Nagsimula na si Maestro "ang ating paksa ngayon ay lumikha ng problema at gawing makatotohanan ang hindi totoo?" Tama ba aba mali yata 'yon dahil bata pa ko sinabihan na akong huwag magsinungaling pero eto sya tinuturuan ako ng salungat? Itutuloy ko pa ba? Sige na nga nadito na ako. Ayon naman pala eh, paksa palang problema na pero bilang manunulat hayaang________________ ang mga mambabasa. Ang saya ng buhay! Subalit paano kung ang problema ay iyong sariling mukha? Ano kayang magandang sagot dun? Ha! ang sakit sa ulo. Sa kaiisip? Hindi nauntog kasi ako sa bakal ng kuntador. "Ah! magpaliwanag ka sa Barangay." "Ako pa ang magpapaliwanag ako na nga ang nasaktan". "Kalabanin ba naman ang bakal." "Ano bang gusto mo away?" "Sabi ng di ko nakita" "Anong tawag dyan, bulag?" "Ah hindi malaking "K" "sige na panalo ka na matapos lang eto." "Meron pa akong lilinawin dahil kinalaban mo ang bakal sino ang mas matigas bakal o ulo mo?" "Matiim tiningnan ang kausap nagpupuyos ang galit sabay tayo . Ang dating malamlam na kulay ay naging kulay pula na nagbabadya ng digmaan sa gitna ng pusikit na dilim.
Tuesday, November 23, 2010
PAANONG ANG MAKULAY AY NAGING MASALIMUOT?
Linggo na naman, masigla akong gumising. Tunay na pag gusto mo at nanggaling sa kaibuturan ang iyong ginagawa ang lahat ng oras ay mahalaga. Maaga ako ngayon at siempre dahil hindi gahol sa oras hindi na ako nakipagpaligsahan pa sa mga sasakyan. Kayat damang dama ko ang kapayapaan, ang sarap ng pakiramdam. Ah! Ito ang "Still in the Bottle" isa sa titulong ipininta ng aking Propesor sa Sining. Sa bukana ng museum nanduon na naman si Maestro. Aba! totoo nga ang sabi niya "moody" ang mga manunulat. Pagkakita niya sa akin ang luwang ng ngiti at siya pa ang unang bumati sa akin. Mausisa siya, Ah! naghahanap ng bagong materyal. kung noong isang linggo tabako ang kanyang materyal ngayon naman ay tasa ng kape na nakalagay sa platitong kulay malaluntian terno sa damit niyang kulay lila. Wow! "harmony color" ang mga kulay na ito ang kulay ng kasaganaan na kasinghalaga ng US green dollar at 100 peso bill.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment
Thank you for your valuable comments.