Itinuturing na Bagong Bayani ang mga OFW na sya namang dapat dahil maliban sa dolyar na ipinapasok nila sa ating bansa, nakataya ang kanilang buhay sa labas ng ibang bansa.
Subalit di lahat ng nais mangibang bansa ay pinapalad makaalis lalo na ang mga kapwa natin Pilipino na di sapat ang edukasyon,kakayahan at salapi. Isama pa ang mga illegal recruiter na nag-papaasa sa mga kapwa nila Pilipino na sila ay makakaalis upang magtrabaho sa ibang bansa.
Kunwa'y tila maamong tupa na lalapit sa mga nangangarap mangibang bansa ang tagline nila,
"No Placement Fee!" sino ba namang Pilipinong kapos na nangangarap mangibang bansa ang di mahihikayat na mag-apply sa kanilang ahensya. Hinihikayat lalo na ang mga Pilipinang nakatira sa malalayong probinsya. Bilang isang Pilipinang kimi, kahit anong sabihin ng mga "Illegal Recruiter" na ito ay tanggap lang ng tanggap ang Pobreng Probinsyana. Ang sistema papupuntahin sa Maynila ang pobre siempre libre naman eh! Gayunpaman ang pamasahe ay di biro lalo't malayong probinsya ang pinanggalingan, idagdag pa ang oras na nasasayang sa pabalik-balik na pagpaparoo't parito. Ilang ulit silang pababalikin sa Maynila at darating pa sa punto na sasabihing. "Aalis ka na sa Lunes kaya dalin mo na ang gamit mo!" Kamukat mukat ang mga pobreng probinsyana ay di pala makakaalis. Dahil ayon sa "Illegal Recruiter" na ang visa kono ay expired na! Kayo kayang "illegal recruiter" ang lumagay sa katayuan ng mga pobreng probinsyanang ito! Nagpaalam sa mga magulang at kamag-anak na aalis siempre bilang pamilya, tutustusan ang kanilang mga kaanak makaalis lang. Asan ang mga puso nyong mga "Illegal Recruiter"! Pera,pera na lang ba ang labanan sa bansang ito! At bilang paconsuelo de bobo sasabihin sa pobreng probinsyana ng "Illegal Recruiter" na ito "Bilang tulong sa iyo habang di ka pa nakakaalis at nahihiya kang umuwi sa probinsya mamasukan ka muna kay ganito, ganyang tao. Training ground mo 'yon dahil pagdating mo sa ibang bansa 'yon naman ang trabaho mo.!" Ang kapal ng mukha ng "Illegal Recruiter" na ito pobre na nga ang tao pinagmumukha pang kawawa ang mga pobreng probinsyana dahil wala ng choice si pobreng probinsyana, tatanggapin na lang ang "offer" na maging katulong sa sariling bansa ng walang anumang benepisyo kundi libreng tirahan at pagkain, kapalit kono ng training na makukuha nya; libre tirahan at pagkain pa!. Saan ka pa? At ang "illegal recuiter" na ito tatanungin ang pobreng probinsyana kung nagsayang ba sya ng oras sa pabalik-balik na pagpunta sa kanilang ahensya. Natural anong isasagot nyan kundi iling,tango,oo,hindi.!Nakakahighblood ang mga "Illegal Recruiter" na ito nag-resigned ang pobreng probinsyana sa kanyang trabaho sa probinsya dahil sa pangako na sya ay makakalis na 'yon pala ang dahilan expired na kono ang visa. Sinong may kasalanan 'yon pobreng probinsyana?!!! Pero ang totoo pag tingin sa POEA wala palang Job Order! At paano makakaalis di pa nga napaprocess sa POEA.! Ang mga pobreng probinsyana walang magawa kundi umiyak na lang sa kasawiang dulot ng mga "Illegal Recruiter" na ito. Di maipagtanggol ang sarili at walang magawa kundi tanggapin ang masaklap na kapalaran! Ang kapal ng mukha talaga ng tila maamong tupang "Illegal Recruiter" na ito sasabihin pa nyang magkababayan sila ng pobreng probinsyana. Eh bakit wala kang malasakit kung tunay nga na kababayan ka nya.?! Halos ituring na mababang uri ang mga pobreng probinsyana na ito. Ano yan aso na itetrraining nyo kunyari dahil napaamo nyo kahit ano puwede nyo nang iutos?
At dahil ayaw na ngang tumuloy ng pobreng probinsyana, iipitin ang passport at pagbabayarin kono sa training na nagastos. Super kapal.!
Anong turing nyo sa pobreng probinsyana alipin nyo na puede nyong ipagbili kung kanino nyo gusto.! Mga walang puso. Di ba kayo nakokonsensya ikinabubuhay nyo galing sa pobreng probinsyana na kapalit ay buhay?
Para sa mga Pilipinang gustong magtrabaho bilang DH sa ibang bansa. Huwag nyo munang ibibigay basta-basta ang inyong mga orihinal na papeles lalo na ang passport nyo. Icheck nyo muna sa POEA kung may Job Order sa ganong bansa at posisyon na inyong inaaplayan.
Kung DH lang din at mababa ang pasuweldo,kabayan kikitain mo yan dito sa Pilipinas.
Itanong mo sa sarili mo ano ba 'yong talento na meron ka at 'yon ang gamitin mo.
Problema ang puhunan 'yon ngang pagpunta mo sa ibang bansa nagawan mo ng paraan. Tiyak magagawan mo din yan ng paraan.Di lang pangingibang bansa ang solusyon ng pag-asenso.
Ang bagal talaga ng hustisya sa Pilipinas kaya naman ang daming mga "Illegal recruiter" na malalakas ang loob na manloko ng paulit-ulit lalo na dun sa mga walang kamuwang-muwang sa kanilang sistema.Kung pobre ang nagkasala derecho kulungan agad mabulok ka sa bilangguan!
Pag may kaya at maimpluwensya may proseso yan, Hanggang sa mabalewala ang kaso.
Kaya ba ang simbolo ng hustisya ay nakapiring? Nagbubulag-bulagan na lang? At ang timbangan para saan anong mas matimbang pera o pera?
Kabayan tamang kaalaman ang kailangan.Kung di naintindihan magtanong.
Sa panahon ngayon na sandamakmak ang katiwalian mag-ingat.
Ang ating tanging gabay ay nagsabi din bilang babala,
"Narito, sinusugo ko kayong katulad ng mga tupa sa gitna ng mga lobo. Kaya nga, magpakatalino kayong katulad ng mga ahas at maging maamong katulad ng mga kalapati." ~Mateo1:16-28
Gayunpaman naniniwala pa rin ako na may pag-asa kung ang pangingibawin ay ang pagmamalasakit sa kapwa hindi pera at pera. Sa huli madadala mo ba ang nakamal mong salapi?
Naniniwala ka ba sa karma? Kung hindi man "Kung anong ayaw mong gawin sayo huwag mong gawin sa iba. Sa takdang panahon lahat ng nagawa mo ay iyong pagbabayaran mabuti man o masama!

No comments:
Post a Comment
Thank you for your valuable comments.