Thursday, December 26, 2013

CANCER CARE


AGINALDO

Kahapon habang namamahinga sa bahay may kumatok na mga bata at isa dun ang aking inaanak.
Nakakahiya man pero di talaga ako nakapaghanda ng regalo. Isang pagpapala ang magkaroon ng inaanak dahil isa silang paalala na tumatanda ka na :) Kung noon ikaw ang binibigyan ng aginaldo nang iyong mga ninong at ninang ngayon heto ikaw na ang nagbibigay. At bilang pangalawang ina ng 'yon mga inaanak di  ito natatapos tuwing Pasko. Pagkakita ko kay Aizen natuwa ako kasi naman malaki na sya lumalakad na samantalang noong una ko syang makita kalong-kalong pa ng kanyang ina. At dahil di ko napaghandaan kung ano 'yong nakahanda yon na lang, sabay sabing "magpapakabait ka ha." Wala na ang mga bata sa aking harapan subalit isang mensahe ang aking natanggap. Ang aginaldo ng Maykapal na ibinigay, binibigay, at ibibigay nya sa iyo ay pinaghandaaan Nyang mabuti. Dahil sa sobrang paghahanda di mo agad nahuhulaan kung anong laman noon dahil ito'y nakabalot sa isang mahiwagang sorpresa, malalaman mo na lang pag binuksan mong ganap ang iyong puso't isipan. Ganon Niya pinaghahandaan ang bawat regalong binigay Niya sa iyo. Di lang ito nakalagay sa mamahaling kahon ngunit ito'y nakabalot sa mahiwagang misteryo. Minsan ito'y nababalot sa dilim, minsan nama'y ito'y nababalot ng maningning na ilaw. Maaaring di ka handa sa regalong 'yon subalit inihanda Niya ito para sa iyo at alam Niyang ito'y makakabuti para sa iyo. 
      Maligayang Pasko at Manigong Bagong Taon!