Monday, November 2, 2015

TRAVEL LIGHT



Life is full of surprises. Some may shock you, but some may delight you.
Whatever the consequences the most important you have to be ready.
Because we are all travelers on this world. When you stop journeying,
You stop to learn, you stop to grow and that's the beginning of death.
Yes many are afraid about this word and they don't want to speak about it but that's the reality of life. As we celebrate the Halloween; costumes of ghost,zombie, witch,super heroes, Disney land character and so on is in demand during those days. But the true meaning of Halloween is holy eve. But rather than focusing on the holy one we love the opposite. On the other side it sounds cool, that even we are afraid to die through this scary costumes we prepare ourselves that one day the king of death will come. Or we focus on the opposite because they said that if you are good and holy you will die first because as they said you finish your mission early rather than the evil one who need first to reach the purifying point here on earth before he'll die.

As we remember our departed relatives and love ones they are not perfect but when they are gone we focus on the good deeds they did to us. Like my grandma she is so tough when she's alive and in every mistake that I did she will shout at me but now that she's gone I remember how sweet she is when she kisses me saying oh my lovely "apo"(granddaughter). Her being hardworking,brave,and adorable Lola. I miss those times when I was still a child that she hugged me tightly and dearly kiss me. Even she had a high tone of voice when she's angry I love her sweet smile. A real person when she's mad she is mad and she will tell it to your face, so frank beyond that I adore her simplicity,tough but loving and caring.

Today as I organize and pack my things to my next destination, I have to remove the extra baggage  to make it lighter. I have to let go of my first dream book that I made a decade ago it is so precious to me because I creatively made it with my own hand. I am a keeper that's why its hard for me to let go. I made it with my fave old pants that was ready to dispose during those times aside from that this is  the expression of my unexpressed dreams, goals and inspiration. Now as I take picture with my first dream book I saw the glitters shine in the darkness like a star in the dim night. Farewell my first dream book yes I wrote it in a hard copy but as I let it go the soft copy was written on my heart and is ready to make it a reality so help me God.

Do you have extra baggage? Let it go. We will enjoy the journey on earth if we travel light.šŸ˜‡

Sunday, October 11, 2015

World Pandesal Day at 76 Year Old Artisanal Kamuning Bakery Cafe!

   




October 16, 2015 is being celebrated worldwide as "World Bread Day", but at Quezon City's first bakery Kamuning Bakery Cafe is celebrating it as the "World Pandesal Day"

     They plan to give away Free 30,000 pieces of pugon-baked pandesal to all people in their neighborhood and most especially to the urban poor communities of Quezon City.

     Their partner in this project and Guest of Honor at the Oct. 16 Friday 9 a.m. launching of "World Pandesal Day" is the lower tax advocate Senator Sonny Angara. Afterwards, Senator Angara shall be resource speaker at the "Pandesal Forum" breakfast with media, university professors and public school teachers.

     Another special guest is actor Dingdong Dantes of the National Youth Commission.

    On this same day, they shall also open the Kamuning Gallery, which shall showcase contemporary art such as paintings,photography, etc. Opening of photo exhibit by Chris Lucas.

     Why "World Pandesal Day"? The pandesal is the historic and unique national bread of the Philippines, it is bread eaten by the masses, middle-class and by all. The pandesal; is a basic necessity of the people, like rice. The humble pandesal bread represents the people's simple wish for liberation from hanger. Hot freshly pugon-baked pandesal also represents happiness.  :)

     History of Kamuning Bakery Cafe as a favorite of intellectuals: At Kamuning Bakery Cafe,pandesal,pandesuelo,pan de coco and cakes customers come from all walks of life from the late prewar media tycoon Don Alejandro Roces who facilitated sale of land in 1935 at 15 centavos per square meter from the national government to create this bakery, to his son the newspaper publisher and activist Joaquin "Chino" Roces, press freedom stalwart U.P. Dean Armando Malay, the late democracy stalwart President Cory C. Aquino, generations of artists like National Artists Nick Joaquin and Levi Celerio, showbiz celebrities, to a public school student who used to walk there to buy pugon-baked breads for merienda and now the first woman Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

     Kamuning Bakery Cafe was founded by the late Atty. Letecia Bonifacio Javier and her husband Marcelo Javier in 1939, and it was acquired and revived in December 2013 by it's "suki" or loyal customer, writer, college teacher and self-made real estate entrepreneur Wilson Lee Flores. The restored cafe was opened on March 20, 2015.

     Kamuning Bakery Cafe is not only Quezon City's first bakery and Metro Manila's original artisanal bakery known for upholding old baking and culinary traditions, its diverse clientele include political leaders, writers,artist,showbiz celebrities and many others.

     Tradition of affordable good foods,pugon-baked breads,cakes, artisanal coffee: Kamuning Bakery Cafe is located since 1939 at No. 43 Judge Jimenez Street corner K-1st Street, Kamuning, Quezon City. It is open up to 12 midnight daily, serving all day breakfast meals,pasta,rice dishes,sandwiches,cakes, Third Wave style or artisanal Benguet province coffee, native chocolate tablea brews,juices, etc.

     

Friday, September 25, 2015

FREE FISH SPA, FISH BE WITH YOU ALL!

Let every one you know enjoy a free fish spa any day, 3rd week of October (October 12-18)
All you have to do is print this coupon because (there is raffle also for those availing of the services) or just have a saved photo of it on your phones and present to the staff.



Monday toFriday 10AM-9PM
Saturdays and Sundays, 10 AM-2PM
It will be free fish spa . You can just avail of the other services if you want to. Fishda will give you gift cards upon your visit. After October 12-18, you can still continue using this code for 50% off on fish spa.
Invite your friends, two heads are better than one and the more the merrier.
Have a relaxing, stress free life with your friends and love ones.
Fish be with you all heart emoticon
ooTHER



Other services:

1.Pedicure

2.Manicure

3.Foot/Back Coffee Scrub

4.Foot Massage

5.Whole Body Massage




Friday, September 18, 2015

SALUDO PO AKO SA INYO!

Saludo ako sa mga kababayan natin na nagsusumikap para sa kanilang pamilya.
Subalit minsan ang mga tulad nila ay dinadaanan lang, binebalewala di pinapansin.


Si Nancy isang tagapagpanatili ng kaayusan at kalinisan sa Valle Verde Country Club.
Payak man ang gawaing kinalalagyan nya ginagawa nya ito ng buong husay at ng may ngiti sa kanyang mga labi.
Ang kanyang tungkulin ang isa sa pinakamahirap na gawain, 'yong maglinis sa loob ng "powder room" idagdag pa ang mga walang disiplinang gumagamit.


Si Ginoong Capon, isang tagapanatili ng katahimikan,kaayusan at seguridad sa Evekal Bldg, Makati.
Bagamat para sa iba ito'y delikado at nakababagot na tungkulin kay Ginoong Capon ginagawa nya ito ng buong giliw at may galak sa kanyang puso.


Saludo ako sa inyo Bb. Nancy at Ginoong Capon  mabuhay kayo ! Ang simpleng pagngiti natin sa kanila  ay isang paraan upang maipaabot natin ang pasasalamat sa simple at walang maliw nilang paglilingkod.


Monday, August 31, 2015

TARA LARO TAYO!

Gitnang kapanahunan ng magsimula ang larong chess.
At ito'y binago noong Ikalabingsiyam na siglo.
Ito ay laro para sa matatalas ang isip.
Dahil kailangan mong pag-isipan ang bawat hakbang na iyong gagawin.
Sa isang maling hakbang ito ang magiging dahilan ng iyong pagbagsak.
Ang chess ay isang laro, subalit ito'y talamak na ginagamit ng mga institusyon  na may herarkiya.
Kapag ang larong chess ay ginamit sa totoong buhay tulad ng pamamalakad sa isang institusyon,
Ang mga kawawang pobre ang uutusan muna upang maging pain. Iniingatan ang reyna at hari.
Ang tunay at mabuting pinuno ang syang nangunguna sa mga hakbang  upang magtagumpay ang kanyang nasasakupan hindi 'yon nangangalap ng mga pain upang sya'y protektahan at pagtakpan,
Ang ganitong uri ng pinuno ay takot sa sariling multo at nagtatago sa mahihinang pobre,
na pinangakoan ng ganito at ganireng gantimpala.
Sa pelikulang Hercules, ang pagiging pinuno nya ay simbolo ng katapangan. Na sa bawat digmaan bagamat may mga hukbong sandatahan bilang lider si Hercules ang nangunguna. Di man magsuot ng anumang simbolo ng korona o anuman ang kanyang pagkilos ng buong tapang na pamumuno at pangunana bago ang kanyang sandatahan ay isang tatak ng isang mabuti at matapang na pinuno.
Sa makabagong henerasyon ngayon gamit na gamit pa rin ang pag-aaply ng batas ng larong chess.
Ang batas ng mga institusyong may pinunong mahina at takot. Sa halip na ipagtanggol ang nasasakupan sya pa ang nauunang magkubli sa laban.
ang ganitong pamumuno ay di magtatagal, dahil upang magkaroroon ng tapang at lakas ang iyong nasasakupan dapat muna itong makita sa pinakalider ng institusyon. Ito'y pinapakita sa gawa hindi sa salita. Totoo man o hindi ang bawat paratang kailangan buong tapang na harapin ng mabuting pinuno.
Sa panahong tulad nito ang kapakumbabaan ng mabuting pinuno ang dapat mangibabaw kung nais manumbalik ang lakas ng kanyang puwersa.
Huwag mong pagtiwalaan ang sariling mong lakas at karunungan bagkus magtiwala sa Diyos at Ama natin na syang nakatatalos ng lahat at magbaba sa palalo ngunit magtataas sa mapagkumbaba.
Ang kapayapaan ay sumaating lahat.!




Friday, August 7, 2015

SALAMAT, SALAMAT ATE!

     Umuulan kaya naman ang mga batang nagkalat sa kalye ay nabawasan. Sa araw ding ito nakadaupang palad ko si Anthon. Isang batang kalye. "Ate padagdag naman ng pera ko pambili lang ng pagkain" nagmamakaawang sabi ni Anthon. At dahil kalat na ang batang tulad ni Anthon normal na lang 'yon na tanawin at minsan di na kapansin-pansin ang ganitong sitwasyon. Subalit ng araw na 'yon nais kong kumain kasama ang katulad ni Anthon na batang lansangan. "Di nga bibili ka ng pagkain baka mamaya solvent o rugby aang bilin mo?" Pagdududa ko at para makatiyak na makakain nga sya sinamahan ko syang kumain sa isang karinderya. "Oh hayan may pagkain na tayo, kumuha ka na ng kutsara para makakain", utos ko sa kaniya." "Ate baka itaboy po nila ko kasi pag pumupunta po ako  lagi po nila akong pinapaalis" tugon ni Anthon. Kaya't tumayo ako upang makakuha ng kutsara at bago kami kumain sinabihan ko sya ulit."Anthon magpray muna tayo bago kumain, simulan mo na." "Nahihiya ako ate" sagot ni Anthon. "Di ka nga nahihiyang manghingi eh mas nakakahiya 'yon kaysa sa pagdarasal." "Kaya mo yan huwag ka ng mahiya ako lang naman makakarinig" biro ko pa sa kanya. Ilang minutong nag-isip si Anthon "sige ate 'yon na lang pong natutunan ko sa bahay aruga" "Sige para makakain na tayo" "Bless us oh Lord in this thy gift that we are about to received from thy bounty through Christ our Lord Amen." bagamat utal at nagkakamali si Anthon sa pagbigkas ng panalangin dama ko ang kapakumbabaan at taus-pusong panalangin ni Anthon. Habang kumakain na kami tinanong ko sya bakit napunta sya sa bahay aruga at bakit pa sya umalis doon. Tugon naman nya kasi daw nahuli sya ng barangay dahil curfew na nasa kalye pa rin sya. Umalis daw sya kasi siksikan daw sila doon at di sya nakakain ng tama dahil tipid daw ang pagkain. Bagamat batang lansangan mababanaag ang malaanghel na mukha ni Anthon matangos ang ilong at may malaki at mapungay na mata. Sa unang tingin pilyo at sutil na bata pero pag nakilala mo isa syang matalinong bata na may malasakit sa pamilya. Sa murang edad na syam na taong gulang dapat sana'y nag-aaral sya sa at nasa ikaapat na baitang. Ayon pa sa kanya di na daw umuuwi ang nanay nya. At ang tatay naman nya ay may ibang pamilya at di sila tanggap dahil may kaya ang angkan nito. Ang kasama nila ng kanyang apat na taong gulang na kapatid ay ang kanyang lola na namamalimos din para sila'y makakain. Gusto daw mag-aral ni Anthon..... At sa aming paghihiwalay di mapatid ang kanyang pasasalamat. "Salamat,salamat ate." Nakakatuwang isipin na sa maliit na bagay na nagawa mo ramdam mo ang langit sa lupa sa pamamagitan ng taus-pusong pasasalamat ng batang lansangan na tulad ni Anthon. Marami ang tulad ni Anthon nagkalat sa lansangan ngunit karaniwang pinangingilagan, kinukutya,pinandidirihan subalit sa kabila nito ay isang anghel na nagtatago sa marungis na damit.

Sunday, May 3, 2015

MANNY PACQUIAO VS FLOYD MAYWEATHER

   


     May 03, 2015 Linggo ng umaga dito sa Pilipinas, bawat Pilipino ay nanabik na mapanood ang ating pambato at pambansang kamao. At bilang isa sa mga Pilipinong nais masuportahan ang ating pambato sa anumang paraan ako'y nakisali sa panonood sa"pay per view" sa aming barangay. Ang iba'y kilala ko lang sa mukha pero mas lamang ang di ko kilala pero ang mahalaga sa araw na ito matunghayan ko ang laban ng ating pambato walang iba kundi si Congressman Manny "Pacman" Pacquiao.
    Nag-umpisa na nga ang laban ng ating Pambasang Kamao vs Floyd Mayweather. Sa umpisa pa lang nalito na ko sa pag-aanounce ng pangalan dahil siempre alam natin na ang pangalan ng ating pambato ay Manny Pacquiao kaya naman ng tawagin din ang pangalan ni Manny Floyd Weather, dun pa lang may kalituhan na di kaya ito ang ginamit na pamantayan, dahil parehas na Manny ang ginamit na First Name sa parehas na mandirigma? Napansin kaya ito ng mga hurado,ng mga malalaking bituin na naroroon, or kahit ng mga pangkaraniwang tao o di kaya'y nanabik sa inaabangang sagupaan at di na napansin ang mga mumunting kaibahan, kalituhan at pagkakamali sa loob ng MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas. At dahil mumunting bagay lamang ang mga pagkakamali di na ito pinagtuunan ng pansin, kumpara sa naglalakihang bituin na naroroon napagtakpan ang mga mumunting pagkakamali.
     Nagsimula na ang laban na pinakahihintay ng buong mundo.Pagpasok pa lang ni Manny 'Pacman" Pacquiao maaliwalas ang aura may dramatic scene, mula sa pag-awit hanggang sa pag-apak sa arena, likas sa isang Pinoy ang puso ang ginagamit sa bawat laban at dama ito mula sa pag-awit ng ating Pambansang Awit hanggang sa pakikipagsagupaan ng ating pambansang kamao. Umpisa pa lang nagsisigawan na ang mga Pilipino sa bawat sulok ng mundo. Pag nasasaktan si Pacman tila bawat Pilipino'y nasasaktan. At pag sya'y nagwawagi bawat Pilipino'y nagbubunyi.
    Si Floyd Mayweather Jr. simple lang, pagpasok pa lang mahihinuha na sya ay may tiwala sa kanyang sarili, cool lang ang bawat kilos, swabe. Professional syang boksingero dahil ang bawat kilos nya ay may karampatang halaga at alam nyang magdemand dahil alam nya ang kanyang halaga. Marahil ang iba'y nayayabangan sa kanya subalit  sya ay may positibong persona at pananampalataya. Di pa man nangyayari inaangkin nya na at yan ang tunay na pananampalataya. Di man sya expressive sa kung anong pananampalataya meron sya pero ang angkinin ang isang bagay na di mo pa nakikita ay isang positibong katangian at simbolo ng pananampalataya.At ang nakakatuwa sa part ni Floyd Mayweather ay ang relasyon nya sa kanyang ama. Ang suporta ng isang magulang lalo na at iyong ama ay isa sa pinakamalaking suporta na matatanggap ng isang tao lalo na sa mga ganitong laban.
    Suma total di man nagwagi ang ating pambansang kamao sa laban na ito siya pa rin ang nag-iisang "People's Champ" ng bawat Pilipino. Sya ang makabagong David sa ating panahon, umpisa pa lang medyo dehado na ang ating pambato dahil una  mas mabigat si Mayweather at mas mataas. Isama pa ang "Powerhugs", jazz at patintero moves ni Mayweather. Pretty naman sya talaga sabi nga sinong magtitiwala sa sarili mo kundi ka magtitiwala sa sarili mong kakayahan at yon ang meron si Mayweather. Kumpara kay Pacman na lagi na lang mapagkumbaba.
    Ang laban ni Pacman ay laban ng bawat Pilipino, di mo man naiuwi ang gantimpala.Ikaw pa rin ang panalo sa puso ng bawat Pilipino. Mabuhay Ka Manny! Mabuhay ang bawat Pilipino.!



     

Sunday, February 1, 2015

ANG TINIG NI MAYA

    


      Noong unang panahon may isang diwatang nangangalaga ng kagubatan sa Luntiang Paraiso. Siya si Inang Maria, tulad lang  siya ng pangkaraniwang dilag. Ngunit kaiba sa pangkaraniwang binibini, siya ay nagtataglay ng maalun-alon, mahaba at luntiang buhok. Sa Luntiang Paraiso kung saan naninirahan si Inang Maria ay maraming punong kahoy na hitik sa bunga tulad ng mangga, kaimito, kasoy, duhat at iba pang uri ng punong namumunga. Bukod dito mayroon ding mga punong molave, narra, acacia, tangile at iba’t ibang uri ng bulaklak na natural na tumutubo sa paligid ng gubat. Matatagpuan rin dito ang iba’t ibang uring hayop at ibon, kabilang si Maya na nagtataglay  ng ginintuang tinig. Ang kanyang balahibo ay pinaghalong kulay luntian, bughaw at pula.Siya ang tagapagbalita kay Inang Maria kung anong nangyayari sa buong kagubatan ng LuntiangParaiso.

     Tuwing umaga umaawit ng napakalamyos na awitin si Maya. “Tweet, tweet, tweet ,La la♪♫ oh!  Kay ganda ng umaga♩♬Panibagong♪umagang puno ng pag-asa. ♪Halina’t magsaya.♪ “ Kaya naman ang lahat ng ibon ay nahahawa sa kasiglahan ni Maya. “Tweet! Tweet! Inang Maria, napakaganda ng buong Luntiang Paraiso. Sa aking paglipad ngayong umaga nasilayan ko ang bagong sibol na mga halaman at mga bulaklak, at ang mga punongkahoy ay hitik din sa bunga. Sa katunayan aking natikman ang bunga ng mansanas sa dakong kanluran. Dadalhin ko sana sa inyo subalit ito’y nahulog mula sa aking mga tuka.” Ngumiti ng napakatamis si Inang Maria sa tinuran ni Maya. “Sapat nang makita ang iyong makulay na pakpak at masiglang paglipad sa himpapawid.At ang ‘yong malamyos na tinig ay higit pa sa anumang handog.”  “Maraming salamat Inang Maria, hayaan po ninyo at tutulungan ko po kayong mapanatili ang kaayusan, kalinisan at kapayapaan ng buong Luntiang Paraiso.”  “Salamat din kung ganoon Maya. Humayo ka’t pagpalain ni Bathala sa iyong dakilang layunin.” Ganito ang pang karaniwang usapan ni Maya at ni Inang Maria.

     Umaga na naman ngunit di marinig ang masayang awit ni Maya. Sa halip narinig ang kanyang malungkot na tinig. “Tweet, tweet Inang Maria ipagpatawad ninyo po na ako’y di makaawit ng malamyos na awit.” ”Nawawala po ang aking mga inakay.”Di umimik si Inang Maria sabay sa pagkawala ng mga inakay ni Maya,ang pag-kaubos ng mga puno.Ang kanyang buhok na dating luntian ay unti-unting naging itim. Ang buhay ni Inang Maria at ng LuntiangParaiso ay mag-karugtong  kaya naman upang mapanatili ang natitirang puno ito’y ikinubli nya sa kanyang mahabang buhok. Subalit ang pagtatago nya sa natitirang buhay na nilalang sa LuntiangParaiso ay natuklasan ng mga mangangaso at mga nangangaingin. Di pa nakuntento sa pagputol ng mga puno at paghuli ng mga hayop; nagtayo pa sila ng bahay sa gitna ng Luntiang Paraiso .Ang dating tirahan nina Maya  at ng ibang hayop sa Luntiang Paraiso ay naging tirahan ng mga tao at nagmistulang kulungan ng ibat’ ibang ibon na ginawang palamuti sa tahanan ng mga tao.Pinipigil ni Inang Maria ang kanyang sarili na huwag lumuha subalit dala ng tinitimping galit di niya napigilan ang patuloy na pag-agos ng kanyang mga luha. Kung dati pag siya’y lumuluha nandyan ang mga ugat ng puno upang hawiin at ikubli ang kanyang mga luha subalit dahil ito’y unti-unti ng naubos ang kanyang luha’y nagmistulang lawa na umagos sa kapatagan hanggang sa magkaroon ng baha at sa bahang ‘yon lumutang ang buong bayan ng Luntiang Paraiso. Makikitang lumulutang ang mg patay na hayop, natumbang mga bahay at mga basurang nag-sulputan sa bawat kalye.
Habang si Maya nagmamasid sa mga pangyayari. “Matanda na nga si Inang Maria nalimutan niyang pag siya’y lumuha ng labis babaha sa buong Luntiang Paraiso.” “Limot na rin nya kung kelan siya puedeng lumuha. Ito’y tuwing panahon lang ng taniman ngunit ngayon, lumuha siya ng labis  at ng wala sa panahon. “Tweet , tweet Mahal na Bathala bigyan ninyo po ako ng karunungan at lakas upang maibalik ang kaayusan, kalinisan at kapayapaan ng buong Luntiang Paraiso. Upang muling masilayan ang mahaba at luntiang buhok ni Inang Maria at higit sa lahat ang matamis niyang ngiti.

     Sa kanyang muling paglipad nakita niyang tuyo na ang lupa at may mga batang masiglang naglalaro. Ang tinig ng Mahal na Bathala ay kanyang narinig. “Sila ang susi ng bagong Luntiang Paraiso,masisigla at malalakas. Gabayan mo silang mahalin at ibigin ang Inang Kalikasan.” Tinipon ni Maya ang kanyang natitirang lakas, Nilibot niya ang buong Luntiang Paraiso gamit ang kanyang tuka kumuha sya ng buto ng lahat ng uri ng puno at ito’y ikinalat nya sa buong nasasakupan ng Luntiang Paraiso.

     Sabay sa muling pag-sibol ng panibagong mga punla umusbong ang bagong pag-asa. May batang nakarinig sa impit at malungkot na tinig ni Maya at ito’y kanyang sinundan hanggang sa siya ay makarating sa Luntiang Paraiso. Siya si Kulit isang batang masigla at makulit  maraming mga tanong na di masagot. Sa pagsunod kay Maya kanya ring nakita si Inang Maria, nakatingin lang sa kanya si Inang Maria, subalit kahit di magsalita’y may kung anong hiwaga at ito’y nauunawaan ni Kulit. Kaya naman sa murang isipan natanim sa puso ni Kulit ang pangitaing ‘yon na lingid sa kaninuman. Ang lahat ay nagtataka sa ikinikilos ni Kulit dahil sa gulang na pitong taon ang hilig niya’y magtanim ng halaman. Subalit ang kanyang mga magulang na sina Mang Julian at Aling Juana ay lubos ang pasasalamat sa Maykapal na biniyayaan sila ng anak na tulad ni Kulit bata pa’y may angkin ng kahusayan sa pagtatanim at pagmamahal sa kalikasan.

     Sa tulong ni Kulit muling sumibol ang bagong pag-asa sa Luntiang Paraiso, kaya naman muling narinig ang masigla at masayang awit ni Maya. Muli ring nasilayan ang mahaba at luntiang buhok ni Inang Maria bilang gantimpala kay Maya  pinarami ni Inang Maria ang lahi ni Maya at pinakalat  sa bawat sulok ng Luntiang Paraiso.
Tuwing umaga ang kanyang tinig ay maririnig ng bawat batang tulad ni Kulit na may
pagmamahal sa kalikasan.
Narinig mo na ba ang tinig ni Maya?
Naunawaan mo ba ang nais nitong ipabatid sa iyo?



Saturday, January 17, 2015

Ang Mabuting Pastol at Pasaway na Tupa

    Sa isang luntian at masaganang Pastulan, ipinapastol ng Mabuting Pastol ang kanyang kawan. Ang kanyang kawan ay masaganang masagana sa sariwang damo kaya naman ang mga ito'y lumaking malulusog at matatalino. Makita pa lang nila ang Mabuting Pastol agad silang sumusunod. Ang bawat mensahe at simbolo na nais iparating nang Mabuting Pastol sa kanyang kawan ay nauunawaan ng mga ito at dagli silang tumatalima. Kaya naman labis-labis ang galak ng Mabuting Pastol at naipasya Niyang paramihin  ang kanyang kawan. Dumami nga ang Kanyang kawan at kailangan ng bagong Pastol kaya naman kumuha sya nang mga tauhan upang pamahalaan ang bagong kawan. Sa una'y naging mabuting Pastol ang kanyang tauhan. Subalit dahil ang Pastol ay isa lamang upahan, wala doon ang pagmamalasakit at pagmamahal sa mga tupa. Ginagawa lang nya ang tungkulin niya bilang isang upahang Pastol. Kaya naman ang kawan  ay unti-unting nabuwag. Ang iba ay sinila ng mababangis na hayop, ang iba naman ay naligaw, ang iba ay tila mailap na oso sa ilang.
     Isang araw binisita ng Mabuting Pastol ang Kanyang  tauhan, tila walang suliranin. Nagkatay ito ng patabaing guya, tuwang-tuwa sa pagdating ng Mabuting Pastol. Subalit ang katotohanan nito'y umaalingawngaw sa ilang. Sandali lang ang pagbisitang iyon nang Mabuting Pastol. Ang Kanyang ngiti'y  simbolo nang pag-asa, sapat na upang ang mga nanghihinang tupa ay muling lumakas. Subalit pagkatapos nang isang masidhing emosyon; galak at tuwa may nagbago ba? May naiwan bang bagong aral?
    Higit sa mga tupa ang tao ay nilikhang kawangis ng Manlilikha. May angking talino, puso at kakayahang makipag-usap sa iba't ibang pamamaraan at wika.Subalit ang kakayahan  na maging mabuting tagapamahala ay tila baga isang kaisipan nang isang tupa.Kung wala ang mabuting Pastol nanginginain sa ilang. Ang alam lang ay manginain at pagkatapos iiwan ang sariling dumi.Umaasa sa mga upahang tauhan upang linisin ang kanilang naiwang dumi. Ito ba ay gawain nang isang matalino at normal na tao? Mauunawaan ko pa kung ika'y isang paslit o kaya'y baliw na maituturing. Subalit hindi isa kang matalinong nilalang na walang disiplina sa sarili. Tapon dito tapon doon at pag bumaha ng basura, saka sisihin ang Maykapal. Ngunit ang tunay sariling kagagawan ang kanyang kapahamakan.
     Kaibigan ang simpleng pagtapon sa tamang basurahan ay isang kaaya-ayang gawain dahil ang kalinisan ay sunod sa katangian ng Manlilikha.
    Kalinisan sa isip, salita at sa gawa. Simple man at magaling aang iyong ginagawa ika'y pagpapalain sa takdang panahon.
    Ayon sa nasusulat; "Paano ka pamamahalain sa malaking bagay kung ang maliit na bagay ay di mo mapamahalaang mabuti?


Tuesday, January 13, 2015

TALK TO MY LAWYER

     "Talk to my Lawyer" these are the words that I usually hear to those people who used to frighten someone's capability to question their wrong doings or their misconduct. They know all the rules and law but they are the first one who disobey it. They know that they can afford to pay for a lawyer and the decision of the law is always on their side because they are rich, powerful and devil. Yes they are cloth as human but their ways are devil. They are ready to humiliate those people they think are useless because they are poor and uneducated. Most of their victims are young, innocent, and poor beggars. Yes these people are simple people who live within their means but these evil people treat these simple people as nobody but  a useless animals. They could make the innocent people as suspect and the real people who commit their own sin. But the truth they are the one who committed it. Yes this world is already manage by devil people. At first they are like a gentle sheep but the truth they are ready to judge and sentence other to death. These innocent victims of devil people just cry on their misfortune. Yes this world is full of evil people, but in the end the silent cry oft these innocent people will be heard by their good God. On this world it's not fair. You will become a saint if you're already dead, what's the use? But if you live and died as nobody,nobody knew you even you died as a saint. On this world the rule of money and power always prevail. It oppose the teaching in the bible if these devil people know you are godly. They used it for you you to not opposed them because they are the only one who have right to do evil. In the end may the good Lord of this innocent people hear their silent cry.