Saturday, June 16, 2012

FOOD TRIP ?

     Nakababagot kung yon at yon na lang ginagawa mo. Kaya naman paminsan-minsan baguhin mo naman ang style mo, ang nakagawiaan at madalas mong gawin at tambayan. At dahil Biyernes kelangan naman mag relax.
     Si Ayah isa sa mg mga maituturing kong taong madaling kaibiganin dahil una palang close na kami as in. Sa madaling sabi nagkayayaan kaming lumabas at tuklasin ang mga bagay na di pa natutuklasan. Malay mo tulad ni Magellan makadiscover kami ng isang isla :).
     Sa aming paglalakad nalampasan namin ang iba't ibang establishments sa kahabaan ng Tomas Morato. With the matching rain shower and thunder storms pero hindi naging balakid 'yon upang di kami mag enjoy. Hanggang sa magkayayaang kumain. "San Tayo sa Mc Do o Jollibee  tanong ni Ayah? "  "Lakad pa tayo try naman natin 'yon iba kasi medyo tapos na tayo sa ganun level :)" May ganun! . Hanggang sa makarating kami sa Johny Rockets. "Bakit walang tao?" "Siguro di sya kilala" "Baka di masarap" " Naku try na lang natin para mawala ang mga haka-hakang yan na siguro at baka."
     Pagpasok namin  binati kami ng isang cutify na  crew "good evening Ma'am "  mukha ngang naligaw kami kasi bumalik kami sa 1960's pix of the century. Pati mga jukebox na ngayon ay video-oke na ay aming naexperience in  a while. "Order na tayo"  tingin sa menu. wow watta price!
    Ano kayang meron dito na wala sa iba pare-parehas namang restaurant & food chain.
    Una ang serbisyo sa medyo class na establisment kung ituring ka parang prinsesa.
    Pangalawa malinis at komportable ang kapaligiran.
    Pangatlo may mga add ons, katulad ng musika at sayaw ?
    Pang-apat secured ka.
    Panglima feeling social
    Pang-anim puede kayong mag-usap ng kameeting  mo with confediantiality dahil hindi siksikan.
    Pang pito puede kang humiga  sa malawak na espasyo.
    Pangwalo tinatanong ka talaga kung anong gusto mo at saan ka komportable with matching genuine smile.
    Pangsyam sulit talaga dahil kalidad ang pagkain at masarap.
    Pangsampu puede mo nang itago ang tissue paper at isama sa 'yong portfolio at diary na once in a while pumasok ka at kumain sa ganito kamahal na restaurant na ang presyo ay triple sa nakagawiang kainan.
    Marami pang pag-kakaiba at puno nang intriga at katatawanan  ang aming natuklasan ni Ayah. 
    Ang mahalaga may kasama kang kaibigan na kahit anong mangyari, tatawa at mageenjoy ka ng bongga kahit simple lang at payak ang buhay.

No comments:

Post a Comment

Thank you for your valuable comments.