Thursday, December 26, 2013
AGINALDO
Kahapon habang
namamahinga sa bahay may kumatok na mga bata at isa dun ang aking inaanak.
Nakakahiya man pero di talaga ako nakapaghanda ng regalo. Isang pagpapala ang magkaroon ng inaanak dahil isa silang paalala na tumatanda ka na :) Kung noon ikaw ang binibigyan ng aginaldo nang iyong mga ninong at ninang ngayon heto ikaw na ang nagbibigay. At bilang pangalawang ina ng 'yon mga inaanak di ito natatapos tuwing Pasko. Pagkakita ko kay Aizen natuwa ako kasi naman malaki na sya lumalakad na samantalang noong una ko syang makita kalong-kalong pa ng kanyang ina. At dahil di ko napaghandaan kung ano 'yong nakahanda yon na lang, sabay sabing "magpapakabait ka ha." Wala na ang mga bata sa aking harapan subalit isang mensahe ang aking natanggap. Ang aginaldo ng Maykapal na ibinigay, binibigay, at ibibigay nya sa iyo ay pinaghandaaan Nyang mabuti. Dahil sa sobrang paghahanda di mo agad nahuhulaan kung anong laman noon dahil ito'y nakabalot sa isang mahiwagang sorpresa, malalaman mo na lang pag binuksan mong ganap ang iyong puso't isipan. Ganon Niya pinaghahandaan ang bawat regalong binigay Niya sa iyo. Di lang ito nakalagay sa mamahaling kahon ngunit ito'y nakabalot sa mahiwagang misteryo. Minsan ito'y nababalot sa dilim, minsan nama'y ito'y nababalot ng maningning na ilaw. Maaaring di ka handa sa regalong 'yon subalit inihanda Niya ito para sa iyo at alam Niyang ito'y makakabuti para sa iyo.
Maligayang Pasko at Manigong Bagong Taon!

Sunday, November 17, 2013
KAYA NATIN YAN IKAW PA PILIPINO TAYO EH ! :) :) :)
Walang pagsubok na di malalampasan.
Ang mga mababangis na pagsubok na iyong nalampasan na ay nagpapatunay lamang na isa kang magiting na Pilipino.
Sisiw lang yan.
Manalig ka kapatid kaya natin yan isipin mo di ka nag-iisa.
Habang may buhay may pag-asa.
Kaya sama sama nating tahakin ang mundo ng pagbabago na may hatid na pag-asa.!
LIFE IS A JOURNEY
Life is a continuous journey the time you was born till the time you'll back to your creator.
The time you stop your journey, you won't grow anymore and life start to vanish.
Life is so massive that you can't explain all the meanings and symbols that you see, that is the mystery.
You can feel but you can't see, you don't know how started with just a glimpse and voila life exist.
In every journey there are beautiful sight you will discover and on that way to your final destination you will encounter strangers and on the middle of your journey their are turbulence like storm, that may hinder you to go on with your journey.

Tuesday, October 22, 2013
The Sky Above
Little dreamer turn to a tough dreamer.
Since I was young I was trained to rise after I failed,
and it nurtures me to rise above mediocrity :)
but every time I forgot that I'm still human being,
My soul separate from my mortal body.
Yes I am a living zombie physically alive but life didn't exist at all.
As I grow in wisdom I learn to appreciate what real life is,
I learn to be patient with myself,and to those people around me even to the most difficult person I've encounter.
And thanks God the moment I look at the good side of everything this difficult people and situation turn to be my greatest motivator.
When things seems shallow, I throw my self on green pasture and look above the sky.
What a refreshing sight to fonder!
The sky is clear without blemish, what more when I was totally there? :)
But today as I live a full life on earth I need to cherish every blessings together with my family and friends.
So help me God.
Dream high!
Live simple.
Share your blessings.
and this world will be a wonderful world to be. :)

Friday, October 11, 2013
Anong Lasa ng Sorbetes Tuwing Umuulan?
Payapa at maaliwalas ang masikip na daan tuwing madaling araw, subalit pagsapit ng ika-anim ng umaga nag-uumpisa ng maging abala ang payapang kalsada. Ang pagsisikip kaya ng kalsada'y dahilan ng kaunlaran at nagpapahiwatig na ang mga tao sa bansang Pilipinas ay hitik sa sasakyan?
Umulan man o umaraw ang daloy ng trapiko ay pangkaraniwang ng buhol-buhol lalo pa pag umuulan.
Tulad ngayon, dumalaw si Mang Santi na may dalang malakas na ulan at hangin kaya't bilang pagsalubong. Nagmartsa ang mga sasakyan na puno ng mga tao, at sa dami ng mga panauhin naubos ng masasakyan. Kaya naman bilang pakikisama ako may nakiparada at naglakad mula Hilaga hanggang Timog. Nais kung mangatwiran, ano ang dapat gawin upang masikip na trapiko ay maiwasan?. Marahil maganda siguro kung ibalik na lang ang dating Kalesa sabay hila ng kabayo. Wala pang pulosyon, subalit kung sa lungsod gagawin 'yon san kukuha ng sariwang damong ipapakain sa mga kabayo? Makakatulong din marahil na 'yon may mga malalaking sasakyan ay magkawang-gawa at pasakayin 'yon mga walang sasakyan o di kaya idesenyo na lang na pang-isahan hanggang dalawa ang mga sasakyan. Bawas sa espasyo ng kalsada. Pangkaraniwan na kasi ang pang dalawampung tao ang sasakyan pero ang nakasakay isang tao lang! O di kaya'y bigyan lang ng mga lisensya 'yong mga may garahe. Isa din kasi sa suliranin ay ang mga sasakyang walang garahe at sa kalye nakaparada kaya di pa man umaandar sanhi na ng masikip na daloy ng trapiko. Maliban na nga lang kung may magandang loob na pilantropo at magpagawa ng overpass sa ibabaw ng overpass at underpass sa ilalim ng underpass. Iniisip ko pa lang naaantala na ang daloy. Ang bisikleta ay mainam ring panghalili sa mga makabagong sasakyan. At ang pinakasimple magising ng maaga at maglakad patungo sa paroroonan :)
Dala ng pag-lalakbay ng aking nahihimlay na diwa di ko namalayang nakarating na pala ko sa Monumento ni Bonifacio at ang Kataas-taasang, Kagalang-galangan, Katipunan mga Anak ng Bayan ay bumungad sa aking paningin. At sa aking patuloy na paglalakbay, nakilala ko si Mamang Sorbetero patuloy na nagtitinda ng sorbetes sa gitna ng ulan. Pinagmasdan ko ang malamlam nyang mga mata subalit kahit malamlam patuloy pa rin ang kanyang positibong pananaw na umulan man o umaraw mauubos ang kanyang panindang sorbetes.Ano kaya at bigyan ko sya ng pera para sya'y umuwi na? Pero hindi sya pulubi, isa syang magiting na Pilipino, anak-pawis man ngunit may prinsipyo. Ang kumita sa malinis na paraan. Nais kung magalit sa katagang "dirty icecream" san ba nakuha ang katagang 'yon? Samantalang pati apa ng sorbetes ay may "tissue paper". Nawa'y maubos ang paninda ni "Mamang Sorbetero. At kahit iniiwasan ko ang malamig dahil nangingilo ang aking ngipin may kung anong nagtulak sa akin na bumili ng sorbetes ni Mamang Sorbetero. Ano kayang lasa ng sorbetes tuwing umuulan? , tanong ko sa sarili at para malasahan ating tikman.Bumili ako ng sorbetes ni Mamang Sorbetero, masigla nya akong pinagbilhan at may add ons pang "chocolate dip" subalit ako'y tumanggi. Habang ninamnam ang sorbetes, masarap naman pala, kahit umuulan, subalit malapit ng malusaw ang sorbetes. Habang papalayo kay Mamang Sorbetero muli ko syang tinanaw at ang malamlam na mga mata'y balisa. Di ko man sya lubusang kilala iisa lang ang alam ko, napakatyaga ni Mamang Sorbetero. Bubunuin ang gitna ng ulan makapagtinda lang ng sorbetes. Marahil kailangan nyang makalikom ng sapat na salapi para sa kanyang mga mahal sa buhay. Dahil kung iba 'yon uuwi na lang at magpapahinga sa bahay sino pang bibili ng sorbetes eh umuulan?
Saludo ako sayo Mamang Sorbetero. Isa kang Magiting na Pilipino! Dalangin nawa'y makamit ang iyong mga tahimik na panalangin at pangarap para sa iyong buong pamilya. Mabuhay ka Mamang Sorbertero. Hanggang sa muli.
Sunday, September 29, 2013
ARISE PHILIPPINES
Bangon Pilipinas! |
We are not just an ordinary citizen living on this island but we are one community with common goal and that is to have a great victorious and peaceful nation!
Yes we can! , instead of pulling each others down let us help each other to achieve significant goal that is good not only for your own sake but for the benefit of all mankind.
Always remember all things will passed but the goodwill that you made will leave big impact to the lives of your fellowmen, and will pass even to the next generation.
Yes you are mortal being because you have physical body that will end but also remember you are immortal being with a soul that will live forever. You are infinite being, so if you want to be contagious make sure it is the good one and not the other way around.
With love and prayer,
I salute you!
Mabuhay Philippines!
Mabuhay Filipinos!
I love Philippines!
Labels:
arise,
citizen,
congressman,
Councillor,
generation,
great model,
integrity,
intellect,
island,
leader,
love,
mayor,
moral aspect,
pdaf,
Philippines,
politician,
president,
senator,
vice mayor
Sunday, August 25, 2013
PAGBABAGO?
Gusto mong sumigaw?
Sino ang makakarinig sayo kung lahat ay sumisigaw?
Di lahat ng sumisigaw ay naririnig.
Nais mo ng kapayapaan?
Kumilos ka at tahakin ang daan patungo sa kapayapaan.
Ngunit kung kabaliktaran ang iyong ginagawa sa iyong ninanais makakamit mo ba ito?
Nais mong ilagay ang batas sa iyong mga kamay anong pinagkaiba mo sa kriminal?
Sa huli pantay pantay naman ang lahat isinilang kang walang anuman, aalis ka ring walang anuman. Nawa'y maging makabuluhan ang buhay na bigay ng Maykapal. Kung hindi anupat nabuhay ka?
Nais mo ng pagbabago?
May ginagawa ka na bang pagbabago sa buhay mo?
May panahon pa upang magbago tungo sa kabutihan.
Gawin na ito ngayon habang may oras pa.
Kung ikaw ay may karapatang magbago,
Siya man ay may karapatan din.
Huwag natin itong ipagkait.
Ang kapayapaan ay nagsisimula sa kaibuturan at puso ng bawat nilalang.
Gayundin ang digmaan ito'y nagsisimula sa galit na namamayani sa puso ng isang indibiduwal hanggang sa ito'y magkaugat at magkasanga. Kayat kung nais mong supilin ang kasamaan sa buong mundo, supilin mo muna ang iyong sarili kung napagtagumpayan mong supilin ang iyong sarili, handa ka na sa pagsupil sa mas malaking mundo.
Panalangin at hangad ang kapayaan ay manaig sa puso ng bawat isa.
Tuesday, August 20, 2013
PLANGGANA NI INANG
Sabay sa tilaok ng manok ang
pagbangon ni Inang, tuwing umaga. Ewan ko ba kung bakit awtomatiko siyang
gumigising, marahil ito ang kanyang “alarm clock”. Pagkatapos magrosaryo,
magkakape, bubuksan ang bintana ng aming munting dampa, ayon sa kanya’y upang pumasok ang biyaya. Magwawalis ng
bakuran habang hitit ang kanyang tabako. At pag napagod ako naman ang babalingan. “Aba mahal na prinsesa gumising na po kayo at
tanghali na! “ Sigaw niya, na animo’y ang kausap nasa kabilang barangay. Ang
ganda na sana
ng umaga, sariwa ang hangin,ang awitan ng mga pang umagang ibon sa punong
mangga ang maririnig. Pero heto, kung siya tilaok ng manok ang panggising ako
nama’y ang kanyang nakaririnding sermon.
Bungangera man si Inang siya pa rin ang itinuturing kong bayani ng aking
buhay. Sa edad na singkwenta wala pa ring humpay sa paglalabada. Masasabi kong
propesyonal siyang labandera, dahil pag binitiwan ang damit talagang malinis at
mabango. Dalawang beses sabunin, kula dito, kula doon, at pag natuyo’y animo’y
paring binabasbasan ang nakakulang
damit. Bulong ko sa sarili, “tingnan mo itong si Inang, ibibilad tapos babasain
ulit”.Pagkatapos ng tatlong beses na
banlaw, sunod ang hampas ng palo-palo upang matanggal ang katas ng sabon. Ang
huling proseso, eto na ang kabayo ni Gabriela, este kabayo ng plantsa. “Hmmm!
Ang bango sarap isuot”.
Naabutan
ko pa ang dating ilog na malinis sa aming likod bahay sa Nueva Ecija at tuwing naglalaba si Inang sa
ilog, sa batuhan kami nagpapatuyo ng damit. Naranasan ko pa ang manguha ng
tulya na madalas naming ulam, laking pasasalamat ko sa tuwing isinasama ako sa
bahay ni Donya Violeta. Aba’y nakakatikim ako ng ibang putahe tulad ng “fried
chicken” at lechon.
Giliw na
giliw sa akin si Donya Violeta, ang mayaman na suking nagpapalaba kay Inang. “Apo mo ba yan Maria kay nasirang Ana?” “Anong pangalan mo
Iha?” “Nena po”, sagot ko. “Nena, Iha
gusto mo dito ka na lang tumira pag-aaralin kita, at ibibili ng bagong damit at
sapatos.” Tumingin sa akin si Inang, mga titig na tila nagbabanta. Simula noon dina
ako isinasama ni Inang. Ang tanging kasa-kasama ko si Muning na aking
kasa-kasalo sa pagkain.
Sa Edad kong anim na taon laboy ako sa
kalye, di alam ang salitang kamatayan nandiyan na halos masagasaan ng sasakyan,
mahulog sa bangin at malunod pero balewala dahil masarap magliwaliw.Pag kami’y
nagutom nina Buchoy at Bitoy naglalambitin ako na tila unggoy makakuha lang
kahit bubot na bayabas. Minsan akala ko’y katapusan ko na dahil kung nagkataon
sa bangin ako babagsak na may mga batong matutulis. Wala kaming kapaguran,
kundi lang umulan hindi pa ako uuwi, at dahil marusing naisipan kong ituloy ang
paliligo sa ulan. Naabutan ko si Muning sa pinto kaya’t isinabay ko sya sa
paliligo di pa makuntento inilagay ko sya sa loob ng timba na puno ng tubig.
Tuwang tuwa ako sa sa kabila nang panginginig ni Muning.
Dala ng kapaguran nakatulog ako ng mahimbing, nagising na lang ako sa pagyugyog
ni Inang. “Nena, gising at tayo’y
lilipat tumataas na ang tubig.” Si Inang
dala ang isang bungkos ng damit na nakabalot sa kumot, ako nama’y si Muning na
kanina pa nanginginig. Kumapit ka Nena”.
“Susmaryosep!, kaylan kaya titigil ang ulan, magugunaw na yata ang
mundo”. Sabi ni Inang habang tinatahak namin ang kawayang nagdurugtong sa aming
bahay. Ayon kay Ka Ines ang mapaghatid balita naming kapitbahay na nagpakawala
ng tubig ang Pantabangan Dam , kaya lalomg lumalim minsan naman
mapapakinabangan din ang pagkakaroon ng
matabil na kapitbahay dahil nauuna pang magbalita sa dyaryo’t telebisyon.
Lulan ako ng planggana ni Inang na dating
damit ang laman ngayon ako at si Muning ang lulan nito. Habang binabaybay ang
daan papunta sa kabilang ibayo, pikit matang nanalangin si Inang. Nabagabag ako
sa mga oras na iyon.Naaalala ko ang laging habilin ni Inang. “Huwag mong
paliliguan ang ‘yong alagang pusa at uulan ng walang humpay. Ayaw kong aminin na nagaksaya ako ng tubig at pinaliguan si Muning,
tiyak papaluin niya ako ng malapad na patpat ng kawayan. Dahil sa katigasan ng
aking ulo ang daming nadamay. “Papa God patawarin ninyo po ako.” “ Matapos
lang ito magpapakabait na po ako” , tahimik kong panalangin. “Pasensya ka na
Muning ngayon nanginginig ka sa lamig, yayakapin na lang kita tulad ng pagyakap
ni Inang.” “Maglalaro pa tayo sa plaza di ba gusto mo don?” Nanginginig pa siya
kahit yakap ko na siya.
Kinaumagahan paggising ko wala na ang baha, tuyo na ang
lupa. “Yeheey! Makakagala ako ulit”, subalit
si muning nang Makita ko’y matigas na. Wala nang gigising sa akin pag
binabangungot ako, tulad noong isang gabi may malaking ahas na pumulupot daw sa
katawan ko di ako makasigaw, buti na lang andiyan si Muning, kinagat ang daliri
ng aking mga paa hanggang sa magising ako at higit sa lahat wala na kong kasalo
sa pagkain lalo na pag tuyo’t tinapa ang ulam. Wala na rin akong kakampi. Tuwing papaluin ako ni Inang
pag umiiyak na ako lalapit na sya sa akin at
nagpapakalong. “Mamimiss kita Muning, paalam”.
Pagkatapos ng baha si Inang dala ang kanyang planggana na aming sandigan
upang mabuhay. Isang kahig isang tuka
sapat lang na pangkain sa araw na iyon ang kanyang kita. Matanda na siya
subalit eto patuloy pa rin sa pakikibaka. Nakuba na’t lahat sa paglalaba di pa
rin nakaipon.
Nagkasakit si Inang at dahil sa walang pera sa bahay lang sya di ko alam
kung anong gagawin, pinupunasan ko sya tulad nang ginagawa niya sa kin pag
maysakit ako. “Oh!, Nena di ka pa pumapasok,” , usisa ni Ka Ines . “Maysakit po
kasi si Inang”, sagot ko , Nasa unang baitang ako noon alam ni Ka Ines na di ako lumiliban at maaga ring
pumapasok, alam nya ‘yon dahil di lingid sa kanya wala man kaming pagkain o baon
pasok pa rin ako. May katabilan
man siya’y mabait naman at may malasakit. “Sige na pumasok ka na at a
ako muna titingin sa Inang mo.’” “Salamat po Ka Ines” Bago pumasok pumunta muna ako sa likod bahay ,
nanguha ng bunga ng bayabas, hindi upang kainin kundi upang ibenta, kaylangan namin
ng pera, di nakakapaglabada si Inang. Salamat sa Diyos marami ngayong bunga
ang puno ng Bayabas. “Salamat kaibigang
bayabas. Paguwi galing eskwela bumili ako ng bigas nilugaw ko iyon nilagyan ng
luya at asin, “Ayos na ito” “Inang sandali na lang ito”, habang inihain ang
lugaw umuusok pa. “Inang kain na po.” Inang akala ko’y natutulog lang si Inang
pero nang hawakan ko ang kamay niya
malamig na at naninigas at hindi na sya humihinga. “Inang gumising ka ,
heto yong paborito mong lugaw ipinagluto kita, Inang marunong na akong maglaba
, hindi ka na maglalaba ako na, Inang gumising ka. Paano na ang mga pangarap
natin , inang gumising ka! Nang tumigil
ako’y paos na ako’t di makapagsalita.
Nagsidatingan ang mga kapitbahay upang
sumaklolo ngayon pa , kung wala ng buhay si Inang. Wala na akong pamilya . Ulila na akong lubos si Inay na namatay dahil sa pagsilang sa
akin, at ngayon ang kinagisnan kong magulang na nag-aruga at nagpalaki sa akin .
Katapusan na ng mundo para sa akin. Tulala akong pinagmamasdan ang plangganang
naiwan ni Inang at habang tanaw ito’y
nagbabalik ang kalbaryo ng baha na simula nang nadarama kong
kalungkutan.
Nagmagandang loob si Donya Violeta na kupkupin ako. Sa puntod ni Inang
nangako akong magpapakabait at tutuparin naudlot niyang pangarap. Pangarap na nagsimula sa Planggana ni Inang. “Inang
paalam ang isinakripisyo mong buhay ay may taglay na pangako. Tutuparin ang
ating mga pangarp.Mamahalin at susundin mga taong nag-aruga sa akin, at
magkakaroon tayo ng bahay na di aanurin ng baha.
Mabait
si Donya Violeta subalit ang kanyang anak, si Tiya Letty, itinuring akong
katulong pag wala si Donya Violeta , bago pumasok sa eskwela sa edad kung
sampung taong gulang pinalilinis ako ng kulungan at pinapakain ang kanyang mga
alagang baboy, at pagdating sa hapon isa akong labandera, kahit may mga
katulong na gagawa noon, ako pa rin ang inuutusan niya. “Hoy Nena huwag kang
maginarte, anong gagawin mo tutunganga, kaylangan mong matuto ng lahat ng
gawaing yan dahil mahirap ka lang kaya
huwag kang kukupad kupad” , bulyaw niya sabay talikod. “Pagpasensyahan mo na
yan alo ni Aling Vicky “maligo ka na at
pumasok.” Sa kabila ng lahat, nagtiyaga ako dahil sa pangako. Ang tanging
sandata ang pananampalatayang namana kay Inang, na syang sandigan nang aking kalakasan at pag-asa.
Ngayon
magtatapos na ako sa elementarya habang binabalikan ang mga nagdaan na
tila bangungot na sa bawat pagpikit ng
aking mga mata’y nakikita ang kadiliman. “Nena ikaw na” , kalabit ni Rhoda .
Leonora Mijares “Valedictorian” “Inang ito ang simula” , habang papalapit sa entablado upang tangapin ang medalyang
ginto “Para sa iyo” sabay tulo ng aking
mga luha. Dinig ko ang palakpakan ng mga
tao at ang kanilang bulungan “kawawang
bata” “matalinong bata” , at sa aking Valedictory Address” maikli lang at ang
kabuuan nito’y sundin, igalang at mahalin ang mga magulang habang nadarama pa
nila ito.
Napagtanto ko ng mga sandaling ‘yon,
makamit mo man ang tagumpay kung wala ka
namang pag-aalayan isa itong hungkag na pangarap.
Ang
tanging naiwan ni Inang ang kanyang plangana. Ngayon habang hinahaplos ito na animo’y kamay ni Inang. Ngayong hawak ko ito ang
halimuyak at hiwaga ng hanging humalik sa aking pisngi ay nagsasabing di ako
iniwan ni Inang.
Location:
Guimba, Philippines
Monday, August 19, 2013
2D & 3D DESIGN FLOOR PLAN, LAYOUT
2D Design Front View |
3D Design view 2 |
3D Design view3 |
3D Design Front View |
3D Design view 1 |
Need interior design for your office or house?
Estimate costing?
Kindly contact us and we will visit your office for the actual measurement for your specific requirements.
For more info kindly contact Julie at jew_soriano@yahoo.com.ph or contact us at 09168613585 and 09395378852.
Labels:
2d design,
3D design,
aircon ducting,
architectural design,
building,
construction,
electrician,
engineer,
floor plan,
home,
house,
interior design,
layout,
office furniture
Location:
Pasig City, Philippines
Sunday, August 18, 2013
Ogie Alcasid 25th Anniversary Concert
Dennis Trillo & Tom Rodriguez Main Cast of My Husband's Lover as Erik & Vincent Sang: One More Try |
Mr. Martin Nievera- The Concert King Sang "Ikaw and Aking Pangarap" |
Mr. Gary Valenciano- Mr Pure Energy Sang "Kung Mawawala Ka" |
25 I Write the Songs Mr. Ogie Alcasid with Daniel Padilla |
Ms Kuh Ledesma- Pop Diva Sang "Tayong Dalawa" |
At tama nga ang aking naging desisyon kahit di ko nasimulan pinarecap ko na lang kay Ayah ang mga naunang guest at kung anong nangyari since magaling naman syang magkuwento para ko na ring nakita ang mga namiss kong part.
Naabutan kung kumanta si Ms Pops Fernadez with her dazzling black silver dress and yes she is the "Concert Queen". Pero ang nakapagpasigaw sa lahat ay ng lumabas sa entablado sina Dennis Trillo and Tom Rodriguez aka Vincent & Erik at my Husband's Lover talaga naman with holding hands on the crowd they are indeed a great actor and performer.
Anne Curtis is also one of the guest like what Ogie Alcasid said in his introduction, concert will not be a success without her because all singers are focus on their songs and performance but Anne simply enjoy it no matter what tone of voice she has what matter is she make it, so casual yet entertaining she's so funny with those Kikay gestures.
I love the package, the guest, the set design and the theme of the concert. Aside from the big stars what I like most is when Ogie always told to his guest to make a bow after their master piece and it's a sign of humility that no matter how good they are their talent is came from above. And that's the message of 25 I Write The Songs because God is the writer of all songs. All aspect is in the concert. Its entertaining yet there are valuable things to cherish. I like that part when Ogie called his parents on stage and honor them that without his parents there is no Ogie Alcasid on this world. There is social awareness, World Vision is one of the beneficiary of his concert.
Ogie sang "Salamat" to the Sponsors,audience,producer, audience which he sang together with Maestro Ryan Cayabyab as he call him Mr. C.
Co Presentor are Smart Music, tv 5, my dsl home, Belo Group, Bench. Major Sponsor are Petron, Victoria Court. Minor Sponsors are M Lhuillier, Bonakid, Pacific Blue Shades, McDo, San Marino Corned Tuna, Cravings. Patron Sponsors are PCSO, Ryu Ramen & Curry, Wil's Events Place, Adstrat World, Lily's Peanut, Manila North Harbour Port Inc.
Salamat po!

Ms Anna Co Puno- Producer, Founder Star Media Entertainment with Ms Pops Fernandez "The Concert Queen" and Ms Jaya Ramsey "Soul Diva and "The Asia's Queen of Soul" |
World Vision- Beneficiary of Ogie Alcasid 25 I write the Songs |
Ms Zsa Zsa Padilla- Divine Diva Sang "Sa Kanya" |
Ms Regine Velasquez - Asia's Songbird Sang "Huwag Ka lang Mawawala" |
Labels:
Concert
Tuesday, August 6, 2013
What is Ramadan?
Eid'd Fitr |
Eid Mubarak |
Thursday, August 1, 2013
HOW TO SAY I LOVE YOU?
Communication is a two way process their is sender and receiver, their is speaking and listening, reading and writing.
Human being is said the highest form of animal because he can communicate in various forms and language. Relationship will restore if their is good communication. Be humble enough to listen and when its your time to speak, then speak. It's always give and take. Give your listening heart and you will receive listening heart also. Like the golden rule if you want to be heard listen first so when its your time to speak they will listen. If you want to be heard be sensitive enough that others want also to be heard. We can't hear each other because we want to shout all what we need to say. We forget the most important which is listening because when you truly listen you will understand what the other party want to say and what he really meant to say.
I speak to foreign language sometimes I couldn't understand their language because of the accent and other differences that's the time I used my heart to listen to what he really meant to say. I look at his eyes, the gestures of his hands, the movement of his body. Yes even though I couldn't understand his foreign language I understand the core of his heart and that's the time I'm ready to speak and say you captured my heart. But then it's a continuous process you have to asked questions, don't assume till you hear it from the bottom of his heart.
Take note be humble enough to admit your mistakes but its not enough just to admit it , repent and be the best new you.
Saturday, July 20, 2013
Heartist of Hope
Hapag ng Pag-ibig |
Hapag ng Pag-asa |
At present, one of the prioritites of Joey Velasco Foundation (JVF) is to give support to the Hapag Kids and their families as well as other families of Hapag Village in Amparo, Caloocan City. JVF will create livelihood projects for them,give training to enhance their skills and other activities for the value formation of the community. Also, the Foundation is closely monitoring the education of the children and their performances in school. Hopefully, the foundation could also provide for their other school requirements.
Secondly, JVF is already in its initial processing stages of the Museum Development Plan (i.e. Accession Catalog, Storage & Inventory), JVF wishes to have museum, "The Artesacra Center for Visual Arts Education" that will preserve and promote the life, work & advocacy of Joey Velasco, a Filipino visual artist who largely delves on religious art.
Any donation/pledge is deeply appreciated, and your support will help ensure that the Joey Velasco Foundation will continue to be able to provide our less fortunate brothers and sisters the care and support that they need to continue Joey's advocacy.
Labels:
Hapag ng pag-asa,
Hapag ng Pag-ibig,
Joey Velasco,
JVF
Tuesday, July 16, 2013
THE POWER OF FORGIVENESS
Most of us have been hurt a number of times in life by people who are careless, thoughtless or deliberately cruel. The hurt could be expressed in myriads form- a parent’s abuse, a friend’s disloyalty, a spouse’s infidelity, a relative’s acid tongue, or an acquaintance’s tactless words.
The hurt could last for a lifetime, especially if it cuts deep into our ego. The hurt remains an indelible stain on the fabric of our memory. But is it worth it to harbor a grudge in our heart for a pain we didn’t deserve? Psychologist point out that carrying a burden of hatred in our hearts does more harm than good. In fact, studies show that the root cause of physical ailments like high blood pressure, ulcer, migraine headaches, insomnia and other diseases is suppressed anger or unventilated ill-feelings.
Rage that is constrained or fueled for retaliation, or aiming to get even with the person who has hurt you can, cripple you emotionally. It can consume your energy and zap your high spirits in the midst of a sunny day. It’s like traversing the emotional spectrum from unfettered joy to the abyss of abject despair.
“The only way to heal the pain,” says Lewis Smeder in his book Forgive and Forget “is to forgive the person who has hurt you. Forgiving stop the virus of pain. It heals you. When you release the wrong doer from the wrong you cut a malignant tumor out of your life. You set a prisoner free. Only to discover later that the real prisoner is yourself.”
If the pain still hurts or assuaging it takes time, why not reflect on this food for thought:
Count your blessing instead of your crosses, Count your gains and not your losses, Count your joys instead of your woes, And count your friends not your foes, Count your best years instead of your lean, Count your good deeds and not your mean, Count your courage and not your fears, Count of your laughs instead of your wealth, Count on your health instead of your wealth Count on God and not on yourself.
How Shell Produce a Precious Gem Called Pearl?
Pearls are formed as a result of pain, after foreign or undesirable elements, like parasites or a grain of sand, find their way inside the oyster.
A lustrous substance called nacre is found inside the shell. When a grain of sand penetrates the shell, the nacre cells begin to work and cover the grain of sand with layers and more layers, to protect the helpless body of the oyster.
As a result, a beautiful pearl begins to form.
There is no way for an oyster that has never been wounded to produce pearls, because a pearl is a wound that has healed.
The same can happen with us.
Have you ever been hurt by someone’s harsh words?
Have you ever been accused of saying something that you never said?
Have your ideas been rejected or misunderstood?
Have you ever suffered because of prejudice?
Have you ever been treated with indifference?
So, produce a pearl!
Cover your sorrows with several layers of LOVE.
Unfortunately, very few are interested in showing this kind of effort. Most people just learn how to cultivate resentment and sorrow, leaving their wounds open and nourishing them with various types of emotions. And, therefore, not allowing them to heal.
What we often see are " Empty Oysters ", not because they have not been wounded, but because they were unable to forgive, understand and transform their pain into love.
In most cases a smile, a glance or a gesture is worth more than a thousand words!
Collaborated by: Gabriela Coimbra

Monday, June 24, 2013
MEN WHO MATTER
Mr. Cesar Purisima -Secretary of Finance- |
Mr. Carlos Celdran -Performance Artist- "Best thing about living in the Philippines is our often unappreciated freedom." |
Mr. Erik Cua -Entrepreneur- "When it comes to innovation, you do it constantly, you can never rest on innovating and thinking of newer better concepts, it's a constant work in progress." |
Mr. Bernie Liu -President CEO of Golden ABC- " We are all stewards in this life, and we are all given the opportunity to showcase our talents." |
Mr. Hideo Muraoka -Model- "When I left everything behind, I learned that life is constantly changing. Most people are afraid of change." |
Mr. Richard Yap -Actor- "It’s all worth it when you fight for the right person, for the right love." |
Mr. Cristino L. Naguiat Jr. -PAGCOR Chairman- |
Subscribe to:
Posts (Atom)