Sa isang luntian at masaganang Pastulan, ipinapastol ng Mabuting Pastol ang kanyang kawan. Ang kanyang kawan ay masaganang masagana sa sariwang damo kaya naman ang mga ito'y lumaking malulusog at matatalino. Makita pa lang nila ang Mabuting Pastol agad silang sumusunod. Ang bawat mensahe at simbolo na nais iparating nang Mabuting Pastol sa kanyang kawan ay nauunawaan ng mga ito at dagli silang tumatalima. Kaya naman labis-labis ang galak ng Mabuting Pastol at naipasya Niyang paramihin ang kanyang kawan. Dumami nga ang Kanyang kawan at kailangan ng bagong Pastol kaya naman kumuha sya nang mga tauhan upang pamahalaan ang bagong kawan. Sa una'y naging mabuting Pastol ang kanyang tauhan. Subalit dahil ang Pastol ay isa lamang upahan, wala doon ang pagmamalasakit at pagmamahal sa mga tupa. Ginagawa lang nya ang tungkulin niya bilang isang upahang Pastol. Kaya naman ang kawan ay unti-unting nabuwag. Ang iba ay sinila ng mababangis na hayop, ang iba naman ay naligaw, ang iba ay tila mailap na oso sa ilang.
Isang araw binisita ng Mabuting Pastol ang Kanyang tauhan, tila walang suliranin. Nagkatay ito ng patabaing guya, tuwang-tuwa sa pagdating ng Mabuting Pastol. Subalit ang katotohanan nito'y umaalingawngaw sa ilang. Sandali lang ang pagbisitang iyon nang Mabuting Pastol. Ang Kanyang ngiti'y simbolo nang pag-asa, sapat na upang ang mga nanghihinang tupa ay muling lumakas. Subalit pagkatapos nang isang masidhing emosyon; galak at tuwa may nagbago ba? May naiwan bang bagong aral?
Higit sa mga tupa ang tao ay nilikhang kawangis ng Manlilikha. May angking talino, puso at kakayahang makipag-usap sa iba't ibang pamamaraan at wika.Subalit ang kakayahan na maging mabuting tagapamahala ay tila baga isang kaisipan nang isang tupa.Kung wala ang mabuting Pastol nanginginain sa ilang. Ang alam lang ay manginain at pagkatapos iiwan ang sariling dumi.Umaasa sa mga upahang tauhan upang linisin ang kanilang naiwang dumi. Ito ba ay gawain nang isang matalino at normal na tao? Mauunawaan ko pa kung ika'y isang paslit o kaya'y baliw na maituturing. Subalit hindi isa kang matalinong nilalang na walang disiplina sa sarili. Tapon dito tapon doon at pag bumaha ng basura, saka sisihin ang Maykapal. Ngunit ang tunay sariling kagagawan ang kanyang kapahamakan.
Kaibigan ang simpleng pagtapon sa tamang basurahan ay isang kaaya-ayang gawain dahil ang kalinisan ay sunod sa katangian ng Manlilikha.
Kalinisan sa isip, salita at sa gawa. Simple man at magaling aang iyong ginagawa ika'y pagpapalain sa takdang panahon.
Ayon sa nasusulat; "Paano ka pamamahalain sa malaking bagay kung ang maliit na bagay ay di mo mapamahalaang mabuti?