Tuesday, December 21, 2010

THE YOUNG SOWER

Mainit ang sikat ng araw na nanunuot sa balat ng bawat tamaan nito. Ang lupa'y tigang, sa kabilang banda'y nandoon na ang batang manghahasik. Maaga pa lang nasa taniman na ang batang manghahasik at sumisigaw nang , "Gising mga kapwa manghahasik at tayo'y maghasik ng binhi." Nagising nga ang ibang manghahasik ngunit galit na galit sa Kanya. "Batang manghahasik, halika nga rito." "Nakikita mo ba ang punong iyan?" Nakita nga ng batang manghahasik ang itinuturo ng kapwa manghahasik ito'y isang matayog na puno ng igos,. "Opo ito'y isang matayog na puno ng igos." "Tama at sa tantiya mo baguhan pa lang kami sa mundo ng pagtatanim?" "Hindi po, dahil upang makapagpayabong ng gayong katayog na puno taon ang bubunuin." Kung ganoon batang manghahasik mauunawan mo ang aking sasabihin, matagal na kaming nagtatanim at naghahasik ng binhi ngunit walang napapala." Ngayon bilang nauna sa larangang ito, ngayon pa lang sinasabi ko sa iyo, tigilan mo na ang paghahasik, dahil tulad nami'y wala ka ring mapapala sa iyong ginagawa."; Nag isip ang batang manghahasik, "Tama ang aking kapwa manghahasik, bakit pa ako maghahasik, wala naman akong mapapala." Nanghina ang kalooban niya na ipagpatuloy ang nasimulan, kaya't namaalam na siya sa matandang manghahasik. "Tama po kayo, kung gayon maghahanap na lang po ako ng mas makabuluhang bagay kaysa sa paghahasik ng binhi." "Magaling kung ganon, dahil ang katulad mong isang bagito, hamak at walang halaga sa mundong ito ay walang karapatang umani ng bunga." Pinagtatawanan siya ng mga matatandang manghahasik. Sa daan palabas ng taniman, nakita niya ang isa pang manghahasik nakaupo sa pilapil. Nilapitan niya ito at umupo sa tabi nito. "Kaibigan, kumusta?" "Galing ako sa kabilang ibayo, kasama ng isang banyaga nais kong takasan ang mundo ng paghahasik." sagot ng manghahasik. "ngunit bigo pa rin ako, ayoko ng maghasik dahil bukod sa tigang ang lupa, kapag daka'y may baha at bagyo upang tangayin aking mga inihasik." "laging may kulang sa aking buhay ako'y pinanghihinaan na kaibigan upang magpatuloy." Ni isang salita'y walang masabi ang batang manghahasik ang tanging alam niya'y gutom ang kanyang kaibigan, kung kaya't inilabas ang baong tinapay at ibinahagi sa kapwa manghahasik. "Kaibigan kain tayo ito ang tinapay pagsaluhan natin." Napapangiti ang kaibigan sa pagkain ng tinapay. "Kaibigan napakasarap ng tinapay na ito "Tunay kaibigan dahil ang tinapay na ito ay buhat sa inaning bunga ng trigo na ang tanging puhunan ay dugo at pawis." sagot ng batang manghahasik. "Dahil sa tinapay na ito kaibigan ako'y nagkaroon ng lakas at pag- asa na magpatuloy sa pagtatanim." "Dahil may kilala ako na batang manghahasik, na nagpapatuloy sa kanyang nasimulan at nagtitiyaga hanggang magkaroon ng bunga ang kanyang inihasik upang maging kapakinabangan ng marami." "Salamat kaibigan, di ka nag iisa dahil magkasama tayo sa hamon ng buhay."

Nasisiyahan na naghiwalay ang magkaibigang manghahasik at sa paglalakad ng batang manghahasik kanyang naisasaloob "Di ko kaylangan magtanim ng binhi ng puno ng igos, maging matayog man ngunit walang bunga ." Mas nanaisin kong maghasik ng binhi ng trigo na sa kapanahunan at magbunga yumuyukod ito at nagsasabing "handa na ang aking bunga upang maging pagkain ng marami." Bilang nilikha tunay na ang halaga ng ating buhay ay hindi batay sa ating natamo ngunit ito'y nakasalig sa ating naibahagi.

No comments:

Post a Comment

Thank you for your valuable comments.