Sunday, May 3, 2015

MANNY PACQUIAO VS FLOYD MAYWEATHER

   


     May 03, 2015 Linggo ng umaga dito sa Pilipinas, bawat Pilipino ay nanabik na mapanood ang ating pambato at pambansang kamao. At bilang isa sa mga Pilipinong nais masuportahan ang ating pambato sa anumang paraan ako'y nakisali sa panonood sa"pay per view" sa aming barangay. Ang iba'y kilala ko lang sa mukha pero mas lamang ang di ko kilala pero ang mahalaga sa araw na ito matunghayan ko ang laban ng ating pambato walang iba kundi si Congressman Manny "Pacman" Pacquiao.
    Nag-umpisa na nga ang laban ng ating Pambasang Kamao vs Floyd Mayweather. Sa umpisa pa lang nalito na ko sa pag-aanounce ng pangalan dahil siempre alam natin na ang pangalan ng ating pambato ay Manny Pacquiao kaya naman ng tawagin din ang pangalan ni Manny Floyd Weather, dun pa lang may kalituhan na di kaya ito ang ginamit na pamantayan, dahil parehas na Manny ang ginamit na First Name sa parehas na mandirigma? Napansin kaya ito ng mga hurado,ng mga malalaking bituin na naroroon, or kahit ng mga pangkaraniwang tao o di kaya'y nanabik sa inaabangang sagupaan at di na napansin ang mga mumunting kaibahan, kalituhan at pagkakamali sa loob ng MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas. At dahil mumunting bagay lamang ang mga pagkakamali di na ito pinagtuunan ng pansin, kumpara sa naglalakihang bituin na naroroon napagtakpan ang mga mumunting pagkakamali.
     Nagsimula na ang laban na pinakahihintay ng buong mundo.Pagpasok pa lang ni Manny 'Pacman" Pacquiao maaliwalas ang aura may dramatic scene, mula sa pag-awit hanggang sa pag-apak sa arena, likas sa isang Pinoy ang puso ang ginagamit sa bawat laban at dama ito mula sa pag-awit ng ating Pambansang Awit hanggang sa pakikipagsagupaan ng ating pambansang kamao. Umpisa pa lang nagsisigawan na ang mga Pilipino sa bawat sulok ng mundo. Pag nasasaktan si Pacman tila bawat Pilipino'y nasasaktan. At pag sya'y nagwawagi bawat Pilipino'y nagbubunyi.
    Si Floyd Mayweather Jr. simple lang, pagpasok pa lang mahihinuha na sya ay may tiwala sa kanyang sarili, cool lang ang bawat kilos, swabe. Professional syang boksingero dahil ang bawat kilos nya ay may karampatang halaga at alam nyang magdemand dahil alam nya ang kanyang halaga. Marahil ang iba'y nayayabangan sa kanya subalit  sya ay may positibong persona at pananampalataya. Di pa man nangyayari inaangkin nya na at yan ang tunay na pananampalataya. Di man sya expressive sa kung anong pananampalataya meron sya pero ang angkinin ang isang bagay na di mo pa nakikita ay isang positibong katangian at simbolo ng pananampalataya.At ang nakakatuwa sa part ni Floyd Mayweather ay ang relasyon nya sa kanyang ama. Ang suporta ng isang magulang lalo na at iyong ama ay isa sa pinakamalaking suporta na matatanggap ng isang tao lalo na sa mga ganitong laban.
    Suma total di man nagwagi ang ating pambansang kamao sa laban na ito siya pa rin ang nag-iisang "People's Champ" ng bawat Pilipino. Sya ang makabagong David sa ating panahon, umpisa pa lang medyo dehado na ang ating pambato dahil una  mas mabigat si Mayweather at mas mataas. Isama pa ang "Powerhugs", jazz at patintero moves ni Mayweather. Pretty naman sya talaga sabi nga sinong magtitiwala sa sarili mo kundi ka magtitiwala sa sarili mong kakayahan at yon ang meron si Mayweather. Kumpara kay Pacman na lagi na lang mapagkumbaba.
    Ang laban ni Pacman ay laban ng bawat Pilipino, di mo man naiuwi ang gantimpala.Ikaw pa rin ang panalo sa puso ng bawat Pilipino. Mabuhay Ka Manny! Mabuhay ang bawat Pilipino.!



     

No comments:

Post a Comment

Thank you for your valuable comments.