Senior 2: Ako may gayundin.
Senior 3: Talaga naman at ano ang sekreto ?
Senior 2: Huwag mong problemahin ang problema.
Senior 1: Tama, normal ang tao na may problema, magiging abnormal ka lang kung pakaiisipin ang problema.( Sabay tingin sakin. Talaga naman very transparent ba ang aking mukha o sadyang bihasa sa psychology sina lola.)
Tama nga naman sina lola at habang minamasdan ang kanilang masiyahing aura, mababakas ang mga senyales ng karunungan at di maitatagong putong ng korona, na ngayo'y namumula dahil sa tina. At ang normal na walang kulay, karamihan ay mga uban na gayunpaman bakas pa rin ang kagandahan nilang taglay. At ang pusong masiyahi'y di tumatanda.
Naaalala ko tuloy si Inang. Si Inang na puno ng katapangang namana kay Gabriela Silang at Tandang Sora. Ang yayat na kamay na nabanat sa hirap.
Minsan ang mga pangarap na nais para sa iba tila kayhirap abutin. Malalaman mo na lang na abot kamay na ang tagumpay, ngunit ang mga tao at ninunong ugat ng pangarap ay pumanaw na......Para sa iyo Lola Juana ang aking pinakamasipag at pinakamatapang na "Inang" ngunit sa kabila ng katapangan nandun pa rin ang lambing; Mabuhay ka ngayon, bukas at magpakailanman.!
No comments:
Post a Comment
Thank you for your valuable comments.