Sunday, August 25, 2013

PAGBABAGO?



Gusto mong sumigaw?
Sino ang makakarinig sayo  kung lahat ay sumisigaw?
Di lahat ng sumisigaw ay naririnig.
Nais mo ng kapayapaan?
Kumilos ka at tahakin ang daan patungo sa kapayapaan.
Ngunit kung kabaliktaran ang iyong ginagawa sa iyong ninanais makakamit mo ba ito?
Nais mong ilagay ang batas sa iyong mga kamay anong pinagkaiba mo sa kriminal?
Sa huli pantay pantay naman ang lahat isinilang kang walang anuman, aalis ka ring walang anuman. Nawa'y maging makabuluhan ang buhay na bigay  ng Maykapal. Kung hindi anupat nabuhay ka?
Nais mo ng pagbabago?
May ginagawa ka na bang pagbabago sa  buhay mo?
May panahon pa upang magbago tungo sa kabutihan.
Gawin na ito  ngayon habang may oras pa.
Kung ikaw ay may karapatang magbago,
Siya man ay may karapatan din.
Huwag natin itong ipagkait.
     Ang kapayapaan ay nagsisimula sa kaibuturan at puso ng bawat nilalang.
Gayundin ang digmaan ito'y nagsisimula sa galit na namamayani sa puso ng isang indibiduwal hanggang sa ito'y magkaugat at magkasanga. Kayat kung nais mong supilin ang kasamaan sa buong mundo, supilin mo muna ang iyong sarili kung napagtagumpayan mong supilin ang iyong sarili,  handa ka na sa pagsupil sa mas malaking mundo.
Panalangin at hangad ang kapayaan ay manaig sa puso ng bawat isa.