Noong unang
panahon may isang diwatang nangangalaga ng kagubatan sa Luntiang Paraiso. Siya
si Inang Maria, tulad lang siya ng
pangkaraniwang dilag. Ngunit kaiba sa pangkaraniwang binibini, siya ay
nagtataglay ng maalun-alon, mahaba at luntiang buhok. Sa Luntiang Paraiso kung
saan naninirahan si Inang Maria ay maraming punong kahoy na hitik sa bunga
tulad ng mangga, kaimito, kasoy, duhat at iba pang uri ng punong namumunga.
Bukod dito mayroon ding mga punong molave, narra, acacia, tangile at iba’t
ibang uri ng bulaklak na natural na tumutubo sa paligid ng gubat. Matatagpuan
rin dito ang iba’t ibang uring hayop at ibon, kabilang si Maya na
nagtataglay ng ginintuang tinig. Ang
kanyang balahibo ay pinaghalong kulay luntian, bughaw at pula.Siya ang
tagapagbalita kay Inang Maria kung anong nangyayari sa buong kagubatan ng
LuntiangParaiso.
Tuwing umaga umaawit ng napakalamyos na awitin si Maya.
“Tweet, tweet, tweet ,La la♪♫ oh! Kay ganda ng umaga♩♬Panibagong♪umagang puno ng pag-asa. ♪Halina’t magsaya.♪ “ Kaya naman ang
lahat ng ibon ay nahahawa sa kasiglahan ni Maya. “Tweet! Tweet! Inang Maria,
napakaganda ng buong Luntiang Paraiso. Sa aking paglipad ngayong umaga nasilayan
ko ang bagong sibol na mga halaman at mga bulaklak, at ang mga punongkahoy ay
hitik din sa bunga. Sa katunayan aking natikman ang bunga ng mansanas sa dakong
kanluran. Dadalhin ko sana sa inyo subalit ito’y nahulog mula sa aking mga tuka.”
Ngumiti ng napakatamis si Inang Maria sa tinuran ni Maya. “Sapat nang makita ang
iyong makulay na pakpak at masiglang paglipad sa himpapawid.At ang ‘yong malamyos
na tinig ay higit pa sa anumang handog.”
“Maraming salamat Inang Maria, hayaan po ninyo at tutulungan ko po kayong
mapanatili ang kaayusan, kalinisan at kapayapaan ng buong Luntiang Paraiso.” “Salamat din kung ganoon Maya. Humayo ka’t pagpalain
ni Bathala sa iyong dakilang layunin.” Ganito ang pang karaniwang usapan ni
Maya at ni Inang Maria.
Umaga na naman ngunit di marinig ang masayang
awit ni Maya. Sa halip narinig ang kanyang malungkot na tinig. “Tweet, tweet
Inang Maria ipagpatawad ninyo po na ako’y di makaawit ng malamyos na awit.” ”Nawawala
po ang aking mga inakay.”Di umimik si Inang Maria sabay sa pagkawala ng mga inakay
ni Maya,ang pag-kaubos ng mga puno.Ang kanyang buhok na dating luntian ay
unti-unting naging itim. Ang buhay ni Inang Maria at ng LuntiangParaiso ay
mag-karugtong kaya naman upang mapanatili
ang natitirang puno ito’y ikinubli nya sa kanyang mahabang buhok. Subalit ang pagtatago
nya sa natitirang buhay na nilalang sa LuntiangParaiso ay natuklasan ng mga mangangaso
at mga nangangaingin. Di pa nakuntento sa pagputol ng mga puno at paghuli ng
mga hayop; nagtayo pa sila ng bahay sa gitna ng Luntiang Paraiso .Ang dating
tirahan nina Maya at ng ibang hayop sa Luntiang
Paraiso ay naging tirahan ng mga tao at nagmistulang kulungan ng ibat’ ibang ibon
na ginawang palamuti sa tahanan ng mga tao.Pinipigil ni Inang Maria ang kanyang
sarili na huwag lumuha subalit dala ng tinitimping galit di niya napigilan ang patuloy
na pag-agos ng kanyang mga luha. Kung dati pag siya’y lumuluha nandyan ang mga ugat
ng puno upang hawiin at ikubli ang kanyang mga luha subalit dahil ito’y unti-unti
ng naubos ang kanyang luha’y nagmistulang lawa na umagos sa kapatagan hanggang sa
magkaroon ng baha at sa bahang ‘yon lumutang ang buong bayan ng Luntiang Paraiso.
Makikitang lumulutang ang mg patay na hayop, natumbang mga bahay at mga basurang
nag-sulputan sa bawat kalye.
Habang si Maya nagmamasid sa mga pangyayari.
“Matanda na nga si Inang Maria nalimutan niyang pag siya’y lumuha ng labis babaha
sa buong Luntiang Paraiso.” “Limot na rin nya kung kelan siya puedeng lumuha.
Ito’y tuwing panahon lang ng taniman ngunit ngayon, lumuha siya ng labis at ng wala sa panahon. “Tweet , tweet Mahal na
Bathala bigyan ninyo po ako ng karunungan at lakas upang maibalik ang kaayusan,
kalinisan at kapayapaan ng buong Luntiang Paraiso. Upang muling masilayan ang mahaba
at luntiang buhok ni Inang Maria at higit sa lahat ang matamis niyang ngiti.
Sa kanyang muling paglipad nakita niyang
tuyo na ang lupa at may mga batang masiglang naglalaro. Ang tinig ng Mahal na Bathala
ay kanyang narinig. “Sila ang susi ng bagong Luntiang Paraiso,masisigla at
malalakas. Gabayan mo silang mahalin at ibigin ang Inang Kalikasan.” Tinipon ni
Maya ang kanyang natitirang lakas, Nilibot niya ang buong Luntiang Paraiso gamit
ang kanyang tuka kumuha sya ng buto ng lahat ng uri ng puno at ito’y ikinalat nya
sa buong nasasakupan ng Luntiang Paraiso.
Sabay sa muling pag-sibol ng panibagong mga
punla umusbong ang bagong pag-asa. May batang nakarinig sa impit at malungkot na
tinig ni Maya at ito’y kanyang sinundan hanggang sa siya ay makarating sa Luntiang
Paraiso. Siya si Kulit isang batang masigla at makulit maraming mga tanong na di masagot. Sa pagsunod
kay Maya kanya ring nakita si Inang Maria, nakatingin lang sa kanya si Inang
Maria, subalit kahit di magsalita’y may kung anong hiwaga at ito’y nauunawaan ni
Kulit. Kaya naman sa murang isipan natanim sa puso ni Kulit ang pangitaing ‘yon
na lingid sa kaninuman. Ang lahat ay nagtataka sa ikinikilos ni Kulit dahil sa gulang
na pitong taon ang hilig niya’y magtanim ng halaman. Subalit ang kanyang mga magulang
na sina Mang Julian at Aling Juana ay lubos ang pasasalamat sa Maykapal na biniyayaan
sila ng anak na tulad ni Kulit bata pa’y may angkin ng kahusayan sa pagtatanim
at pagmamahal sa kalikasan.
Sa tulong ni Kulit muling sumibol ang bagong
pag-asa sa Luntiang Paraiso, kaya naman muling narinig ang masigla at masayang awit
ni Maya. Muli ring nasilayan ang mahaba at luntiang buhok ni Inang Maria bilang
gantimpala kay Maya pinarami ni Inang
Maria ang lahi ni Maya at pinakalat sa
bawat sulok ng Luntiang Paraiso.
Tuwing umaga ang kanyang tinig ay
maririnig ng bawat batang tulad ni Kulit na may
pagmamahal sa kalikasan.
Narinig mo na ba ang tinig ni Maya?
Naunawaan mo ba ang nais nitong ipabatid
sa iyo?