Thursday, August 3, 2017

KITA KITA by Tutubing Karayom

 


 "Saging lang ang may puso." ito ang umaalingawngaw sa aking isipan sa isang madilim at pusikit na pasilyo. Ang totoo nyan dahil sa pagsasalin sa English ng katagang ito with matching makabagbag damdamin and conviction aka Nora Aunor nanalo ako ng meal good for 2 kaso wala akong kasama kaya takeout na lang yon prize ko na whole chicken with java rice at Serye Restaurant Eastwood Libis Branch. Di ito na nga habang naglalakad sa Shaw Star Mall taong 2006 nauligan ang umpukang ng nagkakagulong tao at siempre bilang isang pusang gala nakiusyoso buhat sa maulang paglalakad sa labas at di nakabenta ng privilege card bunuin man ang init ng araw at buhos ng ulan. Kaya ito basang sisiw at pati sapatos ay nawasak dala ng paglalakad sa buhos ng ulan kaya sira ang mumurahing sapatos kahit dikitan ng bubble gum ayaw kumapit, kaya naman pagdating sa StarMall ng araw na yon nagwindow shopping ako at sakto naman may nakita akong itim na rubber shoes na abot kaya. Astig ang porma simple, komportable para akong laging nasa ring na makikipagboxing kasama ni Pacquiao. Marahil swerte ko ng araw na yon marahil nakadagdag ang rubber shoes na di pa natatanggal ang price tag sinuot ko na agad. At siempre kahit mahiyain ako ito na ang pagkakataon na magamit ko ang drama workshop na aking natutunan sa Unibersidad na aking nilisan dahil wala ng budget para sa project at wala na talagang pantustos kaya kailangang magtrabaho at tumulong sa pamilya. Ano ba ang mahalaga edukasyon o ang kumakalam na tiyan? Eh di ito na lahat ng kalahok mga slang, ako naman sakto lang na Pilipinong kayumangging kaligatan with a northern twang. Only bananas have the heart! Every day Every Night! (salin mula sa araw-araw gabi gabi at saging lang ang may puso with conviction aka Nora Aunor) At ang mananalo ay sa pinakaraming palakpak from audience impact. Akalain mo ang lakas pa la ng karisma ng isang northern twang na may suot na itim na sapatos with price tag. Kaloka nanalo po ang inyong lingkod. Bakit ko po ito naikuwento sa inyo wala lang gusto ko lang. Pero ang totoo nyan napulot ko yan sa huling pelikula na aking napanood ang "Kita-Kita". Marahil comedy in a sense na yon Japanese word na Ashiyu ay translated ni Empoy or Tonyo as "I see you" in tagalog "Kita-Kita".
     Kita-Kita is an Indie Film sa unang kita pa lang una dahil umiikot lang ito sa dalawang tauhan.Mabilis ang takbo ng pelikula dahil isang kabanata lang umiikot at iisang lugar lang  din na inuulit ulit. Simple man at ang importante magaan dalhin. Nakakatawa, Nakakaiyak at may lesson learned na "paying forward" kasi non time na taong grasa pa si Tonyo feeling hopeless binibigyan sya ng repolyo ni Leah upang lumakas at sumaya. Na nagkatotoo naman dahil buhat sa pagiging hopeless na halos nakatira na sa kalye,lasenggo at di naliligo Pumogi ng konti si Tonyo natutong maligo ng makilala si Leah. masasabing di pulido ang  cinematography kasi obviuos naman na pag pinicturan kung nasagip lang dapat ay blurred para makatotohanan pero hindi anyway pelikula nga lang. To sum it up Kudos Kina Allesandra de Rossi at Empoy bagay yon role nila sa isa't isa. Si Alessandra natural na natural yon pagiging mataray,sexy,kuwela at kering-keri sino man ang ka loveteam. Kay Empoy ang pogi mo Tonyo ikaw na. Simpleng komedyante. Kita-Kita po tayo suportahan natin ang Pelikulang Pinoy.
Hanggang sa muli ang inyong lingkod~Tutubing Karayom .

No comments:

Post a Comment

Thank you for your valuable comments.