Ako'y Pilipino at ikinagagalak ko na ako ay isang Pilipino sa isip sa salita at sa gawa.
Kaya't bilang isang Pilipinong Malaya na nakatira sa mutyang Pilipinas, maaga akong gumising upang makilahok sa pagpili ng karapat dapat na mamumuno sa ating bansa.
Subalit pagpasok pa lang nakita ko na ang mahabang pila sa isang presinto. Sabi ko "box office" talaga pag eleksyon pinipilahan kahit walang tiket. Pagdating sa nakatakdang Presinto PCOS machine sira.Mga balota nakalagay sa isang box na walang takip. Sa bidding nga sa bawat kumpanya selyado ang bid docs eh private company lang 'yon. Ito'y halalan ng mga mamumuno sa ating bansa at dito nakasalalay kung anong kahihinatnan ng ating bansang Pilipinas. Hindi lang isang kumpanya kundi buong Pilipinas at buong mamayang Pilipino ang nakasalalay dito.
Sa pagsusulit nga inihahanda ang lapis, ballpen at papel, dahil sinasabing ang edukasyon ang susi ng isang indibiduwal. Ito'y halalan at di lang isang indibiduwal ang nakasalalay kundi buong mamayang Pilipino.
Tulad ng pilit na ngiti ngumiti ka pa kung mapakla naman huwag ka na lang ngumiti. Nagbigay ka pa kong masama naman ang loob mo huwag na lang magbigay. Naglinis ka nga marumi din lang huwag na lang maglinis. Bomoto ka pa kung dinadaya ka rin lang huwag na lang bomoto. Ngayon naiintindihan ko na kung bakit may mga kaibigan at mamayang Pilipino na ayaw bomoto dahil wala rin lang daw mapapala. Ngayon nais kung sumang-ayon.
Nais kong parangalan ang bawat kandidato sa bawat posisyon dahil hindi biro ang kanilang nagastos sa mga ginamit sa pangangampanya manalo lang at makikita mo ang marubdod na pagnanais na maglingkod sa bayan. Subalit ang tunay na pinuno at tunay na nais maglingkod sa bayan ay di kinakailangang nasa puwesto bilang isang Presidente, Gobernador, Congressman, Mayor, Councilor dahil higit sa lahat kung tunay at bukal sa loob ang iyong paglilingkod maglilingkod ka kahit walang pangalan at walang nakakakita. Maniwala ka na higit kaninuman nakikita ng Maykapal ang kabutihan o kasamaan na iyong ginagawa at sa tamang panahon lahat ay iyong pagbabayaran.
Ano ngayon kung maging Presidente ka, di mo naman nagampanan ang iyong tungkulin madadala mo ba yan sa kabilang buhay? Tandaan mo dalawang bagay ang nakatakda at di mo mapipigilan kahit anong yaman mo. Ang pagsilang at pagkamatay. Kaya nga ba't ang iba ay nagsasabing kapantay nila ang Diyos at may karapatang kitlin ang buhay ng iba lalo na ang mga maliliit na walang kalaban-laban?
Kaibigan mag-isip ka, magbantay para sa kinabukasan ng ating bansang Pilipinas.
Nawa'y ang mga bagay na di napaparam ang ating pagsumakitan kaysa sa mga bagay na pansamatala lamang.
Sabi nga nang kanta "Tatanda at lilipas ka rin." Kaya huwag magmayabang na ngayon ay malakas ka at makapangyarihan dahil lahat ng yan ay lilipas.
Nawa'y ang tunay na pag-ibig sa bayan ang mamayani hindi ang makasariling interes!
Mabuhay ang mamayang Pilipino, Mabuhay ang bansang Pilipinas.
No comments:
Post a Comment
Thank you for your valuable comments.