang ganda ng iyong paligid ay nagsisimula sa iyong pusong marunong magpahalaga sa kagandahan at gumagawa ng paraan upang mapanatili ang kagandahang yaon.
No comments:
Post a Comment
Thank you for your valuable comments.