"Ang kalusugan ay kayamanan" "Sa Panahon ngayon bawal magkasakit" ,ilan lamang ito sa mga kataga na dapat pakatandaan lalo na ng mga kababayan nating kapus-palad.
Lumiban ako sa trabaho dala ng pagkakasakit at siempre para may katibayan kailangan ko ng "medical certificate" galing sa isang doktor na ako nga ay nagkasakit at puede na ulit bumalik sa trabaho. Ang una kong pinuntahan ay sa Health Center sa munisipyo ngunit sabi ng aking napagtanungan dapat daw sa Barangay Health Center daw ako magrequest ng "Medical Certificate". Pagdating sa Barangay Health Center walang doktor bumalik na lang daw ako sa ibang araw at ibang oras o kung gusto ko daw puntahan ko sya sa isa pang barangay at dahil nasimulan ko na pumunta nga ako sa barangay na yaon. dumating ako ng ala-una sabi ng doktor alas dos pa daw magbubukas ang Barangay Health Center. Sa loob ng isang oras ng paghihintay dama ko na kapag libre at walang bayad ang serbisyo ay tipid na tipid at halos ayaw kang atupagin. Sa pagkakaalam ko may kaukulang bayad din ang mga health worker sa barangay subalit bakit di nagagawang maayos ang kanilang tungkulin. Huwag ka ng manungkulan kung ayaw mong maglingkod sa taumbayan. Pagkatapos ng isang oras hinarap ako ni Dr. Kulapo. "Anong kailangan mo?" "Medical Certificate " po sa isang sinabi ko sandamakmak na tanong at galit ang inabot ko kesyo bumalik daw ako sa barangay at kunin ang records.
Minsan sa halip na gumaling ka pag tulad ni Dr. Kulapo ang dokotr lalo kang magkakasakit dahil salita pa lang nya ay lason na tuturete sa iyong pandinig hanggang sa pumasok sa himaymay ng iyong isipan. Wala na akong sakit ng pumunta ako kay Dr. Kulapo subalit pagkatapos kung marinig ang mga salitang di makain ng hayop ay nanghina ako. Di bale na lang punta na lang ako sa pampublikong hospital. May cut-off dapat umaga pa lang nandun ka na. Kayat kinabukasan inagahan ko ang pagpunta, wala daw doktor. Dama ko di lang sakit sa katawan meron ang mamayang Pilipino. Una nandyan din ang sakit sa bulsa, pangalawa sakit na moral dahil pag alam na may sakit ka sa bulsa ooopppps....... maghintay ka hanggang sa ikaw ay maambunan ng awa. Ngayon alam ko na kung bakit 'yon iba ay pinipiling manatili na lang sa bahay kaysa pumunta sa ospital. Maliban na nga lang kung may pera ka at sa "five star na hospital ka pumunta. Kaya nga tinawag na ospital dahil aasikasohin ka pero pag wala kang pera sorry ka na lang.
Eleksyon na dapat isa ito sa mga pagtuunan ng pansin ng ating mga mahal na mambabatas. At kung sa munisipyo tuwing lunes ay lingguhang pagtitipon ganuun din dapat sa ospital upang maorient din ang mga heath workers lalo na sa pampublikong ospital at "heath centers."
Sa huli pumunta ako sa pribadong klinika maayos, malinis at nakangiti ang mga staff pagsalubong pa lang dahil sa magandang bati tyak na gagaling ka.
Sa puntong ito nais kong manawagan sa lahat ng nagtatrabaho sa mga pampublikong hospital at Barangay Health Center pakiusap mahalaga ang papel na ginagamapanan nyo di dahil maliit lang na distrito ang nasasakupan nyo ibaba nyo na ang level nyo sa pagseserbisyo. Kung di nyo na kaya sabihin sa kinauukulan upang matulungan o mapalitan kayo sa inyong puwesto kaysa naman nandyan kayo at naghihintay lang ng mahuhulog na butiki. Sa aming mga mahal na manggagamot nanunmpa kayo na gagamutin ang mga maysakit di lang ang mga may pera dapat po'y alalahanin ang inyong pinanumpaang tungkulin. Sa mga kababayan kong Pilipino ingatan at alagaan natin ang ating mga sarili upang di na umabot na mabaon pa sa utang dahil sa sakit.
At bilang Pilipino panatilihin natin ang kalinisan, ngiti at sigla sa ating buhay. Dahil sabi nga "laughter is the best medicine" and "Cleanliness is next to Godliness"
No comments:
Post a Comment
Thank you for your valuable comments.