Lahat ng bagay ay may nakatakdang panahon. May mga pagkakataon na kailangang manahimik. Subalit may panahon din na kailangang magsalita. Lahat ng bagay ay nangyayari ng may kabuluhan.
Ang lahat ng labis ay masama. Sobrang karangyaan, katalinuhan, lahat ay nasa iyo na. Ano pang mahihiling mo kaya nga ba't di ka na naniniwala na may Diyos na lumikha sa lahat ng bagay maging ikaw na tao ay nilikha din nya.
Napakatalino mo at siempre upang lalong maragdagan ang iyong kaalaman nagbabasa ka ng iba't ibang uri ng aklat. Ano pa't wala ng maililihim sa iyo. Maging ang kahulugan ng hilatsa ng mukha ng iyong kapwa ay alam mo na.
Sa sobrang talino mo gusto mo nang pantayan ang lumikha sa iyo at dumating pa sa punto na sarili mo na ang iyong sinasamba. Ang aklat, telebisyon, pahayagan, media at iba pang instrumento ng kaalaman ay malaking impluwensya sa kaisipan ng sangkatauhan.
Dahil na rin sa talino mo madali mong nakukuha ang mga bagay na sa iba ay mahirap maabot.
Dumating sa punto na tinalikuran ko ang aking pananampalataya, at di na naniniwala na may Diyos. Ang paniniwala ko ang aking tagumpay ay bunga ng aking pagsisikap. Dahil kung may Diyos di Niya ako hahayaang maghirap at malugmok sa kahihiyan.
Ganon pala ang pakiramdam ng walang Diyos buhay nga ang iyong pisikal na anyo ngunit ang iyong ispiritu'y nakahiwalay sa iyong katawan. Subalit kung kailan handa na akong mabuhay ng walang Diyos kundi ang sarili ko doon ko naramdaman ang walang kondisyong pagmamahal ng Diyos sa pamamagitan ng mga taong pinadala Niya sa akin. Mahirap ipaliwanag, at di maarok ang karunungan ng Maykapal.
Noong una si Kuya Boyet isang estranghero ay kusang lumapit sa akin at sa huli'y sya pang nag-alok ng tulong. Ha! isang estranghero na di ko kakilala at walang kaalam-alam sa kung anong nangyayari sa aking buhay at mag-aalok ng tulong? Paano nya nalaman na kailangan ko ng tulong. At sa huli naming pag-uusap may nag-sasabi daw sa kanya na kailangan ko ng tulong. Noong una sabi ko sa sarili ko "coincidence" lang 'yan.Sa ibang lugar ay nakilala ko naman si Ms Marixie nasa apatnapung taong gulang na Ginang di ko rin sya kakilala subalit sa una pa lang namin na pagtatagpo tila matagal na kaming magkakilala. Wala syang alam sa kung anong katauhan meron ako subalit tulad ni Kuya Boyet may nagtutulak at nangungusap sa kanyang puso na ako daw ay tulungan. At dahil pangalawa na medyo kinakabog na ko may Diyos nga, ngunit di pa ganun kasigurado. Pangatlo si Stephanie "first time" ko pa lang sya nakilala subalit tulad nila Ms Marixie at Kuya Boyet tinulungan din nya ako di naman ako humihingi ng tulong. May mga tao palang ganun samantalang 'yong mga inaasahan kong tao na tutulong sa akin at halos lumuhod na ko sa harapan nila pero wa epek pa rin. Pero heto mga estranghero sa iba't ibang lugar at sa iba't ibang oras ni hindi ako humihingi ng tulong ay syang nag-aalok ng tulong.
Kailangan pa bang umabot sa ganoong punto upang maniwala ka na may Diyos?
Tumingin ka sa kalangitan sino ang lumikha ng napakatayog na kalangitan, na may araw na nagbibigay ilaw sa buong maghapon at sa gabi'y nariyan ang buwan at mga bituin. Sinong lumikha ng kalaliman ng dagat na may mga iba't ibang uri ng isda. Sino isa bang "scientist", inventor o isang paham na nilikha? Lahat ay may rason at may pinanggalingan subalit sa paghahanap ng kasagutan kung saan nanggaling ang lahat babalik ka pa rin sa kasagutan na may mas Makapangyarihan na lumikha ng lahat.
Nais kung unawain ang mga taong di naniniwala na may Diyos bilang isa rin ako sa nakaranas noon. Subalit wagas na pag-ibig ang makapaghihilom ng sugatang puso.
Dahil ang Diyos ay pag-ibig at dahil sa kanyang pag-ibig na ito binigyan Niya tayo ng laya na magpasya ng ayon sa ating sariling kapasyahan. Subalit di ito rason na dahil malaya ka na gagawin mo na ang lahat ng gusto mo. Kaya ngat may mga batas na dapat tupdin. Kaya sana sa pag-gawa ng batas di lang puro utak ang dapat paganahin samahan mo ito ng puso.
Sige ka dahil sa sobra mong paggamit sa utak mapapagod yan at madali kang magkaroon ng "Alzheimer's disease".
Gamitin natin ang ating malinaw na mga mata, pandinig, at tamang wika upang lahat ay maging simple.
Maipatupad man o hindi ang isang batas nawa'y gawin natin ang tama at syang nararapat. Disiplina sa sarili ay kailangan.
Pakiusap sa mga magulang ingatan at mahalin nyo ang inyong mga anak na may tamang pagmamahal at disiplina. Hindi dahil mahal mo ang anak mo ibibigay mo na lahat ng gusto. Dahil pag binigay mo lahat ng gusto madali lang nyang makuha, di sya matutong tumanggap ng pagkabigo at malamang sa hindi mabaliw o magpakamatay sa unang dagok ng pagkabigo at kapighatiaan. Tamang disiplina lang ngunit huwag naman labis na kalupitan dahil 'yan ang magiging dahilan upang sya'y ,magrebelde. Sa huli tamang pagmamahal pa rin ang susi.
Kabataan huwag masyadong mapusok, isipin mo ang magiging bunga bago gawin ang isang bagay.
Kaya nga't kung sa tingin mo may mga bagay na kailangang ibahagi sa ikabubuti ng marami gawin mo ito ng ayon sa nararapat at may pag-ibig.
Kaya nga't kung sa tingin mo may mga bagay na kailangang ibahagi sa ikabubuti ng marami gawin mo ito ng ayon sa nararapat at may pag-ibig.
Kapayapaan, kaayusan, kasaganaan ay sumaating lahat.
No comments:
Post a Comment
Thank you for your valuable comments.