Friday, July 13, 2012

Willing to Wait

     "One hot and spicy thigh part please."  "Ma'am available lang po wing parts original flavor. But we can put your order by 12 minutes that is if you are willing to wait ?"  "Hot & spicy willing to wait for 12 minutes."
     Sa paghihintay ng makakatuwang at makakasama habang buhay, yan din ang dapat itanong. "Willing to wait" ka ba kung ano talaga ang gusto mo o kahit di mo gusto dahil 'yon yong "available" 'yon na lang.
     Nakakaapekto talaga ang modernong sibilisayon na kung saan lahat ay "instant" sa pagkain man, komunikasyon at relasyon. Kayat hindi uso ang salitang paghihintay, dahil lahat ay pinapadali sa modernong panahon.
     Kailangan nating balikan ang simula ng paglikha. Mula sa aklat ng Genesis. Makapangyarihan ang Panginoon at lahat ay kayang Niyang likhain sa isang iglap lamang. Ngunit bakit nilikha nya ang lahat sa loob ng anim na araw at sa ikapitong araw sya'y namahinga.?  Sa unang araw nilikha nya ang langit at lupa at liwanag na tatanglaw sa karimlan at pagkatapos noon lumipas ang gabi at araw. (medyo mahaba-haba pakibasa na lang po ang Genesis 1-3:23. :)
     Patunay lamang ito  na ginawa Niya ito upang gawin nating ehemplo na hindi lahat ay makukuha natin sa isang iglap lamang. Lahat ay may nakatakdang oras. Ang kalikasan din man marinig ang tinig, sa kanilang kilos at anyo, tuturuan ka niya kung paano maghintay.
     Magsimula tayo sa kalawakan. Sa pagsikat ng araw nagsisimula sa kailaliman ng bundok na wari'y nakabaon sa kalaliman. Sa tanghaling tapat nasa ituktok ng kalawakan at sa paglubog ng haring araw ito'y unti-unting nagkukubli sa kalaliman ng dagat. At pag gabi  masdan ang buwan may first quarter, 2nd quarter at full moon.
     Maging ang sisiw ay nagsisimula sa itlog at dalawampu't isang araw bago maging ganap at mapisa sa itlog.
     Ang bawat bungang-kahoy ay nagsisimula mula sa bulaklak bago maging ganap na bunga.
     Ikaw, oo ikaw nga masdan mo ang iyong kabuuan. Siyam na buwan kang nanatili sa sinapupunan ng iyong mahal na ina. At pagkatapos ng siyam na buwan ika'y isinilang. Naging sanggol, bata,  at ngayon malaki ka na. At sa iyong paglaki nagmamadali ka na lahat ay gusto mong gawin sa isang iglap lang.
     Kaibigan ipikit mo ang iyong mga mata, damhin mo ang tibok ng iyong puso, ang iyong paghinga.
     Lahat ay may ritmo ang hakbang ng iyong mga paa ay salitan di puedeng pagsabayin.
     Ngayon magpunta tayo sa usaping pag-ibig. Ano kaya a ng tunay na pag-ibig.Ang salitang pag-ibig ay isang pagkilos at kaakibat  nito ang responsibilidad sa lahat ng aspeto di lang ito isang emosyon. Manapa'y ito'y nagsisimula sa panahong wala na ang paghanga o "infatuation". Ang lahat ay kumukupas, dahil pag lumipas na ang paghanga, tulad nito'y isang bulaklak unti-unting nalalagas ang bawat talulot nito. Masakit subalit kapalit ng pagtitiis ay isang bunga na lahat ay makikinabang at mababahaginan.
    Ang tunay na pag-ibig ay nagbibigay di itinatago kundi ibinabahagi.
    Upang maging matamis ang bunga  kailangang hintayin itong mahinog sa tamang panahon. Dahil ang hinog sa pilit ay mapakla. Ang bunga ng pag-ibig na pinanday ng panahon ay matamis at handa muling mamunga at magkaroon ng matamis na bunga.

http://www.kfc.com.ph/

No comments:

Post a Comment

Thank you for your valuable comments.