Thursday, March 30, 2017

HAVE FUN ON FIRST FRIDAY :)

     Friday is a fun day! Want to be happy, then play with the simple, innocent children.
Its always fun to be with the children. Simple life yet happy.They smile on simple things.

Wednesday, March 29, 2017

Kelan Magiging TAYO?

Sila-sila,kayo-kayo,kami-kami kelan ba magiging tayo?
Nakakalungkot isipin na isa sa mga kalakasan ng pagiging Pilipino ay ang bayanihan ay sya ring nagiging kahinaan dahil nagkakaroon ng bayanihan sa panahon na puno ng kontrobersya at drama ang isang sitwasyon. Ngunit pag wala ang mga nakasisindak na bagyo, lindol, unos, tsismis at kung anu-ano pang kontobersyang nagpapasikat sa unos kanya-kanya ang ating nasyon.
May sarili kaming wika, may sarili kaming relihiyon, may sarili kaming adhikain, may sarili kaming problema, kami ang magaling.
Eh di kayo na!
Buti pa nga yong langgam nag-kakaisa.
Buhat sa salitang Tayo mabubuo ang salitang "tao".
Kelan po tayo magpapakatao?
Puede bang tigilan na ang pagkakanya-kanya?
Grupo-grupo, pulu-pulutong, pati ba naman isipan at ugali natin nakabase sa ating lokasyon bilang islang nasyon. Sa halip na makiayon sa ating kinaroroonan  na hiwa-hiwalay na isla.
Bilang tao magdesisyon tayo ng tama.
Anong mapapala kung laging may kompetensya.
Sige na kayo na ang maliligtas, sige na kayo na ang magaling, sige na kayo na ang tama.
Pagkatapos noon may nanalo na at ang grupo nyo nga.
Di ba puedeng isaisantabi ang kanya-kanyang sariling ambisyon.
Ano ngayon kung makamit mo ang pinakatugatog ng tagumpay masaya ka na ba?
Masaya ka ba na ang iba ay talunan at ikaw lang ang panalo?
Kelan natin wawakasan ang kompetisyon?
Puede bang mamuhay ng normal na walang alitan.
Puede bang sa halip na maging asal hayop magpakatao po tayo?