Sunday, August 25, 2013

PAGBABAGO?



Gusto mong sumigaw?
Sino ang makakarinig sayo  kung lahat ay sumisigaw?
Di lahat ng sumisigaw ay naririnig.
Nais mo ng kapayapaan?
Kumilos ka at tahakin ang daan patungo sa kapayapaan.
Ngunit kung kabaliktaran ang iyong ginagawa sa iyong ninanais makakamit mo ba ito?
Nais mong ilagay ang batas sa iyong mga kamay anong pinagkaiba mo sa kriminal?
Sa huli pantay pantay naman ang lahat isinilang kang walang anuman, aalis ka ring walang anuman. Nawa'y maging makabuluhan ang buhay na bigay  ng Maykapal. Kung hindi anupat nabuhay ka?
Nais mo ng pagbabago?
May ginagawa ka na bang pagbabago sa  buhay mo?
May panahon pa upang magbago tungo sa kabutihan.
Gawin na ito  ngayon habang may oras pa.
Kung ikaw ay may karapatang magbago,
Siya man ay may karapatan din.
Huwag natin itong ipagkait.
     Ang kapayapaan ay nagsisimula sa kaibuturan at puso ng bawat nilalang.
Gayundin ang digmaan ito'y nagsisimula sa galit na namamayani sa puso ng isang indibiduwal hanggang sa ito'y magkaugat at magkasanga. Kayat kung nais mong supilin ang kasamaan sa buong mundo, supilin mo muna ang iyong sarili kung napagtagumpayan mong supilin ang iyong sarili,  handa ka na sa pagsupil sa mas malaking mundo.
Panalangin at hangad ang kapayaan ay manaig sa puso ng bawat isa.

Tuesday, August 20, 2013

PLANGGANA NI INANG




               Sabay sa tilaok ng manok ang pagbangon ni Inang, tuwing umaga. Ewan ko ba kung bakit awtomatiko siyang gumigising, marahil ito ang kanyang “alarm clock”. Pagkatapos magrosaryo, magkakape, bubuksan ang bintana ng aming munting dampa, ayon sa kanya’y  upang pumasok ang biyaya. Magwawalis ng bakuran habang hitit ang kanyang tabako. At pag napagod  ako naman ang babalingan. “Aba mahal na prinsesa gumising na po kayo at tanghali na! “ Sigaw niya, na animo’y ang kausap nasa kabilang barangay. Ang ganda na sana ng umaga, sariwa ang hangin,ang awitan ng mga pang umagang ibon sa punong mangga ang maririnig. Pero heto, kung siya tilaok ng manok ang panggising ako nama’y  ang kanyang nakaririnding sermon.
              Bungangera man si Inang siya pa rin ang itinuturing kong bayani ng aking buhay. Sa edad na singkwenta wala pa ring humpay sa paglalabada. Masasabi kong propesyonal siyang labandera, dahil pag binitiwan ang damit talagang malinis at mabango. Dalawang beses sabunin, kula dito, kula doon, at pag natuyo’y animo’y paring  binabasbasan ang nakakulang damit. Bulong ko sa sarili, “tingnan mo itong si Inang, ibibilad tapos babasain ulit”.Pagkatapos ng tatlong  beses na banlaw, sunod ang hampas ng palo-palo upang matanggal ang katas ng sabon. Ang huling proseso, eto na ang kabayo ni Gabriela, este kabayo ng plantsa. “Hmmm! Ang bango sarap isuot”.
              Naabutan ko pa  ang dating  ilog na malinis sa aming likod bahay sa  Nueva Ecija at tuwing naglalaba si Inang sa ilog, sa batuhan kami nagpapatuyo ng damit. Naranasan ko pa ang manguha ng tulya na madalas naming ulam, laking pasasalamat ko sa tuwing isinasama ako sa bahay ni Donya Violeta. Aba’y nakakatikim ako ng ibang putahe tulad ng “fried chicken” at lechon.
              Giliw na giliw sa akin si Donya Violeta, ang mayaman na suking nagpapalaba kay Inang. “Apo mo ba yan Maria kay nasirang Ana?” “Anong pangalan mo Iha?”   “Nena po”, sagot ko. “Nena, Iha gusto mo dito ka na lang tumira pag-aaralin kita, at ibibili ng bagong damit at sapatos.” Tumingin sa akin si Inang, mga titig na tila nagbabanta. Simula noon dina ako isinasama ni Inang. Ang tanging kasa-kasama ko si Muning na aking kasa-kasalo sa pagkain.
                 Sa Edad kong anim na taon laboy ako sa kalye, di alam ang salitang kamatayan nandiyan na halos masagasaan ng sasakyan, mahulog sa bangin at malunod pero balewala dahil masarap magliwaliw.Pag kami’y nagutom nina Buchoy at Bitoy naglalambitin ako na tila unggoy makakuha lang kahit bubot na bayabas. Minsan akala ko’y katapusan ko na dahil kung nagkataon sa bangin ako babagsak na may mga batong matutulis. Wala kaming kapaguran, kundi lang umulan hindi pa ako uuwi, at dahil marusing naisipan kong ituloy ang paliligo sa ulan. Naabutan ko si Muning sa pinto kaya’t isinabay ko sya sa paliligo di pa makuntento inilagay ko sya sa loob ng timba na puno ng tubig.
Tuwang tuwa ako sa sa kabila nang panginginig ni Muning. Dala ng  kapaguran nakatulog ako ng  mahimbing, nagising na lang ako sa pagyugyog ni Inang. “Nena, gising at  tayo’y lilipat tumataas  na ang tubig.” Si Inang dala ang isang bungkos ng damit na nakabalot sa kumot, ako nama’y si Muning na kanina pa nanginginig. Kumapit ka Nena”.  “Susmaryosep!, kaylan kaya titigil ang ulan, magugunaw na yata ang mundo”. Sabi ni Inang habang tinatahak namin ang kawayang nagdurugtong sa aming bahay. Ayon kay Ka Ines ang mapaghatid balita naming kapitbahay na nagpakawala ng tubig ang Pantabangan Dam , kaya lalomg lumalim minsan naman mapapakinabangan din ang pagkakaroon  ng matabil na kapitbahay dahil nauuna pang magbalita sa dyaryo’t telebisyon.
                Lulan ako ng planggana ni Inang na dating damit ang laman ngayon ako at si Muning ang lulan nito. Habang binabaybay ang daan papunta sa kabilang ibayo, pikit matang nanalangin si Inang. Nabagabag ako sa mga oras na iyon.Naaalala ko ang laging habilin ni Inang. “Huwag mong paliliguan ang ‘yong alagang pusa at uulan ng walang humpay.  Ayaw kong aminin  na nagaksaya ako ng tubig at pinaliguan si Muning, tiyak papaluin niya ako ng malapad na patpat ng kawayan. Dahil sa katigasan ng aking ulo ang daming nadamay. “Papa God patawarin ninyo po ako.” “ Matapos lang ito magpapakabait na po ako” , tahimik kong panalangin. “Pasensya ka na Muning ngayon nanginginig ka sa lamig, yayakapin na lang kita tulad ng pagyakap ni Inang.” “Maglalaro pa tayo sa plaza di ba gusto mo don?” Nanginginig pa siya kahit yakap ko na siya.
Kinaumagahan paggising ko wala na ang baha, tuyo na ang lupa. “Yeheey! Makakagala ako ulit”, subalit  si muning nang Makita ko’y matigas na. Wala nang gigising sa akin pag binabangungot ako, tulad noong isang gabi may malaking ahas na pumulupot daw sa katawan ko di ako makasigaw, buti na lang andiyan si Muning, kinagat ang daliri ng aking mga paa hanggang sa magising ako at higit sa lahat wala na kong kasalo sa pagkain lalo na pag tuyo’t tinapa ang ulam. Wala na rin  akong kakampi. Tuwing papaluin ako ni Inang pag umiiyak na ako lalapit na sya sa akin at  nagpapakalong. “Mamimiss kita Muning, paalam”.
                    Pagkatapos ng baha si Inang dala ang kanyang planggana na aming sandigan upang  mabuhay. Isang kahig isang  tuka  sapat lang na pangkain sa araw na iyon ang kanyang kita. Matanda na siya subalit eto patuloy pa rin sa pakikibaka. Nakuba na’t lahat sa paglalaba di pa rin nakaipon.
               Nagkasakit si Inang at dahil sa walang pera sa bahay lang sya di ko alam kung anong gagawin, pinupunasan ko sya tulad nang ginagawa niya sa kin pag maysakit ako. “Oh!, Nena di ka pa pumapasok,” , usisa ni Ka Ines . “Maysakit po kasi si Inang”, sagot ko , Nasa unang baitang ako noon alam ni  Ka Ines na di ako lumiliban at maaga ring pumapasok, alam nya ‘yon dahil di lingid sa kanya wala man kaming pagkain  o baon  pasok pa rin ako. May katabilan  man siya’y mabait naman at may malasakit. “Sige na pumasok ka na at a ako muna titingin sa Inang mo.’” “Salamat po Ka Ines”  Bago pumasok pumunta muna ako sa likod bahay , nanguha ng bunga ng bayabas, hindi upang kainin kundi upang ibenta, kaylangan namin ng pera, di nakakapaglabada si Inang. Salamat sa Diyos marami ngayong bunga ang  puno ng Bayabas. “Salamat kaibigang bayabas. Paguwi galing eskwela bumili ako ng bigas nilugaw ko iyon nilagyan ng luya at asin, “Ayos na ito” “Inang sandali na lang ito”, habang inihain ang lugaw umuusok pa. “Inang kain na po.” Inang akala ko’y natutulog lang si Inang pero nang hawakan ko ang kamay niya  malamig na at naninigas at hindi na sya humihinga. “Inang gumising ka , heto yong paborito mong lugaw ipinagluto kita, Inang marunong na akong maglaba , hindi ka na maglalaba ako na, Inang gumising ka. Paano na ang mga pangarap natin , inang gumising  ka! Nang tumigil ako’y  paos na ako’t di makapagsalita. Nagsidatingan ang mga  kapitbahay upang sumaklolo ngayon pa , kung wala ng buhay si Inang. Wala na akong pamilya . Ulila na akong lubos  si Inay na namatay dahil sa pagsilang sa akin, at ngayon ang kinagisnan kong magulang na nag-aruga at nagpalaki sa akin . Katapusan na ng mundo para sa akin. Tulala akong pinagmamasdan ang plangganang naiwan ni Inang at habang tanaw ito’y  nagbabalik ang kalbaryo ng baha na simula nang nadarama kong kalungkutan.
               Nagmagandang loob si Donya Violeta na kupkupin ako. Sa puntod ni Inang nangako akong magpapakabait at tutuparin naudlot niyang pangarap.  Pangarap na nagsimula sa Planggana ni Inang. “Inang paalam ang isinakripisyo mong buhay ay may taglay na pangako. Tutuparin ang ating mga pangarp.Mamahalin at susundin mga taong nag-aruga sa akin, at magkakaroon tayo ng bahay na di aanurin ng baha.
               Mabait si Donya Violeta subalit ang kanyang anak, si Tiya Letty, itinuring akong katulong pag wala si Donya Violeta , bago pumasok sa eskwela sa edad kung sampung taong gulang pinalilinis ako ng kulungan at pinapakain ang kanyang mga alagang baboy, at pagdating sa hapon isa akong labandera, kahit may mga katulong na gagawa noon, ako pa rin ang inuutusan niya. “Hoy Nena huwag kang maginarte, anong gagawin mo tutunganga, kaylangan mong matuto ng lahat ng gawaing yan dahil mahirap ka lang  kaya huwag kang kukupad kupad” , bulyaw niya sabay talikod. “Pagpasensyahan mo na yan  alo ni Aling Vicky “maligo ka na at pumasok.” Sa kabila ng lahat, nagtiyaga ako dahil sa pangako. Ang tanging sandata ang pananampalatayang namana kay Inang, na syang sandigan nang  aking kalakasan at pag-asa.
              Ngayon magtatapos na ako sa elementarya habang binabalikan ang mga nagdaan na tila  bangungot na sa bawat pagpikit ng aking mga mata’y nakikita ang kadiliman. “Nena ikaw na” , kalabit ni Rhoda . Leonora Mijares “Valedictorian” “Inang ito ang simula” , habang papalapit  sa entablado upang tangapin ang medalyang ginto  “Para sa iyo” sabay tulo ng aking mga luha. Dinig  ko ang palakpakan ng mga tao  at ang kanilang bulungan “kawawang bata” “matalinong bata” , at sa aking Valedictory Address” maikli lang at ang kabuuan nito’y sundin, igalang at mahalin ang mga magulang habang nadarama pa nila  ito.
               Napagtanto ko ng mga sandaling ‘yon, makamit  mo man ang tagumpay kung wala ka namang pag-aalayan isa itong hungkag na pangarap.
               Ang tanging naiwan ni Inang ang kanyang plangana. Ngayon habang  hinahaplos ito na animo’y  kamay ni Inang. Ngayong hawak ko ito ang halimuyak at hiwaga ng hanging humalik sa aking pisngi ay nagsasabing di ako iniwan ni Inang.

Monday, August 19, 2013

2D & 3D DESIGN FLOOR PLAN, LAYOUT

2D Design Front View
3D Design view 2
3D Design view3

3D Design Front View


3D Design view 1



Need interior design for your office or house?
Estimate costing?
Kindly contact us and we will visit your office for the actual measurement for your specific requirements.
For more info kindly contact Julie at jew_soriano@yahoo.com.ph or contact us at 09168613585 and 09395378852.


Sunday, August 18, 2013

Ogie Alcasid 25th Anniversary Concert

Dennis Trillo & Tom Rodriguez Main Cast of My Husband's Lover as Erik & Vincent
Sang: One More Try


Mr. Martin Nievera- The Concert King
Sang "Ikaw and Aking Pangarap"
Mr. Gary Valenciano- Mr Pure Energy
Sang "Kung Mawawala Ka"


25 I Write the Songs Mr. Ogie Alcasid with Daniel Padilla


Ms Kuh Ledesma- Pop Diva
Sang "Tayong Dalawa"
     Isa ito sa mga di ko makakalimutang araw. Bagamat masama ang pakiramdam ng biglang tumawag si Ayah kung gusto ko daw manood ng concert ni Ogie Alcasid sa MOA nag-isip muna ko ng konti ." Teka Friday ngayon traffic so from Pasig mga 2 hours pa bago ako makarating doon, at isa pa masama talaga ang pakiramdam ko." Pero sa kabilang banda nanaig pa rin ang kabilang banig ng aking isip na "go why not pambihira lang naman to at makahabol man ako o hindi sa concert makita ko lang si Ayah since medyo matagal na rin di kami nagkakakwentuhan solve na ako don.
     At tama nga ang aking naging desisyon kahit di ko nasimulan pinarecap ko na lang kay Ayah ang mga naunang guest at kung anong nangyari since magaling naman syang magkuwento  para ko na ring nakita ang  mga namiss kong part.
     Naabutan kung kumanta si Ms Pops Fernadez with her dazzling black silver dress and yes she is the "Concert Queen". Pero ang nakapagpasigaw sa lahat ay ng lumabas sa entablado sina Dennis Trillo and Tom Rodriguez aka Vincent & Erik at my Husband's Lover talaga naman with holding hands on the crowd they are indeed a great actor and performer.
     Anne Curtis is also one of the guest like what Ogie Alcasid said in his introduction, concert will not be a success without her because all singers are focus on their songs and performance but Anne simply enjoy it no matter what tone of voice she has what matter is she make it, so casual yet entertaining she's so funny with those Kikay gestures.
     I love the package, the guest, the set design and the theme of the concert. Aside from the big stars what I like most is when Ogie always told to his guest to make a bow after their master piece and it's a sign of humility that no matter how good they are their talent is came from above. And that's the message of 25 I  Write The Songs because God is the writer of all songs. All aspect is in the concert. Its entertaining yet there are valuable things to cherish. I like that part when Ogie called his parents on stage and honor them that without his parents there is no Ogie Alcasid on this world. There is social awareness, World Vision is one of the beneficiary of his concert.  
     Ogie sang "Salamat" to the Sponsors,audience,producer, audience which he sang together with Maestro Ryan Cayabyab as he call him Mr. C.
   Co Presentor are Smart Music,  tv 5my dsl homeBelo GroupBenchMajor Sponsor are PetronVictoria CourtMinor Sponsors are M LhuillierBonakidPacific Blue ShadesMcDoSan Marino Corned TunaCravings. Patron Sponsors are PCSORyu Ramen & CurryWil's Events PlaceAdstrat WorldLily's PeanutManila North Harbour Port Inc.

Salamat po!


Ms Anna Co Puno- Producer, Founder Star Media Entertainment with Ms Pops  Fernandez  "The Concert Queen" and Ms Jaya Ramsey "Soul Diva and "The Asia's Queen of Soul"
                                   
                                 
World Vision- Beneficiary of Ogie Alcasid 25 I write the Songs

Ms Zsa Zsa Padilla- Divine Diva
Sang "Sa Kanya"
Ms Regine Velasquez - Asia's Songbird
Sang "Huwag Ka lang Mawawala"









Tuesday, August 6, 2013

What is Ramadan?

Eid'd Fitr

Ramadan

Ramadan, the greatest religious observance in Islam, is an annual month of fasting.
During the blessed month of Ramadan, Muslims all over the world  abstain from food, drink, and other physical needs during daylight hours . As a time to purify the soul, refocus attention on God, and practice self sacrifice, Ramadan is much more than just not eating and drinking.
I'm not an Islam but I also do fasting especially when times that I don't feel the presence of our Lord. And true enough during those absence of the senses in our universal faith it is called Lenten Season and we fast our five senses. The eyes,nose,ears,tongue,skin. And true enough if the body is weak the spirit is strong and you could feel that you are not a mere human being with physical body but you have the spirit and soul that speak with your God and other human being through your mind and spirit.
But even you fast if you don't do the gift of love you miss the essence of fasting.
Love is the universal language that anyone can understand and if their is love God is their because God is love. Different names but one meaning and that is give love on every human being because your God is a God of love so as children of love do the same.

Ramadan Kareem!
Ramadan Mubarak!
Kul 'am wa enta bi-khair
Eid Mubarak


Thursday, August 1, 2013

HOW TO SAY I LOVE YOU?

   

Communication is a two way process their is sender and receiver, their is speaking and listening, reading  and writing.
    Human being is said the highest form of animal because he can communicate in various forms and language. Relationship will restore if their is good communication. Be humble enough to listen and when its your time to speak, then speak. It's always give and take. Give your listening heart and you will receive listening heart also. Like the golden rule if you want to be heard listen first so when its your time to speak they will listen. If you want to be heard be sensitive enough that others want also to be heard. We can't  hear each other because we want to shout all what we need to say. We forget the most important which is listening because when you truly listen you will understand what the other party want to say and what he really meant to say.
     I speak to foreign language sometimes I couldn't understand their language because of the accent and other differences that's the time I used my heart to listen to what he really meant to say. I look at his eyes, the gestures of his hands, the movement  of his body. Yes even though I couldn't understand his foreign language I understand the core of his heart  and that's the time I'm ready to speak and say you captured my heart. But then it's a continuous process you have to asked questions, don't assume till you hear it from the bottom of his heart.
     Take note be humble enough to admit your mistakes but its not enough just to admit it , repent and be the best new you.