Napakagandang pagmasdan ng paligid dahil sa nagkikislapang ilaw samahan pa ng makukulay na disenyo.
Nawa'y ang tunay na simbolo ng mga ilaw sa kapaskuhan ay ating maunawaan.
Tulad ng pagsilang ng ating Emmanuel sundan natin ang liwanag ng mga tala na sinundan ng tatlong haring mago.
Maghandog din tayo ng mga kaloob. Iba't iba man ang ating regalo, talento, serbisyo kung ito'y may Pag-ibig ang ating paligid ay mapupuno ng ningning.
At sa huli magkaroon ng pag-kakaisa tungo sa kapayapaan at kaunlaran. Tulad ng mga ilaw na nagnining di nito matatanglawan ang buong kalawakan kung ang bituin ay nag-iisa kaya nga't ang mga bituin ay nag-sabog sa kalangitan at di mabilang. Di man mangusap, ang mga tala'y nagniningning dahil sila'y nagkakaisa na mag-bigay liwanag sa pusikit na dilim.
No comments:
Post a Comment
Thank you for your valuable comments.