Matagal na rin akong di tumatakbo.:)
Sampung taon na buhat ng huli kong totohanang pagtakbo.
Mahaba-haba na rin pala ang pagtakbo at paglakad na aking tinahak idagdag pa ang pagtakbo sa mga masasalimuot na landas bukod sa oval. :)
Kasabay ng pagdilim ng kalangitan, sabay din na nagdilim ang aking paningin at anumang oras ako'y babagsak. Subalit inunahan akong bumagsak ng ulan sa kalangitan. Namahinga sandali hanggang sa manauli ang lakas.
Sa takbo na 'yon kahapon aking napagtanto na di lahat ng nauuna ay nagwawagi.
Kundi 'yon may determinasyon, disiplina at paghahanda ang syang tunay na panalo.
Tulad ng ating paglalakbay sa mundong ibabaw maraming hadlang.
Maaaring manghina ka sa kalagitnaan ngunit di 'yon dahilan upang huminto ka.
Mas makabuluhan pala ang pagtakbo kung ito'y iniaalay mo sa iyong mga mahal sa buhay at kaibigan.
Pagdating sa "finish line" may kakaibang ligaya.
Di man nagkamit ng anumang gantimpla;
Ang takbong 'yon ay simbolo ng tagumpay na lupigin ang sariling kahinaan.
Kaya kaibigan sama-sama tayong magpatuloy sa laban ng buhay.
Cry out nga ng Milo "Kaya Mo Yan!"

No comments:
Post a Comment
Thank you for your valuable comments.