Kahapon habang
namamahinga sa bahay may kumatok na mga bata at isa dun ang aking inaanak.
Nakakahiya man pero
di talaga ako nakapaghanda ng regalo. Isang pagpapala ang magkaroon ng inaanak
dahil isa silang paalala na tumatanda ka na :) Kung noon ikaw ang binibigyan ng
aginaldo nang iyong mga ninong at ninang ngayon heto ikaw na ang nagbibigay. At
bilang pangalawang ina ng 'yon mga inaanak di ito natatapos tuwing Pasko.
Pagkakita ko kay Aizen natuwa ako kasi naman malaki na sya lumalakad na
samantalang noong una ko syang makita kalong-kalong pa ng kanyang ina. At dahil
di ko napaghandaan kung ano 'yong nakahanda yon na lang, sabay sabing
"magpapakabait ka ha." Wala na ang mga bata sa aking harapan subalit
isang mensahe ang aking natanggap. Ang aginaldo ng Maykapal na ibinigay,
binibigay, at ibibigay nya sa iyo ay pinaghandaaan Nyang mabuti. Dahil sa
sobrang paghahanda di mo agad nahuhulaan kung anong laman noon dahil ito'y
nakabalot sa isang mahiwagang sorpresa, malalaman mo na lang pag binuksan mong
ganap ang iyong puso't isipan. Ganon Niya pinaghahandaan ang bawat regalong
binigay Niya sa iyo. Di lang ito nakalagay sa mamahaling kahon ngunit ito'y
nakabalot sa mahiwagang misteryo. Minsan ito'y nababalot sa dilim, minsan
nama'y ito'y nababalot ng maningning na ilaw. Maaaring di ka handa sa regalong
'yon subalit inihanda Niya ito para sa iyo at alam Niyang ito'y makakabuti para
sa iyo.
Maligayang Pasko at Manigong Bagong Taon!
No comments:
Post a Comment
Thank you for your valuable comments.