Gusto kong kopyahin 'yon linya ni Ms Nora Aunor "My brother is not a Pig!" pero teka ngayon di lang sariling kapatid pero sariling Bansa natin ang nakasalalay. "Our Country is not a dump site! "Ang ating bansa ay di basurahan!." Mga Kababayan kung noon pilit tinatapon sa ibang bansa ang ating mga bayani ngayon kusang loob at karamihan halos Pilipino nais iwanan ang Pilipinas. Di mo man napapansin unti-unting pinapalayas ang mga Pilipino sa sarili nitong bayan. Kung may pagmamahal ka pang natitira sa ating bansang Pilipinas gagawa ka ng paraan ayon sa iyong kakayahan. Munti man at magaling makakatulong ka kaibigan. At sa mga taong sangkot sa pagkakanulo sa sarili nating bansa. Tao ka pa rin na isinilang at mamatay sa takdang panahon bakit mo nais kamtin ang yaman ng mundo at ipagpapalit di lang sarili mong dangal at kaluluwa kundi pati sarili mong bansa. Di mo man maintindihan ang aking lenguahe alam kung may puso ka pa rin bilang tao kaya nga't hangad ko at dalangin manauli ang iyong pusong mapagmahal.
Dahil pabaligtad magbasa ang Pinoy ano kaya baliktarin na lang natin sa halip na
"Huwag magtapon dito!" Magtapon dito ? ok ba 'yon pero gawin natin itong positibo alisin natin 'yong salitang hwag, don't & no gawin natin itong positibong pangungusap tulad ng sa halip na "Huwag magtapon ng basura dito" "No littering" gawin nating itong "Panatilihin natin ang kalinisan at kaayusan sa lugar na ito." mas magandang pakinggan hindi isang utos kundi isang responsibilidad na nakatakdang gampanan ng lahat mapabata o matanda.

No comments:
Post a Comment
Thank you for your valuable comments.