Namimili ako ng magandang klase ng jeep bago sumakay. 'Yong mukhang bago,mabilis, makulay at maaliwalas sa mata. Subalit napukaw ang aking pansin sa tinig ng isang batang lalaki. Halos mamaos na sa kakasigaw. May kakaiba sa kaniyang tinig. Tinig na paos at nagmamakaawa. Di man bago at maaliwalas ang jeep na yaon sumakay ako dahil sa tinig ni Joaquin. Umupo ako malapit sa kaniyang kinaroroonan.Si Joaquin nakayapak walang tsinelas at habang nagtatawag ng pasahero, ang kanyang ama nama'y may inuusal na tila panghihinayang. Ang malinaw na aking naulinigan ay; "Nasira ang ating byahe sa araw na ito.." Di man ganon kadetalyado ang aking narinig, aking napagtanto kung bakit ganon ang tinig ni Joaquin. Nais nyang bumawi upang kahit man lang sa pag-uwi man lang nila ay mapuno ang kanilang jeep. Kaya ganoon sya kadeterminadong sumigaw at halos mag-makaawa sa mga pasahero na sila'y sumakay sa kanilang jeep. Subalit di sya nagtagumpay dahil kalahati lang ang laman ng kanilang lumang jeep. Marahil di ko na muling makikita si Joaquin. Subalit ang tinig niyang nagmamakaawa ang aking maaalala pag ako'y sasakay ng jeep.
Kaya naman sa munting halaga may nakakakita man o wala magbayad nang tama. Dahil ang iyong munting katapatan at barya ay malaking tulong sa tulad ng pamilya ni Joaquin na ang tanging ikinabubuhay ay ang pagpapasada ng jeep.
#journey
No comments:
Post a Comment
Thank you for your valuable comments.