Katatapos lang ng "Araw ng Kalayaan at "Araw ng mga Ama" and yes finally here I am makakapagsulat na naman ako ng malaya yong walang batas na sinusunod basta feel free lang, do whatever you want genern.
Pinanabikan ko yong mga sandaling ito, yong kahit man lang sa blog na ito maachieve ang kalayaan na walang nasasaktan o naaapakan man, kundi ang maipahayag ang damdaming tunay na wagas at totoo.
Ngayong taong 2019 nauuso yong kanta na Dalaga at siempre dahil uso pati sa mga selfie at groupie pag sinabing dalagang Pilipina yeah hahawak sa tenga at maingat na aayusin ang buhok sabay dila. Ok cool naman pero di sa lahat ng oras, saka may binabagayan din, di porke uso makikiuso ka na rin kahit di naman kaaya-ayang pagmasdan. Saka ang totoong dalagang Pilipina pino kung kumilos, yong pati pagngiti nga ay ngiting kimi at elegante pa rin kakaiba sa pinapausong gesture na pinasikat ng popular na local artist sabi ko nga may binabagayan at ayos lang yon marahil kung nagpapatawa ka bilang komedyante. Pero kung di ka naman komedyante at di naman keri huwag na lang makiuso kahit maraming gumagawa. Bilang nakakaalam kung ano talaga ang tunay na dalagang Pilipina, ang dalagang Pilipina ay kagalang-galang hindi bastusin. Kung inaadopt natin ang modernong galaw sa makabagong panahon di mababago ang likas at tunay na Pilipina. Ang tunay na dalagang Pilipina, mayumi mang kumilos, may katapangang taglay at ito'y namana sa sali't saling lahi at ang katapangang ito ay nagagamit ng ayon sa akmang panahon at sa tamang lugar at pagkakataon. Kung mayroon man dapat maging modernong katangian ng isang Pilipina hindi ang kanyang pagiging mayumi kundi ang magkaroon ng lakas ng loob sa mga pagsubok at hamon ng buhay. Bilang ang babae ay di na lang natatali na pambahay lang kundi may abilidad na gamitin ang kanyang mga talento at maibahagi sa mas malawak na mundo di lang sa loob ng tahanan. Kung noon mga nakaraang siglo lalo na at may lahing banyaga tulad ng Intsik o mga Tsino mas nais nila na ang kanilang mga supling ay isang lalaki ang unang rason ang mga lalaki ang magdadala ng kanilang pangalan di tulad daw ng mga babae na pag nag-asawa na ay mawawala na ito. Di pa ako nabubuhay sa nakaraang siglo subalit naranasan ko ang unequal rights sa antas ng lalaki at babae. Dekada nobenta palihim akong kinausap ng aking tatang Medyong,lolo ko sa aking nanay sabi nya sa mahina ngunit may diin na salita "ang apo at anak ko lang ay ang mga anak kong lalaki." Ang sakit non sa mura kong edad tumanim ang galit sa aking Tatang Medyong kaya pala walang lambing katulad ni Inang Juana na pag nakikita na ako'y hahahalikan at yayapusin ako pero si Tatang "very cold" di ko naman hinihingi na yakapin nya ako at yapusin tulad ni Inang Juana pero yong mga salitang yon ay tarak na bumaon sa aking puso limang taon pa lang ako non tinandaan ko yon, si Tatang Igmedio ay galing sa lahing Intsik na iniwan ang Tsina noong Panahon ng "civil war" sa China mga ikalabingwalong siglo. Noong dumating ang angkan nila dito sa Pilipinas wala silang dala-dala kaya ang kanilang trabaho'y maglako ng iba't ibang produkto gamit lang ang paglalakad at kanilang tinig upang maglako tulad ng taho ganon. At ayon pa sa kuwento din ni tatang ang Nolasco na apelyido ay hindi ang orihinal na apelyido na kanyang angkan, ang tanda kung sabi ni Tatang para di sya magbayad ng buwis noon bumili sya ng apelyidong Pilipino at yon ay binayaran nga nya kaya ang kaniyang naging apelyido ay naging Nolasco. So mabalik tayo sa unequal rights na yan, nag-iisa kasing anak na babae ang nanay ko sa kanilang pitong magkakapatid at panganay pa. Kaya ganon na lang ang galit ni Tatang kasi maaga ding nag-asawa si Nanay at nawala agad ang pangalang binayaran nya marahil ng mahal nawala na agad tapos ako ito ang apo nya isa na namang babae na inaakala nyang maaga ding mag-aasawa at pag nag-asawa lalong burado na ang kanyang pangalan. Noong nasa tamang edad na ko disenueve na ko noon pinaalala ko yon kay Tatang, may galit sa aking tinig dahil simula ng sabihan nya ako non di na ko lumalapit sa kanya naging mailap ako sa kanya. At ito na nga nagulat sya ng pinaalala ko sa kanya ang mga katagang binitiwan nya noong ako'y limang taong gulang. " Di ba Tatang sabi nyo ang mga lalaki nyo lang na apo at anak ang inyong mga anak?" Sabi nya "naalala mo pa yon" tagal na non tapos tumawa sya ng pakak para mawala ang kahihiyan sa paalala kong yon, gusto kong sagutin nya kung bakit nya nasabi sakin yon, may nagawa ba akong kasalanan, o ang aking nanay na pati ako ay nadamay? Mabilis ang panahon sumakabilang buhay na si Tatang at ang tanong kung bakit ay di nya nasagot. Pilit kong ibinaon sa limot ang mga tanong na di masagot. Naalala ko rin na sinabihan din ako ng aking tatay noong anim na taong gulang ako na sana naging lalaki na lang daw ako ano bang mali sa pagiging babae? Di naman ako nagalit ng sabihin yon sa akin ni Tatay kasi alam kung may rason sya. Una bata pa lang ako mahilig na akong umakyat sa mga puno at matataas na lugar, yong kahit ilang ulit na kong nahulog at halos mandilim paningin at mahilo dahil sa pagkakalaglag akyat pa rin ako. Naaalala ko non sa probinsya uso yong tuwing hapong huntahan ng magkakapit bahay na mga maybahay at yong mga anak nila habang sila'y naghuhuntahan naglalaro naman eh bilang isa sa batang di alam ang salitang kamatayan, eh di ito na nga umakyat ako sa puno ng bayabas na may taas na 6ft at hulaan nyo siempre nahulog po ang inyong lingkod sa puno ng bayabas yong hilong hilo ka na tapos sigaw ng mga kalaro ko "nahulog si Kulit" so tigil ang huntahan nila at nafocus ang attention sa inyong lingkod. So ito na si nanay pasigaw at paiyak akong nilapitan, hoy Juliana gumising ka! Noong nakita na nagmulat na ko ng mata pinainom muna nya ako tapos kinuha ang tsinelas at pinalo ako sa puwet, di ko non maintindihan yon nalaglag ka na nga at halos mawalan ng ulirat pinalo pa ako ang alam ko pinarusahan ako dahil may ginawa akong mali, pero nageenjoy lang naman ako sa buhay ko bilang bata, tapos pagdating sa bahay di kuwento si nanay noong una sila ang nag-aaway na di daw ako binantayan kaya nalaglag pero sa huli may palo din akong natanggap kay tatay mabuti pa daw na paluin nya ako para magtanda kaysa mamatay ako sa di ko alam na ikakamatay ko, hay buhay bata naenjoy ko nga ba ang aking buhay bata? Naalala ko din pala tatlong taong gulang ako kinalbo ako ng tatay ko para daw kumapal ang manipis kung buhok kaya bata pa ako nabully na talaga ko ng mga kalaro ko tawag sakin ay lalaki, tomboy sa mura kong edad andun na ang antas ng kasarian at pisikal na anyo ng isang tao upang husgahan sya kung ano sya.
Nang lumuwas ako sa Maynila at nagtatatrabaho na kahit sa mga business meeting tapos ikaw lang yong babae ang atensyon ng usapan mafofocus sa iyo siempre bilang modernang Pilipina alam ko ang aking karapatan at kaya natuto akong magkaroon ng poker face yong patay malisya na lang basta di sila lumalampas sa hangganan. dahil din sa mga karanasang ito alam kong akoy ipinanganak at isinilang na babae di man ako tanggap ni Tatang bilang kanyang apo walang mali bilang babae ang tao lang ang naggegeneralized na ito ang standard at dapat sa isang kasarian. Kaya nga nagkaroon din ako ng rebellious side karamihan na mga lalaking nakakaharap ko may conflict sa akin, mas gusto ko pang kausapin ang mga bading kasi walang malisya, keri lang at nakakatawa sila "winner".,
Habang binabalikan ang mga ala-alang ito nauunawaan ko na ngayon kung bakit ganito ang kilos ko at pakikitungo sa opposite sex dahil ang pinakaugat ay pilit kong nirerewind sa aking isipan.
Ayon sa sulat ni lolo Pepe sa mga Kababaihan ng Malolos;
"Batay sa
kanya, ang mithiin ng mga kadalagahan ng Malolos para sa karunungan ay patunay
ng pagkamulat sa tunay na kahulugan ng kabanalan - kabanalang nakatuon sa
kabutihang-asal, malinis na kalooban at matuwid na pag-iisip. Binibigyang-diin
ni Rizal ang tungkulin ng kababaihan – bilang dalaga at asawa – sa pagbangon ng
kanilang dignidad at halaga sa lipunan. Kaugnay nito, inilalarawan niya ang
katangian ng kababaihan sa Europa at bilang halimbawa ay pinakita ang babaing
Sparta bilang huwaran ng pagiging mabuting ina. Ipinapayo ni Rizal na gamitin
ang halimbawang ito upang maitaguyod ang isang anak na marangal at magtatanggol
sa bayan. Bahagi rin ng liham ang pagpapaalala ni Rizal sa lahat na gamitin ang
isipang kaloob ng Diyos, upang matukoy ang katotohanan at hindi maging alipin
ninuman. gayundin ang pagiging mulat ukol sa tunay at huwad na relihiyon. Ang
payo ni Rizal ay "mulatin ang mata ñg anak sa pag-iiñgat at pagmamahal sa
puri, pag-ibig sa kapwa sa tinubuang bayan, at sa pagtupad ñg ukol. Uulit-uliting
matamisin ang mapuring kamatayan sa alipustang buhay".
Oh sya tapos na ang
aking litanya. muli ang inyong abang lingkod ang Gabriela Clara ng
Hilagang Luzon, mabuhay ang lahat ng makabagong dalagang Pilipina na naging
matapang sa hamon ng buhay!
No comments:
Post a Comment
Thank you for your valuable comments.