Gitnang kapanahunan ng magsimula ang larong chess.
At ito'y binago noong Ikalabingsiyam na siglo.
Ito ay laro para sa matatalas ang isip.
Dahil kailangan mong pag-isipan ang bawat hakbang na iyong gagawin.
Sa isang maling hakbang ito ang magiging dahilan ng iyong pagbagsak.
Ang chess ay isang laro, subalit ito'y talamak na ginagamit ng mga institusyon na may herarkiya.
Kapag ang larong chess ay ginamit sa totoong buhay tulad ng pamamalakad sa isang institusyon,
Ang mga kawawang pobre ang uutusan muna upang maging pain. Iniingatan ang reyna at hari.
Ang tunay at mabuting pinuno ang syang nangunguna sa mga hakbang upang magtagumpay ang kanyang nasasakupan hindi 'yon nangangalap ng mga pain upang sya'y protektahan at pagtakpan,
Ang ganitong uri ng pinuno ay takot sa sariling multo at nagtatago sa mahihinang pobre,
na pinangakoan ng ganito at ganireng gantimpala.
Sa pelikulang Hercules, ang pagiging pinuno nya ay simbolo ng katapangan. Na sa bawat digmaan bagamat may mga hukbong sandatahan bilang lider si Hercules ang nangunguna. Di man magsuot ng anumang simbolo ng korona o anuman ang kanyang pagkilos ng buong tapang na pamumuno at pangunana bago ang kanyang sandatahan ay isang tatak ng isang mabuti at matapang na pinuno.
Sa makabagong henerasyon ngayon gamit na gamit pa rin ang pag-aaply ng batas ng larong chess.
Ang batas ng mga institusyong may pinunong mahina at takot. Sa halip na ipagtanggol ang nasasakupan sya pa ang nauunang magkubli sa laban.
ang ganitong pamumuno ay di magtatagal, dahil upang magkaroroon ng tapang at lakas ang iyong nasasakupan dapat muna itong makita sa pinakalider ng institusyon. Ito'y pinapakita sa gawa hindi sa salita. Totoo man o hindi ang bawat paratang kailangan buong tapang na harapin ng mabuting pinuno.
Sa panahong tulad nito ang kapakumbabaan ng mabuting pinuno ang dapat mangibabaw kung nais manumbalik ang lakas ng kanyang puwersa.
Huwag mong pagtiwalaan ang sariling mong lakas at karunungan bagkus magtiwala sa Diyos at Ama natin na syang nakatatalos ng lahat at magbaba sa palalo ngunit magtataas sa mapagkumbaba.
Ang kapayapaan ay sumaating lahat.!
No comments:
Post a Comment
Thank you for your valuable comments.